Madison's POV
Nang magmulat ako ng mata una kong nakita ang puting kisame. Nang tignan ko naman ang lamang kamay ko may nakalagay na IV. Na sa ospital nga ako. Sinubukan kong umupo kahit nananakit ang ulo ko. Nang maayos na akong nakaupo saka naman bumukas ang pinto.
Sunod-sunod na pumasok ang mga kaibigan ko kasama ang Red Fire.
"Ayos ka na, Maddy?" Tanong ni Rhane "may gusto ka ba?" Dagdag pa niya.
"Ayos lang ako" sagot ko. Napatingin naman ako sa Red Fire. Mukhang nagets naman ni Kate na naguguluhan ako kung ba't sila nandito.
"Sila ang nakakita sayo na muntik na makidnap"
"Ganun ba. Salamat sa inyo" sabi ko. Nakangiti naman sa'kin si Light at Jameson. Si Sam tumango naman. Pero teka na saan si Jon? As if on cue bumukas ulit ang pinto at iniluwa si Jon. May dala itong pagkain. Napanganga ako.
Seryoso siya?
Street foods? Parang gusto kung matawa. Na sa ospital kami tapos yan ipapakain niya sa'kin?
Lumapit siya sa'kin at tinitigan ako.
As in titig. Yung tagos hanggang buto. Shit. Nakakailang yun ah.
"Okay ka na?" Tanong niya habang titig na titig parin sa'kin.
"O-oo" nauutal kong sabi. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisnge.
Napaiwas lang kami ng may biglang tumikhim. Napabuga ako ng hangin ng makalayo siya.
Salamat naman.
"Pwede ka ng makauwi, Maddy sabi ng doctor" bigay alam ni Janine. Tumango na lang ako.
Nauna ng umalis ang Red Fire kaya naiwan kaming magkakaibigan.
"Mukhang gumagawa na naman siya ng hakbang para makuha ka" sabi ni Kate.
"Hindi talaga siya titigil hangga't hindi namamatay ang tatay mo at ikaw lang ang nakikita niyang paraan para magawa yun" si Rhane na bakas ang sobrang pag-aalala.
"I know" kaya kailangan ko ulit makausap si Elaine "Kailangan nating malaman kung sino siya. Hindi ko papalampasin ang ginawa niya samin ni Ash. Ipaghihiganti ko siya" at mukhang hindi na rin magtatagal ang paghihintay ko.
Hindi ko na hahayaan pang masaktan pa niya ang mga mahal ko. Not this time not ever.
Sam's POV
Papasok na sana kami sa elevator nang makalimutan ko ang aviator ko na naiwan sa kwarto ni Maddy.
"Mauna na kayo, yung aviator ko naiwan" sabi ko.
"Sige, dalian mo bro" sabi naman ni Jameson.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko silang nag-uusap. Babalewalain ko sana at papasok na kaso napatigil ako sa naririnig ko.
"Mukhang gumagawa na naman siya ng hakbang para makuha ka" rinig kong sabi ni Kate.
"Hindi talaga siya titigil hangga't hindi namamatay ang tatay mo at ikaw lang ang nakikita niyang paraan para magawa yun" si Rhane.
"I know" si Madison "Kailangan nating malaman kung sino siya. Hindi ko papalampasin ang ginawa niya samin ni Ash. Ipaghihiganti ko siya" sa sinabi ni Maddy natauhan ako.
What the hell?!?! Magkakilala sila ni Ashley?
Hindi ko papalampasin ang ginawa niya samin ni Ash. Ipaghihiganti ko siya
Ibig ba sabihin nito pinahirapan din siya ni S.D?
F*ck! So confusing!
Mukhang hindi lang si Jon ang may gustong maghigante.
Di ko na pinagkaabalahang kunin ang aviator ko baka malaman pa nilang nakikinig ako sa usapan nila.
*Ring
Bakit kaya tumatawag si Eros?
"What do you want, Eros?" Tanong ko.
"Meet us at my house in Baguio tomorrow, 9: 00 a.m" sabi naman niya.
"Okay" I ended the call.
But wait...sinabi ba niyang US?
BINABASA MO ANG
The Love of Thorns |Completed|
Action"Your past hunted you, you can't move on, you want revenge yet you fell into love with her. The person who cause you pain. Does love would be enough to erase the past from your heart?" YEAR: 2016 DISCLAIMER! ERRORS AHEAD!!