Reality

112 65 11
                                    

Reality

Trigger Warning: Explicit Content
This content contains explicit and sensitive themes, including discussions about sex and violence. Reader discretion is advised. If you are uncomfortable or triggered by discussions related to explicit content, especially those involving sex and violence, it is recommended to refrain from proceeding further. Please prioritize your mental and emotional well-being and seek support if needed. 

Pauwi na ako ng bahay, ginabi ako dahil sa dami ng paper works sa school. Nagmadali ako sa paglalakad dahil baka mapagtripan ako ng mga tambay. Madilim pa naman ang kanto na dadaanan ko bago makarating sa bahay, kaya't lalo akong nag-aalala.

Pagpasok ko sa madilim at masikip na kanto, kinabahan ako lalo na't mag-isa ako. Pinilit kong maging matatag habang naglalakad, ngunit ang takot ko ay nag-uumapaw.

Nasa kalagitnaan na ako ng kanto nang makita ko ang apat na lalaking naglalakad patungo sa akin. Laseng na laseng sila, pasuray-suray, at ang dalawa ay may dalang bote ng beer. Yumuko ako at minadali ang aking mga hakbang, umaasang hindi nila ako mapapansin.

Ngunit tila hindi pabor sa akin ang tadhana. Napansin nila ako.

"Wow, Pare. Chicks oh," sabi ng pinakamatangkad sa kanila habang unti-unting lumalapit sa akin. Ang tatlo ay sumunod.

Naiiyak na ako sa takot nang mapaligiran nila ako. Umatras ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran. Wala na akong puwang para umatras pa.

"Swerteng araw 'to ah," sabi ng isa na kuba habang titig na titig sa akin, parang hinuhubaran na ako sa isip niya.

"Ari, patikim ha," sabi ng isa pa, inilalapit niya ang kanyang mukha sa akin. Amoy na amoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo, pati ang bulok na ngipin.

"Salitan tayo, Pare. Hahaha." Ang matandang pandak na ito ay may nakakalokong ngisi habang nan-iinsulto.

Umiiyak na ako habang na-corner nila ako. Nagpapanic ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Naisip ko nalang ang librong binabasa ko na naglalaman ng isang babae na nasa katulad ko na sitwasyon. Ang tanga ko na umasa na baka dumating ang aking knight in shining armor, ang prince charming na magliligtas sa akin mula sa mga manyak na ito.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya?" Biglang nagliwanag ang paligid ko nang may tinig na nagpakilala. Pinilit kong tignan ang taong iyon.

"Eh ikaw? Sino ka ba?" tanong ng isa sa mga lasing.

"Sino ako? Ako ang papatay sa inyo!" sagot ng aking tagapagligtas na may nakakalokong ngisi sa labi. Unti-unting lumitaw ang kanyang mukha mula sa dilim—ang kanyang perpektong mukha na kumakatawan sa salitang gwapo.

Nagkatinginan ang apat na lasing at sabay-sabay na tumawa.

"Akala mo ba ay masisindak mo kami sa pa espada-espada epek mo ha? Hahaha." Pasuray-suray na sabi ng pandak.

Hindi nagsalita ang aking tagapagligtas. Sa halip, humakbang siya sa harapan ko, prinoprotektahan ako sa kanila. Nagdiwang ang mga lasing, hindi alam ang kanilang magiging kapalaran.

Isinakal ng aking tagapagligtas ang pandak nang mahigpit hanggang mawalan ito ng malay, pagkatapos ay basta na lang itinapon sa gilid. Ang tatlo pang lasing ay sabay-sabay na sumugod ngunit isinasiwas lang ng tagapagligtas ko ang kanyang espada at agad silang nawalan ng buhay.

"Wala kayong karapatang saktan ang aking prinsesa," sabi niya, malumanay ngunit may diin habang tinitingnan ang kanilang nakahandusay na katawan.

Bumaling siya sa akin at nakita niyang umiiyak ako. Ang kanyang galit ay napalitan ng pag-aalala. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Huwag kang mag-alala, prinsesa. Nandito ako para protektahan ka," sabi niya at hinalikan ako.

Ngunit sa mga sandaling iyon, nagising ako sa katotohanan nang may naramdaman akong ang mga labi sa labi ko—ang apat na lasing ay ginagahasa na ako. Ang isa sa kanila ay naka-dagan sa akin, habang ang tatlo ay hinahawakan at hinahaplos ako. Ang tanga ko na umasa na may magliligtas sa akin. Realidad ito, hindi ako nabubuhay sa isang libro. Walang prinsipe dito. Wala kang maasahan kung hindi ang sarili mo. Umiyak na lang ako habang ginagawa nila ang pambababoy nila sa akin dahil wala na akong magagawa pa.

Pages Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon