Kabanata 12.

38.5K 1.1K 69
                                    


"Just don't forget about Riya Chan, Liu." Iyon lang ang sinabi nito bago tuluyang umalis.

Who's Riya Chan? Kanina pa ito tumatakbo sa isip ko hanggang sa kalabitin na lamang ako ni Mei.

"Oy babae pumasok ka nga pero lutang ang utak mo."

"Ha?" Umirap ito sa akin.

"Ano ka ba? Kanina pa namin pinag uusapan ang birthday ni Layla." Layla is our colleague. Napatingin naman ako sa iba pa naming mga kasamahan hanggang dumating si Madam Jiang.

"Madam Jiang good morning po." Sabay sabay kaming napatayo.

Malaki ang pagkakangiti ni Madam Jiang at may halong kaba.

"Everyone be prepare. Mr. Van Shen will arrive here shortly." Anunsyo nito. Napahawak naman sa kamay ko si Mei at nagkatinginan kaming dalawa. Hindi naman kasi alam ng buong kompanya ang tungkol sa amin ni Liu.

Napatingin kami sa malaking bintana at dagsaan na ang mga mediya. Kilalang tao si Liu at pagkakaguluhan talaga ito ng mga reporters lalo na at mailap ito pag dating sa mga interviews.

"Ang daming tao." Ani ni Mei. Hindi kami makalabas ng kompanya dahil sa dagsa ang mga reporters na nakatambay mismo sa labas. Dumating naman ang ilang mga securities na pinatawag pa ni Madam Jiang para mag escort kay Liu papasok mismo sa loob.

"Ms. Feng I'd like  you to escort Mr. Van Shen once he's arrived." Nakangiting ani nito.

"A-ako po?" Bakit ako? Iba na lang sana.

"Nako nakakainggit naman si Dawn." Bulong-bulungan ng mga katrabaho ko.

Hindi naman na ako nakatanggi dahil iyon ang utos ng mas nakakataas sa 'kin. Nag handa na kaming lahat at nang dumating na si Liu ay siya namang dagsaan ng mga reporters. Kulang kulang sampung securities ang nakapaligid kay Liu bago makapasok mismo sa kompanya.

Kaagad akong sumalubong dito pagkapasok pa lang kasama ang head director at si Madam Jiang.

"Mr. Van Shen i'ts my pleasure to have you today." Bati ng aming Head Director at inilahad ang kamay nito. Tinanggap naman iyon ni Liu at kaagad na bumitaw.

Wala pa rin akong kaalam alam kung ano nga ba ang nangyayare? Bakit nandito si Liu sa kompanya ng mga Huan Chu.

Mahigpit ang security ng kompanya kaya't hindi makapasok ang mga makukulit na reporters. Ito na talaga ang pagkakataon sana nila na ma inteview si Liu dahil sa sobrang hirap nitong mahagilap. Hindi ito makikita sa mga mataong lugar at napaka pribadong tao.

Pinindot na ni Liu ang awtomatikong wheel chair habang patuloy na kaming naglalakad mula sa likuran nito. Nasa tabi naman n'ya ang Head Director na todo ang ngiti.

Pumasok kami sa elevator. Elevator ito kung saan mga mataas na ranggo lamang ang gumagamit. Bilang apprentice ng kompanyang ito ay ngayon pa lamang ako nakatapak sa napakagandang elevator na ito. Mas malakas ang airconditioner sa loob at maaamoy mo pa ang bango ng lavender scent. Nasa gilid lamang ako ni Liu habang abala sina Madam Jiang at ang Head Director.

Nagulat naman ako nang hawakan ni Liu ang kamay ko ng palihim. Hindi ito nakatingin sa 'kin kundi sa repleksyon ko mula sa malaking salamin mismo sa loob ng elevator.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Maya maya lang ay nasa meeting board na sila at kanya kanya naman kaming balik sa mga ginagawa namin. I'm busy typing on the keyboard when suddenly my phone rang.

"Dawn sagutin mo na kaya 'yan." Ani ni Mei.

Sinagot ko ang tawag.

"Auntie napatawag po kayo?"

After Dark: My Aloof Husband 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon