DAWN:
"WHAT?! ano'ng ginagawa niyo?!"
Nagulantang na lamang ako nang linisin mismo ng mga empleyado ko ang opisina ni Liu. Pati ang malaking larawan nito'y tinanggal sa pader.
"Mrs. Van Shen, can we talk?" Lumapit sa 'kin ang head director ng Van Shen Group.
"What's going on?" Tanong ko rito nang mapunta kami sa tabi kung saan ay walang tao.
"Mrs. Van Shen, alam n'yo pong malaki ang respeto ko sa inyo at kay Mr. Van Shen. Pero napag-usapan na ito ng mga Seniors na makipag partnership sa Sun Group."
"I don't understand. Pwede bang diretsohin mo na ako?" Huminga ito nang malalim.
"Ipinagbili na ang Van Shen Group mam. The Sun Group is the new owner."
"No! Hindi! Hindi niyo pwedeng gawin 'yan. Hindi kayo ang magdedesisyon!"
"We're sorry to inform you Mrs. Van Shen, pero ang president na ang nagdesisyon. Ayaw naming bumagsak nang tuluyan ang Van Shen Group. Kailangan namin ng bagong hahawak nito at 'yon ang Sun Group."
"I harap mo sa 'kin kung sino ang may ari ng Sun Group na 'yan! May karapatan akong magalit dahil on behalf of my husband, karapatan ko rin ang mag desisyon!"
"You can talk to me." Isang babaeng matangkad at naka pormal ang lumapit sa 'kin. May hawak itong folder at ibinigay sa head director."
"I'm Ms. Talavera the secretary of Mr. Sun. Can we have some coffee?" Nakangiti nitong paanyaya.
Kasalukuyan kaming nasa coffee shop. Hindi ako makapaniwala sa ipinakita n'yang document. Si Mr. Sun na ang bagong nag mamay-ari ng Van Shen Group.
"Iharap mo sa 'kin si Mr. Sun. Gusto ko s'yang makausap." Sabi ko.
"I can't do that Mrs. Van Shen." Umiling ito at humigop ng kanyant kape.
"Why?" Tumaas ang kilay nito.
"Dahil hindi ko pa s'ya nakikita." Diretsong sagot n'ya.
"Are you kidding me?! Sekretarya ka n'ya paanong hindi mo pa s'ya nakikita?" Takang tanong ko.
"Mailap si Mr. Sun wala pang nakakakita sa kanya."
"Ms. Talavera wala akong panahon makipag lokohan sa 'yo. Iharap mo s'ya sa 'kin. Gusto kong makausap ang bagong may-ari ng Van Shen Group."
"I'm just telling the truth here Mrs. Van Shen."
Tumayo na ako dahil ako mismo ang pupunta sa Sun Group. Kung may batas sila para sa privacy ni Mr. Sun ay wala na akong pakialam doon.
Umuwi muna ako saglit para makapag palit ng damit. Nakita ko agad si Auntie Celda na nagdidilig ng halaman kasama pa si Sean. Lumapit naman sa 'kin ang anak ko at nag mano.
"How's work ma?" Seryoso nitong tanong.
Natigilan ako sandali. Hindi n'ya pwedeng malaman ang nangyare sa kumpanya ng ama n'ya dahil alam kong maaapektuhan ang pag-aaral nito.
"Everything is alright anak. Magpapalit lang ako at dadalawin ko ang Tita Mei mo." Pagdadahilan ko. Hindi naman ito nagsalita pa at pinakisuyo ko na muna kay Auntie Celda.
Nagdali-dali ako sa silid at naibato ang maliit na bag sa kama. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa matinding galit. Galit na galit ako unang-una sa sarili ko dahil napabayaan ko ang kumpanya ni Liu. Napaupo ako saglit sa gilid nito at napa-yuko. Bigla ko namang naalala si Mei. Wala na akong kilalang pwede kong mapagsabihan ng problema ko sa ngayon. Hindi ko na alam kung saan ba ako kakapit.
BINABASA MO ANG
After Dark: My Aloof Husband 1 ✔
VampirDawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay responsibilidad ng kanyang kapatid. Gumuho ang mundo nito nang malamang niloko siya ng sariling kapatid a...