DAWN:I CAN feel the numbness from my face down to my body. Nanatiling nakahawak si Liu sa 'king mga kamay hanggang sa manghina ang aking mga tuhod at siyang naging dahilan nang pagbagsak ko. Kaagad niyang nasalo ang ulo ko na tatama sana sa matigas na marble.
"Dawn! Who did this to you!" Hindi ko na marinig ng maayos ang mga sumunod nitong sinabi. Para bang nabingi ako at unti unti nang nahilo. Nakita ko pa si Kari na natatarantang lumapit sa 'kin. Hahawakan na sana ako nito nang sampalin ni Liu ang kamay nito.
"Don't touch my wife." Nabasa ko sa kanyang mga labi. Galit na galit si Liu. Nagsipag tabihan ang lahat nang buhatin ako nito. He even left his cane to carry me. Wala na s'yang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa party na 'yon.
I saw Mr. Yuang, he quickly ran towards us but suddenly stopped when Liu gave him a cold deadly glaze. No one could stop him. No one can touch me other than him.
Manong Albert was shocked when he saw us leaving Sphere White Castle. He quickly ran to aid Liu to carry me but he declined.
"Young Lady?" Mahina man sa pandinig ko ang boses ni Manong Albert ngunit alam kong tinawag n'ya ako.
"Drive us to the nearest hospital." Ani ni Liu. Hindi ko na alam ang mga sumunod pa na pangyayare nang mawalan ako sa ulirat.
Puting kisame ang bumungad sa 'kin nang mag bukas ako ng mga mata. I can even hear the doctor from a far.
"Hija mabuti at gising ka na." Nakita ko si Auntie Celda na lumapit sa 'kin.
"Auntie si Liu?" Kaagad ko itong hinanap.
"Kausap n'ya ang doctor sa labas. Ano ba ang nangyare sa 'yo? Ang sabi ng doctor ay na lason ka. Saan ka ba allergy?" Bumalik ang mga pangyayare sa 'king isipan. Hindi man ito gaanong klaro ngunit alam kong si Kari ang tanging kasama ko bago maganap ang lahat.
"H-hindi ko po alam. Ang alam ko lang ay bawal ako sa alak." I'm not allow to drink alcohol because my allergy will trigger.
The door opened widely and I saw him with his cane. He looks pale when he walked towards me.
"Hey." Iyon lang ang sinabi n'ya at umalis naman si Auntie Celda.
"The doctors said that your results came out, your allergy precipitated. Tell me who did this to you? Did someone force you to drink alcohol?" Pag aalala nito.
"I can't remember drinking any alcohol last night." Hindi ko maalala. Wala naman akong anumang ininom.
"Oh I remember! I only drunk orange juice that the waitress gave to me." Lumalim ang pag hinga nito.
"Okay, just leave it to me." Hinaplos n'ya ang aking mukha. Malamig ang kamay nito at napansin ko rin ang pag lalim ng ibabang mata n'ya.
"Liu are you okay?" Mas namutla kasi ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa kanya.
"Yeah I'm fine." Palagi na lang n'yang sinasabi kahit na ramdam kong parang hindi. Ramdam ko na parang may mali.
"You looked pale did you sleep well?" Bumangon ako at naupo. Dinampi ko ang aking palad sa kanyang pisngi. He's so cold. Literally cold. What happened to him?
Hinawakan n'ya ang magkabila kong kamay at ibinaba ito.
"Don't worry about me."
Matapos ang lahat ng 'yon ay pinauwi na rin kami ng doctor. Kompleto naman ang mga antibiotics na dapat kong inumin para sa pamamaga ng aking mukha dahil sa allergy. Mabuti at humupa na ito at hindi na gano'n kapangit tignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/186583234-288-k751957.jpg)
BINABASA MO ANG
After Dark: My Aloof Husband 1 ✔
VampireDawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay responsibilidad ng kanyang kapatid. Gumuho ang mundo nito nang malamang niloko siya ng sariling kapatid a...