MALAKI ang pag kakangiti ko habang nag titipa.
"Hoy Dawn kakaibang ngiti 'yan ah." Hindi na ako nagulat kay Mei na may kakaibang tingin. Tingin ng nag-uusisa. Inilapag nito ang hawak na mga papeles at ballpen at saka mas lumapit sa 'kin at hinawi ang aking buhok.
"Blooming ka ngayon ah. Maiba ako, naisuko mo na ang bataan ano?"
Lumaki ang aking mga mata sa tabas ng pananalita nito.
"Mei!" Kaagad kong tinakpan ang bibig n'ya. Ito nanaman s'ya sa panunukso kung naisuko ko na ba ang bataan.
Kaagad nitong tinanggal ang kamay ko mula sa kanyang bibig at naupo.
"Kalalagay ko lang ng lipstick e eto naman oh."
"Ang ingay mo kaya. Paano kapag may nakaalam na kasal na ako kay Liu ha? Alam mo namang secret marriage lang kami e."
"E bakit naman kasi secret?" Sobrang kilalang tao ni Liu at alam kong gusto n'yang gawing pribado ang personal na buhay. Kinuha na ni Mei ang ballpen at muling nag sulat. Dumating naman ang editor na si Ms. Myline na sobrang init ng dugo sa 'kin.
"O himala ang aga mong pumasok? Eto pakipirmahan." Iniabot sa 'kin ang sandamakmak na mga files.
"Editor excuse me lang po. Hindi ba trabaho n'yo na 'yan? Bakit n'yo pinapasa sa apprentice n'yo?" Ani ni Mei.
"Kaya nga apprentice e kailangan n'yang matutunan ang sistema sa kompanya ng Chu Huan Company. Teka Ms. Mei may angal ka ba?" Masungit na tanong ni Ms. Myline.
"Sabi ko nga po." Hindi na nag salita si Mei at humaba na ang nguso.
"Mag o-overtime ka mamaya Ms. Feng hindi pa tapos ang ipapagawa ko sa 'yo." At umalis na ito.
"Grabe talagang bruha na 'yan at palagi kang pinag iinitan."
"Hayaan mo na apprentice pa lang kasi ako at kailangan ko nga daw matuto." Huminga na lang ako ng malalim at saka itinabi ang mga files. Hindi naman tumigil sa pag kibot ang kaibigan kong si Mei at malaki ang bwiset nito sa editor namin.
"Ms. Feng do you have a minute?" Nilapitan ako ng isa sa mga staff sa production namin. Nagkatinginan naman kami ni Mei bago ako tumayo.
"Yes?"
"Madam Jiang would like to see you." Ani nito.
"Come with me Ms. Feng." Sumunod naman ako dito.
Pumasok na ako sa opisina at nag hihintay si Madam Jiang.
"Ms. Feng how can you explain this?" At iniabot ang mga papeles sa 'kin.
Naguguluhan akong inabot ito at tinignan isa isa. Nag simulang kumabog ang puso ko nang makita ang totoong status ko.
"You're already married. Bakit ka nag sinungaling sa kompanya?"
"M-Madam i can explain." Paano ko nga ba ito ipapaliwanag.
"Then explain." Napalunok muli ako. Paano ko nga ba sasabihin? Hindi ko naman pwedeng sabihin ang tungkol sa amin ni Liu dahil malalaman nila ang lahat. Ayokong masira ang pribadong buhay ni Liu.
Ilang sandali akong natahimik. Hindi ko alam kung saan nga ba uumpisahan.
"Madam I'm sorry." Nakayuko kong sabi habang mahigpit ang hawak sa 'king pang ibabang damit.
"Sorry? Nag sinungaling ka Ms. Feng. I mean Mrs. Van Shen." Nanginginig ang mga palad ko.
"Madam pwede po ba na sa atin na lang ito?" Huming naman ito ng malalim at napahawak sa kanyang sentido.
BINABASA MO ANG
After Dark: My Aloof Husband 1 ✔
VampirosDawn who is forced to marry a man who was suppose to marry her sister from the accumulation of their debt. Siya ang sumalo ng lahat na dapat ay responsibilidad ng kanyang kapatid. Gumuho ang mundo nito nang malamang niloko siya ng sariling kapatid a...