Kabanata 9.

37K 1.2K 39
                                    

NAUNA nang bumaba si Liu matapos alalayan ni Manong Albert na makaupo sa wheel chair.  Bumaba na rin ako para alalayan ito nang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Dawn." Kilala ko ang boses na 'yon at kaagad ko naman itong nilingon.

"Lee anong ginagawa mo dito?" Kaagad namang lumapit si Liu at masama ang tingin kay Lee.

"Dawn pwede ba tayong mag usap?" Nagmamakaawang sabi ni Lee.

"Wala na kayong pag uusapan." Diretsong sagot ni Liu.

"Mr. Van Shen how can you explain this?" May hawak na mga papeles si Lee.

"Albert?" Tinawag ni Liu si Manong Albert para kunin ang mga papeles.

Kaagad namang kinuha ni manong ito at iniabot kay Liu.

"Young Master." Ani ni manong.

Tinitigan ni Liu ang mga papeles at ngumisi.

"I told you to prepare yourself." Ani ni Liu.

"How could you Mr. Van Shen!" Galit ang boses ni Lee.

"Sandali Lee, what's going on?" Kahit ako ay nalilito na sa mga nangyayare.

"Binili niya ang malaking shares ng buong Fan Family sa kompanya namin. Babagsak ang Boufen Dawn. Masasayang ang pinag hirapan ng buong angkan ko." Napahawak ako sa 'king bibig.

"Liu is that true?" Binili niya ang buong shares para mapabagsak ang Boufen.

"Yes." Walang emosyong sagot nito.

"Why?" Punong puno ng katanungan ang mga mata ko. Humigpit naman ang hawak ni Liu sa kanyang wheel chair na halatang nag pipigil lamang ng galit.

"Liu hindi mo kailangang idamay ang pamilya ni Lee. Hindi naman makatarungan na madamay ang buong angkan ng Boufen." Hindi sumagot si Liu at nanatiling malamig ang mga titig sa akin. Hindi ako pabor kay Lee pero hindi ibig sabihin no'n ay pahihirapan s'ya ng ganito ng asawa ko.

"Dawn hiwalayan mo na s'ya." Hinawakan ni Lee ang braso ko.

"Don't touch her." Walang emosyong ani ni Liu.

"Why? Tatayo ka ulit para suntukin ako? Stop your bullshit Liu! You're not disabled."

"Lee bawiin mo 'yang sinabi mo." Inis na sabi ko.

"Bakit? Nagpapakatanga ka d'yan? Look at him Dawn. Normal ang mga paa n'ya!" Hindi ko sinasadyang masampal si Lee. Nabigla lamang ako sa mga salitang binitiwan n'ya.

"Stop Lee! Please lang wag mo na akong guluhin. Matutulungan kita sa problema mo but please, this will be the last. Ayoko nang makita ka." Ani ko at tinalikuran ko na ito.

Hindi kami nag uusap ngayon ni Liu matapos ang nangyare kanina. Diretso agad ito sa kanyang opisina habang ako naman ay nasa aming silid. Kanina pa ako palakad lakad at hindi mapakali.

"Oh God." Nasapo ko ang aking sentido. May posibilidad bang hindi nag sisinungaling si Lee? Posible kayang nakakalakad naman talaga si Liu?

"Ughh Dawn! Anong pinag iisip mo?" Ginulo ko ang aking buhok ko at naupo malapit sa bookshelf. Siguro ay dala lang ito ng matinding pagod. Kailangan kong makausap si Liu tungkol sa kompanya ng mga Boufen.

Buo na ang desisyon ko para kausapin si Liu. Tumayo na ako sa couch at lumabas ng kwarto. Nasa pinaka dulo ng white house ang study room kung nasaan ngayon si Liu. Papalapit na ako nang papalapit hanggang sa nasa tapat na ako ng pinto nito.

Isang malalim na buntong hininga ang binitiwan ko bago kumatok ng tatlong beses.

"Come in." Kaagad naman niyang sagot. Pinihit ko na ang pinto at pumasok na sa loob.

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon