Half Crazy (One Shot)

609 23 67
                                    

Half Crazy (One Shot)

Happy endings..

Sa mga movies, stories lahat possible, kahit ang happy endings. Kaya nga nauso ang happy ever after diba? Pero in reality happy endings doesn't always exist. There are times na ang dalawang nagmamahalan ay kailangang maghiwalay at mamili. No matter how hard it was, no matter how painful it was. In every relationship, decisions is always a must. At kailangang handa kang harapin ang bawat consequences ng desisyon mo. Kasi totoo ang kasabihang 'madaling sabihin, mahirap gawin'. Lalo na kung involve ang love. Dahil once nakapag decide ka na, hindi mo na maaaring baguhin pa sakaling maisip mo na mali ang naging decision mo.

Huminga ako ng malalim at saka inilagay ang isang earphone sa kaliwang tenga ko. "Ate alis na po ako," paalam ko sa amo kong babae. Kararating lang nila galing opisina. Nag OT kasi sila kaya ginabi ng uwi.

"Sige ate Yallen, ingat sa daan ha? Sorry kung nalate kami ng uwi." Nakangiti niyang hinging paumanhin.

"Ayos lang po, sige po." At naglakad na ako palayo. Isinuot ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko matapos kong ilagay ang isa pang earphone sa tenga ko at nakinig ng radyo. Nananawa na ako sa playlist ko, para maiba naman radyo na lang. Umihip ang malamig na hangin at napangiti ako, sakto pang nagpapaalam na ang Dj sa radyo.. Ilang buwan na lang pala birthday ko na, tapos ilang araw na lang after ng birthday ko, Christmas na!

Tumingala ako sa langit na napapalamutian ng bituin. "Ang ganda!" bulalas ko. Maya-maya pa nagpaalam na ang Dj at nagpatugtog ng isang kantang nagpabagal sa lakad ko. Iyong kanta kasi, ito iyong kantang dedicate ko noon sa kanya. Napayuko ako habang kumakanta si Jaci Velasquez. Wala sa loob na kinuha ko ang kaliwang kamay ko at tiningnan ang palasingsingan ko.

Wala na iyong engagement at couples ring na lagi kong suot noon. Sa lahat ng lalaking minahal ko, iisa lang naman ang nagpaiyak sa akin ng sobra. Siya lang kasi ang nagmahal sa akin ng kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Siya lang ang lalaking nagpahalaga sa akin ng sobra. Napailing ako at nagulat pa ako ng may luhang pumatak sa kamay ko. Bakit ako umiiyak? E ang tagal na naman na nangyari iyon.

Apat na taon na rin...

Sa loob ng apat na taon na iyon, naging gamot ko ang musika, hilig ko ang makinig ng music dahil sa ganoon ko siya naaalala. Kaya nga siguro naging mahirap para sa akin ang mag move on. Hindi ko alam kung bakit pero parang nananadya ang mga kantang sumunod kay Jaci, lahat kasi ng mga kanta ay may kinalaman sa kanya. Mga kantang nagpapaiyak sa akin. Kibit balikat na lang na humakbang na ako papunta sa court ng subdivisiong iyon. Isa ito sa mga memorable na lugar para sa akin. I still remember that night when we exchange vows. Para kaming ikinakasal. Napaupo ako sa isa sa mga bench na nanduon. Ito rin iyong bench na inupuan namin noon. At parang nakikita ko pa ang sarili ko na nakatitig sa mga mata niyang nakangiti...

"Yallen, alam ko na kaya ka nahirapang sagutin ako kasi mas bata ako sa iyo ng ilang taon. Pero ipinapangako ko na mamahalin kita at hindi kita sasaktan, hindi kita iiwan at kahit na anong mangyari hindi ako bibitaw." Kinuha niya ang singsing at biglang nagsalita.

"Ako si Chase, nangangakong mamahalin kita ng habangbuhay, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa buhay at kamatayan man.." isinuot niya ang singsing sa kamay ko, nakapaibabaw ito sa engagement ring na ibinigay niya sa akin noong birthday ko.

"Chase, alam mo ba ang ginagawa mo?" tanong kong hindi makapaniwala sa nangyayari. Oo nga't walang pari at walang church, pero halos katabi lang ng court ang simbahan. Nag-aalala lang ako para sa kanya. Nag-aaral pa kasi siya sa kolehiyo at alam kong mahirap tuparin ang mga sinasabi niya.

"Oo naman, alam ko ang bigat ng mga pangako ko." Seryoso niyang sabi sa akin. "Mahal kita Yallen, wala pa akong minahal nang ganito at wala pang nagmahal sa akin ng kagaya ng pagmamahal mo." Sabi pa niya. Napayuko na lang ako. Iniangat niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Inabot niya ang isa pang singsing at iniangat ang kanang kamay niya.

Half Crazy (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon