CHAPTER 2
Momma's Point Of View
"OKAY girls,ready na ba kayo?"Masayang tanong ko.
Nasa dressing room kami. Si Bubblegum,nasa unang dressing room. Si Mint nasa pangalawang dressing room. Si Pink din ay nasa pangatlong dressing room.
Kanina pa sila nagbibihis pero hindi pa ata sila ready.
Nagpagawa na ako ng costumes nila. Ang paglaya nila ay hindi sila binigyan ng parol talaga. Ako ang napiyansa sa kanila dahil dito sa misyon na ito.
***
"Okay yung kulay blue na costume tapos na ba? Yung green? Yung pink? Jusko naman! Bilisan niyo dadating na yung mga agent girls."Stress na stress na sabi ko sa mga mananahi ng mga costumes nila.
"Ma'am tapos na po yung kulay blue. Tinatapos lang po namin yung mask ng kulay blue."Sabi sa akin ng isang mananahi. Sa isang costume,may limang gumagawa.
Halos tatlumpong minuto ang itinagal ng pagsasaayos ng costumes nila.And now,ready na ang mga costumes nila.
"We're done ma'am!"Sabi ng isang mananahi.
"Good!"Masayang sabi ko sa kanila.
Napangiti na lamang ako sa sobrang saya.***
"Okay girls ready... Blue Bubblegum?!"Sigaw ko sa kanila. Lumabas si Bubblegum suot ang kulay asul na costume. Napakaganda niya pero mas bumagay ito dahil sa nakalugay na buhok nito. Ngumunguya pa rin siya ng bubblegum hanggang ngayon habang hawak-hawak ang isang shotgun.
"Momma BA ayus ba?"Tanong nito sa akin saka ngumisi. Napatingin lang ako sa kanya tsaka tinawag na ang susunod na lalabas.
"Green Mint?"Sigaw ko ulit. Lumabas si Mint na nakagreen na costume at nakamask na rin siya ng kulay green. Nang makalabas siya ng tuluyan,nakita ko ang buong pagkatao niya. Napakaganda niya pala,isama mo pa ang hanggang balikat na buhok nito. Kulay green din ang lipstick niya at higit sa lahat,ang relo niya. Hindi lang 'yon regular na relo dahil may natatagong bagsik 'yon. 'Yon ang tinatawag kong lazer watch. Kaya nitong maglabas ng lazer at maghati ng kahit na bakal.
"Momma BA maganda ba?"Tanong nito sa akin. Tumango na lamang ako at tinawag ang susunod. Si Pink.
"Okay.Pink?Ay basta okay. PINK..."Sigaw ko. Ilang minuto din akong tumatawag sa kanya ngunit hindi siya sumasagot. Agad na binuksan ni Bubblegum ang pintuan at nagulat kami nang makita namin siyang natutulog.
Agad namang ginising iyon ni Bubblegum.
"Ah aray! Ano ba?!"Hiyaw nito. "Hi Momma BA!"Bati nito nang makita niya ako. Nakaclose arms si Bubblegum at Mint habang ako'y nakataas ang isang kilay.
Bakit ba kasi nakasama itong babaeng ito.
Aksidenteng nakasali itong babaeng 'to. Masyadong makitid mag-isip. Baka maging sagabal pa siya sa plano.
"Pink..."Agad siyang tumayo. Nakita ko ang pink na costume niya. Lumabas siya sa dressing area tsaka naglakad na parang rumarampa. Nakabaliktad ang mask nito at ang baril na hawak niya ay nakatutok sa kanya. Natapilok din siya dahil sa mali-mali ang paglalakad niya.
"Momma Ba,ang hirap naman palang maging Agent."Sabi nito sa akin at napakamot ng ulo.
"Mali ang pinagsuot mo. Balik!"Sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang bumalik sa loob ng dressing area para baguhin ang suot niya. Ilang minuto ang nakalipas,lumabas na siya.
Napatitig lang ako sa kanya. Maganda din pala siya kapag maayos na maayos.
"Momma BA ano na?"Tanong nito.
"Ano nga pala yung unang misyon namin?"Tanong naman ni Bubblegum sa akin.
Umupo ako sa sofa ng dressing room. Umupo din silang tatlo at itinutok ang mga tainga nila sa akin.Bubblegum's Point Of View
"Agent Girls,eto ang una ninyong misyon..."Sabi ni Momma BA sa amin. Binuksan naman niya ang screen ng laptop niya tsaka ipinakita ang isang babaeng matabang-mataba. Napatitig naman kami,hindi siya pamilyar sa amin.
Saan kaya siya naninirahan?
"Girls,she's Drona Mae Ingco. Nasa kanya ang Zillion Emerald Jewelry. Nabili niya ito sa magnanakaw noong ninakaw ang zillion jewelries sa museum. You need to steal the zillion emerald jewelry on her."Sabi ni Momma BA sa amin.
Emerald jewelry.
Nakakapagtaka lang kung bakit matinik yung magnanakaw. Sa museum niya nakuha,e alam ko namang maraming gwardiya doon.
"Paano namin siya hahanapin?"Tanong ni Mint kay Momma BA.
Napatitig naman si Momma BA kay Mint.
"Meron siyang isang katulong dito sa atin. You will need to observe her para malaman niyo kung saan nakatira si Drona Mae. Nakasuot ang Emerald Jewelries sa leeg niya."Pagpapaliwanag ni Momma BA sa amin.
Aalis na sana kami kaso pinigilan muna kami ni Momma BA.
"By the way girls,narinig ko sa katulong niya noong isang araw na may gaganaping party sa bahay nila. So kayo ng bahala ang magdisguise sa sarili niyo."Sabi ni Momma BA. Tumango naman kaming tatlo at lumabas ng dressing room papunta sa labas ng bahay.
"Girls sa kabilang bahay yung bahay ng katulong..."Napatigil ako sa paglalakad. Narinig kong sumisigaw si Momma BA. Tinignan ko siya sa likuran ko pero wala siya. Sinubukan kong igala ang mga mata ko at nakita ko si Momma BA na nasa bintana sa taas ng bahay na kumakaway at nakangiti.
Okay our first mission is finding or stealing an Emerald Jewelry. Hm... It's a game!
Agad kaming pumunta sa sinasabi ni Momma BA. Pagkaapak namin sa harap ng gate nila,nakita ko ang katulong na sinasabi ni Momma BA. Nakasuot siya ng pangkatulong kaya alam na siya ang tinutukoy ni Momma BA. Sumakay siya sa Van. Agad naman kaming nagtago sa halamanan. Pinaalis na muna namin ang Van bago kami sumunod sa kanila.
Since wala pala kaming kotse,smoke bomb na lang yung gagamitin namin para magdisappear kami sa lugar na ito.
Kinuha ko ang smoke bomb sa bag na nakasuot sa akin tsaka inihagis iyon. Nang mahulog ito,gumawa ito ng usok dahilan para mawala kami sa lugar na 'yon.
"Ang galing naman pala ng gadgets ni Momma BA!"Sabi ni Pink sa amin.
Napunta kami sa isang malaking bahay. Punong puno ito ng desenyo at dito na ata 'yon. Nagtago kami sa may halamanan ng bahay na puno rin ng dekorasyon. Nakita ko ang katulong na nakita namin kanina.
Pumasok siya sa bahay. May mga guard na nakabantay sa harapan at marami sila.
"Paano tayo makakapasok?"Bulong ni Mint sa amin.
"Well meron tayong smoke bo..."Kinukuha ko na ang smoke bomb pero pinigilan ako ni Mint.
"Wait,ta-tatlo na 'yang smoke bomb. Baka kapag nahuli tayo,wala tayong gagamiting pangtakas."Sabi ni Mint sa akin. Tinnggal ko ang kamay ko sa bag.
"Ano ng plano guys?"Tanong ni Pink.
"Well Pink,Bubblegum, doon tayo papasok sa likod."Sabi ni Mint sa amin saka ngumisi.
Umalis kami sa may halamanan na hindi nahahalata ng mga bantay at pumunta kami sa likuran para doon pumasok.
BINABASA MO ANG
Agent Girls : Finding Jewelries [COMPLETED]
ActionTatlong babaeng mag-aayos ng mga nawawalang jewelries sa tamang kamay Tatlong agents na matitinik Tatlong agents na magagaling Meet Micka Cortes,she's a leader of a group. She's also known as Bubblegum. She's brave and dangerous one. Second,meet Jua...