DAWN:
"BAKIT? bakit ang sabi mo may pag-asa pa? Sabi mo may pag-asang mabuhay s'ya." Namumugto ang mga mata ko sa harapan ni Dr. Lin.
"I did my part Mrs. Van Shen. Pero base sa observation ko ay nagmumukha lamang s'yang natutulog dahil na rin sa side effect ng artificial blood."
Nakahawak si Auntie Celda sa 'king balikat. Naroon din si Riku na nasandal sa pinto at tahimik lang na nakikinig.
"Hindi! Hindi totoo 'yan. Naniniwala akong babalik s'ya. Babalik si Liu!"
"Hija huminahon ka. Baka makasama sa 'yo."
"Auntie babalik si Liu. Babalik s'ya." Pinipilit kong maniwala sila sa 'kin ngunit bigo ako.
Napayuko na lamang si Auntie Celda at nagpupunas naman ng mga luha si Dr. Lin mula sa kanyang salamin.
"Liu naman ang daya-daya mo." Hindi ko alam kung ilang butil na ba ng luha ang pinakawalan ko. Niyakap ko s'ya nang mahigpit. Ramdam ko ang lambot ng kanyang katawan. Hindi s'ya patay.
"You have to let him go Dawn. Please maawa ka kay Liu." Sabi ni Riku. Tuliro na akong inakay ni Auntie Celda palabas ng silid. Iniligpit na rin ni Dr. Lin ang mga gamit n'ya.
"Auntie." Muli akong naiyak.
"Hija maawa ka sa sarili mo. Hindi ito ang kagustuhan ng Young Master. Hindi n'ya kayang makita kang nasasaktan at umiiyak. Ikaw lang ang taong iningatan n'ya sa buong buhay n'ya hija. Ikaw lang."
Hindi ko akalaing mas sasakit ang puso ko sa mga binitiwang salita ni Auntie Celda. Naabutan pa kami ni Riku at ni Dr. Lin na nagpaalam nang umalis.
"Hihintayin ko ang desisyon mo Dawn. Pero sana tama na. Magpahinga ka na." Sabi ni Riku at nagpaalam na rin itong umalis.
"Gagawan na muna kita ng mainit na sopas ha. Para kumalma ka." Sabi ni Auntie. Hindi ko na nagawang tumugon dahil sa sobrang gulong-gulo ako. Gustuhin ko man ngunit ayaw ng puso kong pakawalan si Liu. Tinanong ko ang sarili ko nang mga oras na 'yon. Inisip ko ang Diyos. Naririnig n'ya kaya ako? Hindi ako ma-relihiyosong tao. Ngunit naniniwala akong may Diyos.
Sinubukan kong magdasal ng buong puso. Kung ibibigay sa 'kin ng Diyos ang pagkakataong makasama si Liu ay alam kong walang imposible. Kung hindi naman, mukhang kailangan ko na s'yang pakawalan.
"Anak kapit ka lang ha. Pagpasensyahan mo na ako sa pagiging mahina ko. Ayokong pati ikaw ay mawala sa 'kin. Patawarin mo ako anak, patawarin mo ako kung bakit hindi ko kayang pakawalan ang ama mo." Diyos na ang bahala. Anuman ang mangyare alam kong may dahilan s'ya.
SINIKAP kong maging malakas sa mga nag daang araw. Napakabilis ng mga pangyayare. Para bang sa isang iglap lang ay nawala si Liu.
Nang mag dilim ay muli kong binisita si Liu. Kapapalit lamang ni Manong Albert ng mga pulang rosas at kakalinis lang ni Auntie ng pang itaas na katawan ni Liu. Pinalitan na rin ng malinis na damit ito at sinuklay ang buhok na humahaba na. Dahil sa mga pagbabago sa pisikal na anyo ni Liu ay nananaig nanaman ang pag-asa sa 'king isipan. Dala-dala ko ang isang kahon na may lamang pang tahi ng mga damit.
Pagkalabas nila Auntie at Manong Albert ay isinara ko na muna ang pinto. Gusto ko lang pagmasdan ang asawa ko kahit na ngayon na ang huling beses. Huling beses na aasa akong bumalik pa s'ya kahit na sinasabi nilang wala na talaga. Kahit na ako na lamang ang patuloy na nagtitiwala sa milagro.
Gusto kong iburda ang pangalan ko sa kanyang damit. Kahit sana sa gano'ng paraan ay makasama n'ya ako hanggang sa huling sandali. Marunong akong mag burda dahil itinuro na sa 'kin ito ng mommy noong bata pa lamang ako. Mapait akong ngumiti habang tahimik na binuburda ang pangalan sa tela ng kanyang suot.
![](https://img.wattpad.com/cover/186583234-288-k751957.jpg)
BINABASA MO ANG
After Dark: My Aloof Husband 1 ✔
VampireDawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay responsibilidad ng kanyang kapatid. Gumuho ang mundo nito nang malamang niloko siya ng sariling kapatid a...