Kabanata 4.

43.3K 1.3K 119
                                    


DAWN

UNANG araw ko sa Huan Chu Corporation. Masaya akong sinalubong ni Mei sa entrance pa lang.

Bilang assistant ng CEO, hindi naman ako nalalayo kay Mei na nasa Production. Nag uusap naman ang ilang mga empleyado at lumapit sa 'kin si Mei.

"Dawn sama ka mamaya ha."

"Saan naman?"

"Ano ka ba mag di-dinner tayo treat ko na." Malaki ang pagkakangiti nito kaya tumango na ako.

Abala ako sa pag aayos ng mga gamit ko nang biglang tumunog ang phone ko. Mabuti at nasa bakasyon pa ang Madame Huan Chu na strikta pag dating sa ganito.

"Ate Kiara?" Siya ang tumatawag. Ano nanaman ang gusto nv babaeng ito?

"Hello?"

"Dawn umuwi ka na. May sakit ang papa." I rolled my eyes. Parang noong isang araw lang ay may sakit ang papa.

"I'm sorry but i can't. Nasa trabaho ako."

"Mas pipiliin mo pa ba ang trabaho?" Nangunot noo ako sa sinabi nito. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng inis.

"I'm too busy right now."

"Okay then. Tatawagan ko na lang si Liu baka sakaling gusto niyang dalawin ang papa."

"No. Alam mong maraming ginagawa si Liu." Hindi ito nakinig sa 'kin at pinatay na ang tawag. Hindi ako makapag isip ng maayos. Ano pa ba ang gusto n'ya? Bakit ngayon ay nang gugulo siya?

Hindi ako makapag trabaho ng maayos kakaisip dito. Dumating ang oras ng uwian.

"Mei sorry hindi na pala ako makakasabay sa dinner. May pupuntahan pa kasi ako." Hindi ko na ito hinintay na sumagot at nag dali dali na ako sa labas. Kaagad ko namang nakita ang sasakyan ni Liu at lumabas na si manong Albert.

"Manong si Liu po?" Kaagad na tanong ko.

"Young Lady nasa bahay n'yo po ang Young Master."

"Gano'n po ba. Sa bahay po tayo manong." Utos ko na kaagad namang sinunod nito.

Ilang sandali lang at nasa gate na kami ng bahay. Pinarada lang ni manong ang sasakyan at kaagad na akong lumabas. Ano nanaman kayang balak nila?

Pag bukas ko ng pinto ay si Lee ang sumalubong sa 'kin. Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha.

"Dawn kamusta ka? Long time no see."

Hindi ko magawang sagutin ang tanong nito dahil hinahanap ng aking mga mata si Liu.

"Asan ang asawa ko?" Tanong ko.

"Nasa garden sila." Napakunot noo ako.

"Akala ko ba may sakit ang papa?"

"May sakit ang papa mo Dawn. Nasa taas ito nagpapahinga." Aalis na sana ako para silipin sandali ang papa nang hawakan ni Lee ang kamay ko.

"Dawn can we talk?"

"Bitiwan mo ako Lee. Baka makita tayo ni Liu." Mahalaga na sa 'kin kung anong mararamdaman ng asawa ko. Ayokong magalit ito nang dahil lang sa lalaking ito.

"Dawn hindi mo na ba ako mahal?" What the? Anong iniisip ng lalaking ito?

"Anong pinag sasabi mo?" Ipinakita ko sa kanya ang iritasyon.

"Just break with him dawn. We can start over again."

"Can you stop Lee? Kasi hindi ka nakakatuwa."

"I'm serious Dawn. I still love you."

"Stop and let me go!" Inalis ko ang pagkakahawak nito sa 'kin. Walang dahilan para hawakan niya ako.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon