DAWN:NAUNA nang bumaba si Liu at sinalubong naman ito ni Auntie Celda. Nakita ko mula sa aking gawi na hinawakan ni auntie ang sentido ni Liu at pulso.
"Manong Albert my problema po ba?" Tanong ko habang nakatingin sa gawi ng asawa ko. Hindi naman kaagad nakasagot si manong. Isinara nito ang pinto ng sasakyan bago pumunta sa harap ko.
"Masama lang ang pakiramdam ng Young Master hija. Mas mabuti siguro kung sa ibang silid ka muna matutulog." Nakita ko ang butil ng pawis nito na tumulo mula sa kanyang noo. Malamig naman sa labas at may kaunting hangin.
"Anong sakit ni Liu? May lagnat ba s'ya? Teka po bakit hindi n'ya sinabi sa 'kin kanina? Sana hindi na kami nagpunta sa bahay." Mahabang sabi ko.
"Hija kumalma ka. Kami na ang bahala sa Young Master." Pumasok naman sa loob sila Liu at Auntie Celda at naiwan kami ni manong.
"Manong paano ako kakalma? Ni hindi ko nga alam kung anong sakit ng asawa ko." Karapatan kong malaman ang lahat.
"Simpleng lagnat lang ito hija. Pakiusap, utos ng Young Master na ito. Gusto na muna n'yang mapag isa." Hindi na ako makasagot nang magsimula itong maglakad papalayo sa 'kin. Naiwan ako sa labas habang punong puno ng agam-agam ang aking isipan.
I'm his wife but I don't know anything about him. Kahit sa simpleng lagnat nito'y bakit hindi ko s'ya pwedeng alagaan?
Sumunod na ako sa loob at sinalubong agad ako ni Auntie Celda.
"Auntie si Liu?" I started to worry.
Ngumiti naman ito sa 'kin at hinawi ang hibla ng buhok ko na nakaharang sa kanang bahagi ng mukha.
"Hija hayaan mo munang makapagpahinga ang Young Master."
"Pero Auntie, ako ang asawa n'ya. Obligasyon kong alagaan s'ya. Karapatan kong malaman kung ano ba talaga ang lagay n'ya." Bumuntong hininga naman ito ng malalim. Marahan akong hinila sa kusina at naupo kaming dalawa.
"Anong gusto mong inumin? Gatas o mainit na tsokolate?" Tila nililihis ang usapan.
"Busog pa ako auntie. Kumain na kami sa labas ni Liu." At nabitiwan nito ang hawak hawak na tasa nagsitalsikan naman sa 'kin ang ibang mga bubog. Mabuti na lamang at mahaba ang suot kong damit.
"Auntie ayos lang ba kayo?" Bababa na ako sa kinauupuan para sana tulungan itong magpulot ng mga bubog.
"Ako na hija." Pinigilan n'ya ako at kumuha ng walis at saka ito winalis palabas.
Pagbalik n'ya, naroon pa rin ako sa upuan katapat ang mahabang mesa at nag hihintay dito.
"Hija sa ibang silid ka na muna matutulog ngayong gabi." Tulad ng sinabi ni Manong Albert.
Hindi naman na ako nakasagot nang maglakad si Auntie Celda. Sumunod naman ako sa kan'ya gaya nang utos nito. Nadaanan ko pa ang silid namin ni Liu na nakasara. Lumipat ako ng silid na mas maliit ng kaunti sa kwarto namin ni Liu.
"Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. Nasa baba lang ako." At iniwan na n'ya ako. Pagkasara pa lang ng pinto ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kama. Inihiga ko ang sarili sa kama.
May banyo rin sa loob at cabinet na may mga extra na damit. Naligo ako sandali at nagpalit na ng pantulog. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mag alala kay Liu. Kanina lang ay narinig ko ang tanong ni Manong Albert na kung pupunta pa ba sila ng hospital? Hindi kaya kanina pa dinadaing nito ang sakit?
Palakad lakad ako hanggang sa maupo sa sofa malapit sa balcony. Binuksan ko ang bintana at pinatay ang aircon. Gusto ko munang makalasap ng fresh air. Malamig naman dahil may fan kaya umiikot pa rin ang hangin sa loob.
Hindi ako nagpatay ng ilaw. Inikot ko muna ang kwarto at may maliit na bookshelf doon kaya inisa-isa ko ang mga libro na maaari kong mabasa. Gusto kong i-divert ang isip ko. Mas lalo lang kasi akong mag aalala at mapa-paranoid kung iisipin ko si Liu.
