Ang Unang Kaso ng COVID-19

62 38 3
                                    

"Inang Mirasol, tingin ko po eh kailangan niyo na pong umuwi ng pinas. May tatlong positibo na po dito sa Italy, matanda na po kayo natatakot po akong makuha niyo ang virus, " saad ng aking co-nurse na si Magdalena habang inaasikaso ang mga aparato sa nurse station.

"Nako, ineng. Gustuhin ko man ngunit hindi pa maaari sapagkat kailangan pa nating tulungan ang mga pasyente, bilisan mo na lamang diyan upang tayo'y matapos na agad."

" Mauna na lamang po kayong umuwi, Inang. Ako'y may kukuhanan pa pala ng dugo sa room 108."

" Ay sige't mauna na ako, mag-iingat ka." Iwinagayway ko ang aking kamay bilang tanda ng paalam kay Magda.

Nagsimula na akong maglakad sa kahabaan ng Italya ng may nakita akong isang batang babae na nakahandusay sa hindi kalayuan. Kahit ugod-ugod na ay ginawa ko ang aking makakaya upang takbuhin ang pagitan naming dalawa. Ang batang babae ay nakabaluktot habang hawak hawak ang leeg na animo'y nahihirapang huminga. Isa itong sintomas ng virus. Hindi na ako nag-atubili pang buhatin ito. Dali-dali akong bumalik sa hospital.

"Inang, anong nangyari?" Tanong ni Arthur habang tulak-tulak ang isang stretcher. Agad-agad ko namang inilapag ang bata at hinarap si Magda.

"Magda, tumawag ka muna ng doktor. May sintomas siya ng virus. Arthur, lumayo ka. Nakita ko lang siya kanina sa daan na nahihirapang huminga."

Tumakbo agad si Magda para tawagin ang doktor samantalang si Arthur ay napa-atras sa gulat. Nagulat din ako ng umubo ang bata. Dali-dali kong itinulak ang stretcher sa bakanteng kwarto upang walang mahawa kung mag-positibo man ito. Hindi nagtagal ay dumating ang doctor at ibang nurse na puro naka-sout ng mga PPE o Personal Protective Equipment.

"Inang, kayo'y umalis na at delikado dito. Magpa disinfect ka at baka ika'y mahawa pa." saad ni Magda.

Makalipas ang labing-apat na araw na pag-ooserba sa sarili. Ako'y hindi nagpositibo sa sakit. Ang bata na tinulungan ko ay pumanaw na noong nakaraang linggo lang. Nakakawa ang kanyang kamatayan, hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na mayakap muli ng kanyang ina.

Dahil sa naisip, naalala ko ang naiwan kong tatlong anak sa Pilipinas kaya't napagdesisyonan ko na umuwi ngayon sapagkat sa susunod na linggo na ang aking kaarawan. Ang pilipinas ay ligtas sa virus, wala pang nagiging positibo doon kung kaya't magaan ang aking loob.

Pagkababa ko ng eroplano ay sininghot ko kaagad ang matamis na hangin ng sariling bayan. Ang banayad, mararamdaman mong ligtas ka laban sa sakit na iyon. Sinalubong ako ng mga maiinit na ngiti ng aking mga anak.

"Inay! Ika'y na-miss namin ng sobra." Niyakap ako ng aking bunsong si Alethea.

" Na-miss din kayo ng nanay." Hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha. Ang aking mga anak nalang ang tanging yaman ko. Simula ng mawala ang aking asawa, sila na ang naging lakas ko.

"Tara na nay! Mamimili pa tayo ng mga lulutuin para sa kaarawan mo sa susunod na linggo!" Masayang saad ng aking kaisa-isang lalaki na si Adam.

" Nako, si nanay singkwenta na eh lumalaban pa rin sa buhay! Mana kami sa'yo nay!" Napuno ng tawanan ni Melissa ang airport. Tawanang sana'y hindi naubos at naging iyakan.

