DAWN:"Riya huminahon ka. Walang kasalanan si Liu." Sumama ang tingin nito sa 'kin ngunit hindi pa rin n'ya ibinababa ang baril na nakatutok ka Liu.
"Huminahon? So alam mo na pala. Alam mo na ang kasalanan n'yang pagpatay sa ama ko!" Hindi ako kumbinsidong si Liu nga ang pumatay sa ama n'ya. At kung s'ya man ang talagang may sala, naniniwala pa rin akong may dahilan ito.
"Riya ibaba mo 'yan at mag usap tayo."
"Dawn!" Sigaw ni Liu nang dahan-dahan akong lumapit kay Riya.
"Wag kang makialam. Ang asawa mo lang ang may atraso sa 'kin. Labas ka sa problemang ito."
"Hindi. Kasali ako dahil asawa ko s'ya. Itigil mo na 'yan Riya at pag usapan natin 'to. Hindi pa huli ang lahat." Hindi pa huli dahil alam kong mabuti s'yang tao.
"Wag kang makialam!" Galit na asik sa 'kin nito at itinutok ang baril sa gawi ko.
"Don't bring my wife into this Riya. I'm warning you." Malalim ang boses ni Liu.
"Oh really Liu? Ang kapal ng mukha mo." Napaisip saglit ito dahil napahinto s'ya.
"Tutal buhay ng ama ko ang kinuha mo… buhay din ng asawa mo ang kabayaran!"
"Don't you dare! I will kill you." Galit na galit na si Liu. Hindi naman makagalaw si Auntie Celda maging si Manong Albert.
"Paano? Paano mo ako papatayin kung baldado kana ngayon?!" Tumawa si Riya ng malakas.
Nag kuyom ang kamao ni Liu sa galit. Malakas n'yang hinampas ang mga binti n'ya. Alam ko na ang iniiisp n'ya malaki ang kanyang pagsisisi sa desisyon nitong maging tao.
"Kitang-kita ng dalawang mata ko! Pinatay mo ang papa."
"You're wrong Riya." Isang lalaki ang dumating. Napatingin kami lahat dito. Isang matangkad at morenong lalaki ang lumapit kay Riya.
"Von?" Biglang natauhan si Riya nang makita ito. Kaagad naman akong lumapit kay Liu at mahigpit n'yang hinawakan ang kamay ko.
"Riya don't do this. Sasabihin ko na ang totoo sa 'yo." Sabi ni Von.
"A-Anong katotohanan?" Litong-lito si Riya.
"Riya magkatulad tayong dalawa. Wala ka talagang kinalakihang ama. Ang nakilala mong ama s'ya si Professor Wang ang lumikha sa 'tin." Naguluhan ako sa sinabi ng lalaking nagngangalang Von.
"Hindi kita maintindihan Von." Litong-lito na si Riya.
"Patay kana Riya. Patay na tayong dalawa at si Doctor Wang ang lumikha sa 'tin. S'ya ang may gawa kung bakit tayo may isip. Kung bakit tayo may pakiramdam."
"Hindi! Binibilog mo lang ulit ang ulo ko Von. You're lying! Hindi kita kilala sa simula pa lang!"
"Dahil pinlano ko ang lahat! Gusto kong makatakas sa mga kamay ni Doctor Wang kaya ko s'ya pinatay!"
Natigilan kaming lahat.
"We're not natural like him." Tukoy n'ya kay Liu.
"Artificial lang tayo Riya na binuhay muli."
Ibinaba ni Riya ang baril. Napahilot s'ya sa kanyang ulo at namutla ito.
"Riya." Lalapitan ko na sana s'ya nang pigilan ako ni Liu.
"Hindi ko maintindihan! Bakit? Bakit ginagawa sa 'tin to Von? Bakit?" Umiiyak ito. Hinawakan naman s'ya ni Von sa magkabilang mukha.
"I'm sorry I lied to you. Ayoko lang masaktan ka kasi mahal kita Riya." Hindi ko maiwasang hindi maluha sa katagang binitiwan ni Von para dito.
BINABASA MO ANG
After Dark: My Aloof Husband 1 ✔
VampireDawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay responsibilidad ng kanyang kapatid. Gumuho ang mundo nito nang malamang niloko siya ng sariling kapatid a...