Naupo na ako at nag simulang magbasa. Pinipilit ko ang sarili na huwag mag-alala. Unti-unting bumigat ang mga talukap ko kaya't itinabi ko na ang libro sa katabing mesa.
Pinatay ko na ang lampshade na nasa tabi ko at liwanag ng buwan lamang ang tangi kong ilaw. Gising ang diwa ko. Alam kong hindi pa ako dinadapuan ng panaginip.
Narinig ko ang pagbukas ng bintana. Alam kong maliit na awang lamang ang ginawa kong pagbukas kanina para makapasok ang hangin. Nanatili akong nakapikit habang ang isipan ko'y mulat pa sa ulirat.
Napakunot noo ako nang maramdaman ang malamig na haplos ng hangin sa 'king mukha. Bumaba iyon sa 'king leeg at muling umangat ang hangin sa mga hibla ng aking buhok.
Lumingon ako mula sa kanan sa tapat ng bintana habang nakapikit parin ang aking mga mata. Nawala ang malamig na hangin na s'yang humahaplos sa 'king balat. Idinilat ko ang aking mga mata nang mas lumiwanag ang buwan na nakatapat na ngayon sa malaking bintana.
Bumangon ako para isara sana ang makapal na kurtina at lumipat na rin sa malaking kama nang mapansin ko ang pamilyar na rebulto sa gawing kaliwa ko. Natatabunan ito ng kadiliman ngunit makikita mo pa rin ang hugis ng katawan dahil sa lakas ng liwanag ng buwan.
Napaatras ako. Napasukan ba kami ng magnanakaw? Kumabog ng mabilis ang puso ko.
"S-Sino ka?" Natataratang tanong ko nang makumpirmang tao ito.
Gumalaw naman s'ya na ngayon ay papalapit na sa 'kin.
"Wag kang lalapit!" Kinuha ko ang lampshade para gawing pang protekta sa 'king sarili.
"Hanggang d'yan ka na lang!" Tinapangan ko ang aking loob. Alam kong hindi ito ang oras para katakutan s'ya dahil mas lalo lang akong malalagay sa panganib.
Umatras pa ako nang umatras ngunit papalapit naman ito nang papalapit. Nasa labas na ako ng kwarto sa mismong balcony. Ang bakal na rehas ay naramdaman ko nang dumikit sa aking likuran. Napalingon ako at nalula dahil taas ng bahay.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa lampshade at hinihintay lamang ang pag lapit ng lalaking nasa dilim. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking pawis mula sa aking sentido hanggang sa lalamunan. My heart beat so fast. Damang dama ko ang pag tambol nito na para bang kakawala na sa dibdib ko.
Tumigil ang paglapit nito. Nanginginig naman ang mga kamay ko sa takot dahil nanatili lamang s'yang nakatayo hanggang sa dampian na s'ya ng sinag ng buwan na s'yang ikinagulat ko.
Hindi ako p'wedeng magkamali. Mas lalong kumabog ang puso ko sa 'king nasaksihan.
He's different. I saw his eyes changed into bloody red. Napa atras ako nang tignan n'ya ako ng matalim. What's happening to him? Sino ba talaga s'ya?
Napahawak ako sa 'king bibig. Nananaginip ba ako? Hindi ko alam kung totoo ang mga nakikita ko. Si Liu ang lalaki sa dilim. Si Liu na unti-unting nag babago ang anyo.
His black hair became grey. Mas lalong tumalim ang kanyang mga mata. Tuwid at maayos ang paglalakad nito na ngayon ay papalapit na sa 'kin.
I saw confusion in his eyes. Tila tinatandaan ang itsura ko. Nabitiwan ko ang lampshade at nanigas ang aking mga paa sa kinatatayuan. He's infront of me. Papalapit nang papalapit ang kanyang mukha sa 'kin.
"L-Liu what's happening to you?" Hindi ko maituwid ang sasabihin. Hindi ko alam ang mararamdaman nang mas makita ko pa ng malapitan ang pulang pula n'yang mga mata.
Hindi s'ya nag salita sa halip ay hinawakan ang mukha ko na tila inaaral parin ito.
Nagulat ako nang maramdaman ang talim ng kanyang kuko. He's really different. Ayokong isipin ito ngunit hindi na s'ya si Liu.
The man…
The man that I love the most…
He is…
He's a monster.
ITUTULOY...

BINABASA MO ANG
After Dark: My Aloof Husband 1 ✔
VampirosDawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay responsibilidad ng kanyang kapatid. Gumuho ang mundo nito nang malamang niloko siya ng sariling kapatid a...