Chapter 29

46 9 3
                                    

Jon's POV

*Bogsh*

Kaming tatlo, ako, si Sam, at Jameson, napatingin sa pinto ng biglang pumasok sa tambayan namin si Light na hinihingal.

"Guys, you have watch this" sabi nito saka kinuha ang remote kay Jameson at iniba ang channel.

"Bro, naman nanonood pa kami ng Avengers e" reklamo ni Jameson sa ginawa ni Light.

"Panoorin niyo importante 'to" seryosong turan ni Light kaya bumaling ulit ang aming paningin sa T.V. Once kasi na magseryoso si Light whatever he was talking about is surely an important matter.

"Fuck!" Sabay-sabay kami napamura sa napanood namin sa balita.

Naaksidente si Maddy!

Nagmamadali kaming lumabas sa tambayan namin at nagtungo sa ospital.

Pagkarating namin doon ay nakasabay naming dumating ang queens. Sumabay na lamang kami papunta sa kwartong pinagpapahingahan ni Maddy ngayon, mukha kasing alam na nila kung na saan.

Doon nadatnan namin ang tatlong taong nagbabantay kay Maddy.

They're her family, I presume.

"Tito, tita Keith" the queens great them and give a light hug.

Napatingin naman ang tatlo sa aming magkakaibigan ng may nagtataka. Napatingin rin si Kate sa amin ng mapansin ang pagtingin ng mga ito sa amin.

"Ahm, Tito, tita, Keith. They are our friends. Jon, Light, Sam and Jameson" pakilala niya sa amin sa pamilya ni Maddy.

"Nice to finally meet you" sabi namin sa kanila na kanila namang sinuklian ng matamis na ngiti.

"How is she, Tito?" Tanong ni Kate kay Mr. Reyes.

"Okay naman na daw siya sabi ng doctor kailangan lang niya ng pahinga." Sagot naman nito.

Madison's POV

"How is she Tito?"

"Okay naman na daw siya sabi ng doctor kailangan lang niya ng pahinga."

Boses nina daddy and Kate ang unang kong naulinagan ng ako ay unti-unting nagkakamalay.

I slowly open my eyes pero napapikit rin ulit dahil sa liwanag. I try to move but only to groan when I feel the pain all over my body.

Shit!

Oo nga pala naaksidente ako.

Nakaramdam naman ako ng uhaw.

"T-tubig" bulong ko. Medyo nanghihina pa ako. Napabaling sila sa akin at dali-daling nagsilapit.

Ngayon ko lang nalaman na narooon din pala ang Red Fire.

"What is it, Maddy?" Tanong ni Kate.

"Tubig" ulit ko naman. Kumuha naman siya ng isang basong tubig.

Tinulungan naman nila akong makaupo bago ako makainom.

"Ahm, Maddy" agaw pansin ni Jameson kaya napatingin kaming lahat sa kaniya."Kilala mo ba yung sakay ng kotseng humahabol sayo?" Natigilan naman kami nina Kate sa tanong ni Jameson.

Alam ko kung sino ang may pakana niyon at alam kong tauhan niya iyon.

"No" nakayuko kong sagot.

"Naalala mo ba kung ano ang plate number noong sasakyan?" Tanong naman ni Light. Umiling ako.

Marami pa silang itinanong sa akin. Mukhang pinag-alala ko talaga sila.

Pansin kong tahimik lang si Jon sa gilid habang tiim na nakatitig sa akin. Kapag nagtatama ang aming mga mata ay ako rin ang napapaiwas.

Makalipas ang ilang oras ng Red Fire dito sa aking kwarto ay nagpaalam na rin silang umalis.

Naiwan ang pamilya ko, ako at sina Kate.

"I think we should go back to Japan, mas ligtas ka doon" marahas akong napabaling kay daddy dahil sa sinabi niya.

"What, dad? No, ayoko" pag-aalma ko sa kaniyang sinabi.

"Hindi ka na ligtas dito, Maddy. Alam kong alam mong mas dilikado kung mananatili ka dito"

Napailing-iling ako.

"I'm not going anywhere and I can take care of myself" sabi ko.

"Take care?! Look what happened to you. You almost got killed!" Galit niyang turan.

"I'm not done with my purpose, dad" pinakakalma naman ni mommy si dad na napahilot sa kaniyang sentido.

"Maddy, please anak. Sumama ka na lang sa amin pabalik ng Japan" pakiusap ni mommy.

"I'm sorry, mom. Di ako matatahimik hangga't di ko natatapos ang pinunta ko rito" I said.

Sana maintindihan nila.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Don't to forget to vote...tnx :)

The Love of Thorns |Completed| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon