Ang Probinsiyano; Ang Pagtatapos

86 54 13
                                    

Note: This chapter is inspired by a Filipino TV Show, "Ang Probinsiyano". This chapter also includes vulgar words, and brutality.

"Nandito na si Cardo! Mga kalaban magtago na kayo!"

"Kinginang iyan, probinsiyano na naman? Kailan ba matatapos ang palabas na iyan?" Inis na wika ko ng pag-on ko sa telebisyon ay ito ang bumungad sa akin.

Pinatay ko ang telebisyon at pumanhik sa silid-tulogan. Binuksan ko nalang ang telepono ko at nagbaybay sa Facebook. Laman ng newsfeed ko ang samut-saring mga memes at mga reklamo tungkol sa palabas na iyon, kung kailan nga ba matatapos ang talambuhay ng bida.

Napaisip ako kung paano nga ba? Sa pag-iisip ko ay may ideyang pumasok sa isip ko. Alam ko na, alam ko kung paano tapusin ang palabas. Tatapusin ko ang bida.

Ngumisi ako at naghanda sa gagawin ko. Siguradong masisiyahan ang madla rito.

Hinintay ko ang tamang oras, pinuntahan ko ang aktor na si Koco sa bahay nila. Sout-sout ko ang aking pajama, magulo ang buhok at maluha luha pa. Tadhana nga naman, nag-iisa lang siya.

Kumatok ako sa kanyang pinto, hindi nagtagal binuksan niya rin ito. Makikita sa mukha niya ang gulat dahil sa hitsura ko.

"Pare ayos ka lang ba? Pasensya na't hindi pa ako nakabihis, kagagaling ko lang sa taping." Inakay niya ako papasok sa kanyang malaking bahay.

Madilim, tahimik at dalawa lang kami. Perpekto!

"Pagod na ako, pagod na pagod na ako sa lahat," wika ko sa kanya at nagsimula ng umiyak.

"Alakdan." Nag-aalala niyang tawag sa akin.

"Pagod na akong mamatay ng paulit-ulit. Pagod na akong maging kontrabida sa lahat, pagod na akong maging pangalawa lang." Patuloy na iyak ko.

"Pagod na akong magtrabaho! Kailan ba matatapos ito!" Dugtong ko.

"Alam kong pagod ka na pero kailangan natin ng pera, alam mong malaking pera ang nakukuha ng palabas!" Pagpapaintindi niya sa akin.

"Ayoko, ayoko. Pahinga ang gusto ko." Iling ko. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ako din naman eh, gusto ko na ng pahinga"

Tiningnan ko siya at napangisi sa sinabi niya.

"Your wish is my command."

Unti-unti akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang kutsilyo sa bag na dala-dala ko. Tiningnan ko ito ng maigi, sobrang talas, masarap isaksak. Sinugatan ko ang sariling pisnge, dumaloy ang dugo hanggang sa sahig.

Napakaganda ng kulay ng dugo, mamula-mula pa. Nilapat ko ang dila ko sa dugo na nasa kutsilyo.

"Masarap." Nakangising saad ko. Kitang-kita ko ang takot sa mga itim niyang mata. Ibang-iba sa palabas, baklang tunay. Napatawa na lamang ako sa naisip.

"Takbo, Cardo! Takbo!" Sigaw ko sabay ng malademonyong tawa ko, madapa-dapa pa siyang nagtatakbo pataas ng kanyang kwarto.

"Takbo lang at pag nahuli kita, patay ka." Bulong ko sa sarili.

"Nandito na ako, Cardo magtago ka na." Pangga-gaya ko pa sa kanta ng palabas habang naglalakad pataas sa kanyang kwarto.

"Hmm, naamoy ko ang takot mo." Umikot ako sa likod ng pinto at nakita ang tinaguriang bayani na takot na takot.

"Bulaga! Huli ka na." Isinaksak ko ang kutsilyo sa tagiliran niya, inikot-ikot ito habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Bumagsak siya sa sahig, makikita ang sobrang takot sa bilugang mata niya.

"Oh? Shh. Huwag kang matakot, mabubuhay ka pa ulit." Nakangising saad ko sa kanya.

Kinuha ko ang kutsilyo na nakatarak sa tagiliran niya at tinarak pa ito sa iba't-ibang parte ng katawan niya habang tumatawa, iyong tawang ginagamit ko sa palabas.

"A-alakdan, Bakit?" Naiiyak na saad niya sa akin.

"Ang tagal kasi matapos ng palabas eh, kaya ikaw nalang tinapos ko" Ngumisi ako sa kanya habang tinititigan siyang mawalan siya ng buhay.

"Sa wakas, natapos din ang palabas." Saad ko habang naglalakad palabas ng bahay niya ng may ngiti sa labi.

Pages Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon