DAWN
NAGSIMULA na akong mag-panic. Kaagad akong bumalikwas ng takbo pababa para humingi ng tulong. Naabutan ko naman na nag uusap sa ibaba si auntie Celda at manong Albert.
"Young Lady." Napansin ni auntie ang pamumutla ko.
"Si Liu po nasa sahig namimilipit sa sakit." Kaagad na tumayo si manong Albert at nagkatinginan ang dalawa.
"Young Lady kami na ang bahala. Dito na muna kayo." Ani ni manong. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ayaw nila akong isama.
Napansin marahil ni auntie celda ang pag tataka sa 'kin.
"Young Lady may sakit ang Young Master. Makabubuti kung dumito muna kayo sa ibaba." Bakas sa mga mata nito ang lihim na hindi sinasabi. May hindi ako nalalaman ngunit paano kung totoong may sakit talaga ito?
Hindi na ako hinintay pa ni auntie celda sumagot at umakyat na silang dalawa. Katahimikan lamang ang namayani sa buong mansyon. Hindi ko alam kung bakit labis akong nag aalala para kay Liu.
Ilang minuto ang lumipas at bumaba ang dalawa. Natutulog na si Liu ayon kay auntie at pwede na akong umakyat.
Wala akong sinayang na panahon at kaagad kong sinilip ang asawa ko. Pagbukas ng pinto ay natanaw ko agad ito na nahihimbing sa kanyang pag tulog. Payapa na ang kanyang mukha.
Dahan dahan kong isinara ang pinto upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Lumapit ako kay Liu at naupo na sa tabi niya. Pinagmasdan ko pa rin ito at hindi ko maiwasan ang sariling hawakan ang kanyang buhok pababa sa mukha.
Ano kaya ang sakit ni Liu? Epekto ba ito kung bakit siya nalumpo? Sana'y hindi gano'n kalala kung ano man ang nararamdaman niya. Ang dami kong iniisip at hindi ako mapanatag.
MAAGA akong nagising para mag handa ng almusal.
"Young Lady bakit kayo ang nag luluto?" Takang tanong ni auntie.
"Auntie pwede bang Dawn na lang ang itawa n'yo sa 'kin?" Sa totoo lang ay hindi ako sanay. Napangasawa ko nga ang isa sa mga sikat na tao sa buong Asia ngunit hindi mag babago si Dawn. Hindi ako magbabago at mananatiling mapagkumbaba.
"Gano'n ba hija. Walang problema sa 'kin nasanay lamang kasi ako sa ganito."
"Auntie ayos lang ho. Mas okay sa 'kin ang Dawn." Mabuti at napakiusapan ko ito at wala namang naging problema.
"Osya Dawn hija bakit ka naghahanda ng almusal? Trabaho ko ang pagsilbihan kayong mag asawa."
"Auntie ayos lang. Gusto ko rin kasing ipagluto si Liu bago ako pumasok sa trabaho." Muli akong kinausap ni auntie Celda na hindi kumakain ng umagahan si Liu. Pero hindi, mas kailangan niyang kumain ngayon para mabilis siyang gumaling.
"Ako na ang magtutuloy mukhang gising na ang Young Master." Hindi na ako nag salita pa at tumingin sa orasan.
"Nako auntie naparami ata ang usapan natin. Sige po aakyat na muna ako at baka mahuli na rin sa trabaho." Tumakbo na ako paakyat ng silid namin ni Liu. Naabutan ko naman itong gising habang naka sandal sa head board. Nakangiti akong sumalubong dito at kinapa ang kanyang noo. Hindi na siya malamig. Hindi na kasing lamig ng yelo.
"Kamusta ka?" Pormal na tanong ko.
"I'm fine." Kaswal na sagot nito. Nasasanay na ako paunti unti. Napaka aloof niyang tao pero mabait naman. Lalo na nang ikwento sa 'kin ni manong Albert ang mga naitulong ni Liu sa kanya.
"Magpahinga ka at papasok na muna ako sa trabaho." Paalala ko sa kanya. Tumayo na ako para umalis nang hawakan niya ang kamay ko. Ito nanaman ang mabilis na pagkabog ng puso ko.
BINABASA MO ANG
After Dark: My Aloof Husband 1 ✔
VampireDawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay responsibilidad ng kanyang kapatid. Gumuho ang mundo nito nang malamang niloko siya ng sariling kapatid a...