"Breaking News: May isang positibo na ng Covid-19 sa bansa. Kinikilala ang ginang bilang si Milagros Cruz na taga Quezon City. Ito ay galing umano ng Italy na may tinatayang 1,050 na kaso ng nasabing virus."

Hindi napaghandaan ng Pilipinas ito. Masyadong maraming kurap ang nagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan. Inuuna ang sarili kesa sa sariling pamayanan.

Nakahiga ako sa aking silid, hindi magkamayaw ang aking mga luha sa pagtulo habang nakikinig sa sigawan ng aking mga anak sa labas.

"Bakit ba kasi? Matanda na si nanay! Hayaan nalang natin siyang mamatay kesa sa mahirapan pa siya ng ganito. Alam mo ba ang sinasabi ng mga kapitbahay ha? Sinisisi nila si nanay! Si nanay na nagdala ng sakit dito sa pilipinas!" Masakit na ang una kong isinilang ang magsasaad pa ng ganitong salita. Si Melissa na minahal kong tunay ng mawala ang kanyang itay

"Ate Melissa bakit? Hindi naman kasalanan ni nanay kung nakuha niya ang virus ah? Birthday na ni nanay bukas oh! Ano ba naman kayo, gagaling siya eh. Gagaling siya!" Masakit sa isang ina na marinig na nagtatalo ang kanyang mga anak. Parang pinupok-pok ng isang daang martilyo ang puso ko. Ang sakit. Sobrang sakit.

Nagulat ako ng pumasok ang bunso kong si Alethea sa kwarto.

"Bunso, bunso diyan ka lang. Huwag kang lalapit kay nanay. Diyan ka lang" Umiiyak kong saad sa kanya. Napakasarap yakapin ng aking anak, ang aking kawawang anak na nakarinig sa bangayan ng kanyang mga kapatid at ako ang walang kwentang ina na nagdala lang ng kapahamakan sa bayan ko.

"Nanay, huwag ka ng umiyak. Gagaling ka naman diba?." Akmang lalapit siya sakin ng binato ko siya ng unan.

"Huwag kang lumapit. Kinamumuhian ko kayo!" Makikita sa mukha niya ang gulat, napakasakit. Tumakbo siya palabas habang umiiyak. Mahal na mahal ko kayo, mas maganda na kamuhian niyo ako kesa mahawa kayo sa sakit na dala-dala ko.

Nakatulog ako sa labis ng pag-iyak. Nagulat ako kinaumagahan ng may malamig na tubig ang sumaboy sa aking boung katawan. Nakita ko ang galit ng mga anak ko at ang sigawan sa labas.

"Bakit? Anong nangyayari?" Nalilito kong saad

"Anong nangyari ha? Ha? Alam mo ha dahil sa'yo. Positibo na rin si Alethea sa virus?! Dahil sa'yo nahihirapan siya! Dahil sa'yo nagkaka-problema ang bansa natin! Rinig mo ba ang sigawan sa labas? Gusto ka naming patayin! Salot ka salot! Ikaw nagdala ng kamalasan sa bansang ito!" Wala akong nagawa kung hindi kainin ang lahat ng sinabi ng anak ko na si Melissa. Totoo naman kasi, kasalanan ko kung bakit naging ganito ang Pilipinas.

Ibang-iba ang kaarawan na nasa isip ko. Pagkain ang nakahain, hindi sari-saring gamot upang inumin.

Pasensya na mga anak kung dahil sakin nahihirapan kayo. Pasensya kung naging carrier ako ng sakit na ito. Pasensya kung dahil sa akin lumalaganap na ang sakit sa Pilipinas. Sana naman sa gagawin kong ito, kahit papano mapasaya ko kayo. Paalam.

"Breaking News: Nadiskubre ang bangkay ni ginang Milagros Cruz sa kanyang silid. Hinihinalang ito'y namatay dahil na overdose sa gamot na ininom. Pumanaw ang ginang sa edad na singkwenta. Siya'y pumanaw mismo sa kanyang kaarawan at siya ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas."


Pages Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon