Caging Heart
Madison's POV
Maaga akong nagising sa dahilang di ko alam. Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Nakasuot lang ako ng malaking T-shirt at short. I don't wear bra kapag na sa bahay lang. Lahat yata kami dito ganoon.
Umiinom ako ng kape nang biglang may kumatok sa pinto.
Wait, sa pinto?
Shit!
Tumakbo agad ako sa may pinto at bago buksan ang pinto ay nagtago ako sa gilid ng nito.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Saka ako lumabas at sinuntok ng napakalakas ang pangahas na pumasok sa gate ng di namin alam.
"F*kc!" Daing niya. Bakit pamilyar ang boses?
Tinignan ko ang lalaking nakaupo na ngayon sa harap ng pinto.
Shit!
"Jon, ayos ka lang?" Nilapitan ko agad siya at sinuri ang mukha niyang nasuntok ko.
Shit! Namula!
"Y-yeah, i-i'm okay, but I t-think y-you should-" nauutal niyang sabi.
"No, di ka okay. Tara gamutin natin yan" tinulungan ko siyang tumayo at iginaya papasok sa bahay. "Diyan ka lang kukuha lang akong yelo" sabi ko saka iniwan siya doon sa sala.
"Aray!" Daing niya ng inilapat ko sa kaniya ang ice pack.
"Loko ka kasi ba't di ka na lang nagdoorbell sa gate? Akala ko tuloy magnanakaw." Sabi ko. Tinignan niya ako ng masama pero napaiwas rin.
Anong problema nito? Namula kasi bigla tenga niya.
"C-could you please go to your r-room and change" nauutal na naman niyang sabi.
"Huh?"
"F*ck! Magbra ka,bumabakat utong mo!! Shit!?!" Pagalit niyang sigaw.
Right there, I remember I didn't wear a bra.
Shit! Fuck!!
Fuck shit!!!
Dali-dali akong napatakbo pabalik sa kwarto ko.
Fuck!! That's embarrassing!?! Shit!
Kahit nahihiya ako ay lumabas pa rin ako ng kwarto. Siyempre nakapagpalit na ako ng damit at nakaligo na rin. Nakakahiya naman daw sa bisita kung amoy panis na laway ako. Yuck.
Nadatnan ko siyang nakaupo pa rin sa sofa. Napagawi naman sa'kin ang tingin niya. Naalala ko naman ang kanina.
Shit!
I keep myself calm na kala mo di affected sa nangyari kani-kanina lang.
"I guess you're okay. So, let's go" tumayo naman ito agad ng makalapit ako.
"Huh? Aalis tayo?" Takang tanong ko.
"Tss, I'm taking you out"
Ano raw?
"Ahh,,oookay" yun na lang ang nasabi ko. As usual iniwan na naman niya ako at nauna na naman siyang lumabas.
Na sa park kami huminto.
"Wait me here" tumango na lamang ako.
Pagbalik niya marami na siyang dalang street food.
"Yung totoo, naubusan na ba kayo ng pagkain sa bahay? Mukhang pinakyaw mo na lahat sa nagtitinda niyan ah" mangha sabi ko sa kaniya.
"Bakit? Ayaw mo?" Nakakunot noong tanong niya.
"Para sa atin 'tong lahat?"
"Tss, obvious naman di ba?"
Seryoso?
Baka magtagal ang meeting namin ni CR nito.
Habang na sa byahe. Paunti-unti ay kinakain namin ang binili niya. Tapos ang loko nagpasubo pa. Well, di naman kasi siya pweding kumain ng nagmamaneho kaya sinubuan ko nalang.
"We're here" sabi niya. Kaya napatingin ako sa labas.
Peryahan?
Napatingin ako sa kaniya- Wait na saan na 'yun?
"Don't keep me waiting, Madison" napabaling agad ako pabalik.
Wow, himala pinagbuksan ako ng pinto.
"Where do you want to start?" Tanong nito sa'kin. Ako naman nakatunganga lang sa kaniya. "Hey!" Pukaw niya sa'kin pero parang mas lalo yata ako napatanga sa kaniya. Sinong hindi kung ang Jon Dave na kilala ko na nakakunot noo palagi at parang palaging may PMS ay ngumiti.
Shit!
"H-huh?"
"Tss" hinila na niya ako sa may Ferris wheel. Napatawa ako bigla. Nagtatakang tinignan naman niya ako.
"Sorry" pinipigilan kong matawa, promise. I just can't help it.
Taena! Ferris wheel? Ano 'to balik pagkabata? Dang! Hahaha
Hinila na niya ako papasok. Seryoso talaga siya?..hahaha
Pagkatapos noon sa Ferris wheel ako na ang humihila sa kaniya at lahat ng pinili ko mga extreme rides.
Noong una natakot ako sa ibang rides, pero habang nakikita ko ang mukha ni Jon na namumutla at dilat na dilat ang mata, di ko na napansin ang nakakatakot na nangyayari. Tawa na lang ako ng tawa sa itsura niya. Kapag nakababa na kami sa isang ride titignan niya ako ng pagkasama-sama. Pero baliwala sa'kin yun. Di naman kasi siya tumututol sa mga rides na napili ko. Nang mapagod kami kumain na lang muna kami pero pagkatapos noon balik uli sa peryahan. Kung ano-ano lang ginawa namin doon.
Masasabi ko talaga na nag-enjoy ako ng sobra.
Mga hapon na ng pagpasyahan niyang pumunta sa tabing dagat. Tahimik lang kami nakatanaw sa papalubog na araw.
"It's my first time" basag sa katahimikan ni Jon. Napabaling naman ako sa kaniya. " first time kong pumunta sa peryahan"
"Di nga?" Di makapaniwalang sabi ko.
"It's true. Since childhood, father never let us go out" kwento niya."Ayaw na ayaw niyang na sa labas kami lalong-lalo na ako. Ni minsan di ko naranasang makipaglaro kani-kanino. Kahit ordinaryong laro ng pangbata di ko naranasan." Nakikinig lang ako habang nakatitig sa kaniya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"He told me not to waste my time playing rather I should prepare myself for the future" sagot naman niya."Well, I guess he has a point."
"Life is too short, Jon. You should live your life without a doubt, fear and anger" nasabi ko na lang bigla.
"I don't think I can" maalungkot na sabi niya.
"Bakit naman hindi?"
"Hindi ako makakausad sa buhay at Hindi ako mabubuhay ng payapa hangga't di ko nagagawa ang ipinangako ko" nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya.
Then it hits me. I can't live my life either hangga't di ko naitatama ang lahat.
Inaamin ko. Nahuhulog na ako sa kaniya ng hindi ko napapansin.
Kailangan kong pigilan 'to dahil sa huli ako lang din ang masasaktan.
I should lock my heart in a cage before I fell hard.
Dang! Life is unfair.
BINABASA MO ANG
The Love of Thorns |Completed|
Action"Your past hunted you, you can't move on, you want revenge yet you fell into love with her. The person who cause you pain. Does love would be enough to erase the past from your heart?" YEAR: 2016 DISCLAIMER! ERRORS AHEAD!!