Chapter 14: Poison

64 12 5
                                    

Poison

Madison's POV

Past 7 na ng naihatid niya na ako pauwi. Pagkalabas ko sa kotse niya sumabay pala siya.

"Salamat, nag-enjoy ako" nakita ko namang ngumiti siya.

"Salamat rin, Maddy" malumanay niyang sabi.

Nakatitig lang ako sa mata niya. Ang ganda pala ng mata niya. Parang marami itong ibig iparating na di ko mawari.

Hindi na ito tulad ng dati. Ang mga mata niyang puno ng galit at paghihiganti noon ay hindi ko na makita ngayon.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa'kin. Magkahinang pa rin ang aming mga mata na para bang nag-uusap.

Napapikit na lamang ako ng halikan niya ako sa noo.

It's just a simple gesture but it melted my heart. Sweet.

"Goodnight, Maddy" sabi niya gamit ang malamyos niyang tinig.

"Goodnight, Jon" sumakay na siya sa kaniyang kotse. Nandoon pa rin ang ngiti sa kaniyang labi na aking aalalahanin magpakailanman.

Napabuntong hininga ako bago pumihit papasok sa mansyon.

"Anong oras na Maddy? Ba't ngayon ka lang?" Bungad na tanong sa akin ni Kate na nakatayo sa may pinto.

"Napaasarap lang yung pamamasyal namin ni Jon" paliwanag ko.

"Napapadalas yata ang paglalabas niyong dalawa ah" sabi niya."Sana wag mong kakalimutan kung sino siya at kung bakit andito ka ngayon" dama ko ang pagiging seryoso ni Kate.

"Alam ko Kate" I sigh.

"Paalala lang Maddy, wag kang mahuhulog dahil alam mo naman siguro na ikaw rin masasaktan sa huli"

I know, Kate. Sana nga lang di pa huli ang lahat.


*Ring

Lahat kami apat ay napahawak sa kani-kaniyang cellphone.

GW

Meeting at GW Headquarters, 8: 00 pm
-Dark moon

Nagkatinginan kaming apat. Ibig lang sabihin ng mensahe na yun, pag-uusapan na ang nalalapit na ang anibersaryo ng GW.

"Oras na para sa bagong labanan" sabi ni Kate. Then she look at me.

I know what's in her mind right now.

Ang anibersaryo ng GW ay yun din ang araw kung kailan namatay si Ash.

Flashback

Kasalukuyang nagsisimula pa lang ang labanan ng iba't ibang grupo ng mga gangster.

Kalaban namin ang Moon chasers. Natalo na namin sila ng mga oras na yun.

*Ring

Sinagot ko naman noon ang tawag medyo pagod pa ako noon at iniinda ang mga sugat kaya di ko na pinagkaabalahang tignan kung sino ang tumatawag.

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon