EPILOGUE

80 12 0
                                    


EPILOGUE

Bubblegum's Point Of View

"MICKA,"

"Hoy Micka,sorry na... Sorry kung iniwan kita no'n. Sorry kung naging tanga ako. Pinagsisisihan ko naman 'yon. Mahal na mahal pa rin kita. Ikaw pa rin."Nakasimangot na sabi ni Mandy tsaka nag-pout sa akin. Ang cute niya kapag nagpa-pout siya.

Wala naman akong choice. Hindi naman ako pwedeng umatras. I'm stuck between my feelings and Mandy.

What can I do?

"Oh,si-sige. Pinapatawag na kita."Sagot ko naman sa kanya. Napangiti siya na abot hanggang langit. Sa sobrang saya niya binuhat niya ako.

"Mahal pa rin kita,Mandy."

Napangiti na lamang ako. Habang siya naman ay masayang-masaya at binubuhat pa rin niya ako hanggang ngayon.

Mint's Point Of View

"Ah,Bubblegum?"Nakita ko si Mandy na binuhat si Bubblegum. Tumigil naman si Mandy nang bigkasin ko ang pangalan ni Bubblegum.

"Oh bakit?"Tanong nito sa akin.

"Sorry talaga ah. Sorry kung inaway kita."Panay ang sorry ko sa kanya. Hindi talaga ako maka-move on. Anong ugat kaya ang pinag-awayan namin? Dapat kasi hindi kami nag-away para mag natutukan namin ang misyon namin.

"Ok na 'yon,ano ka ba. Ang asikasuhin mo,si Mardy."Bigla akong napasimangot. Lumingon naman ako kay Mardy at saktong nahalikan ko siya sa lips. Nakangisi ito sa akin habang nakahalik sa'kin.

"Ano ba?!"Nagulat ako kaya naitulak ko siya.

"'Wag dito,nakakahiya."

Pink's Point Of View

"Marlon,thank you do'n sa binigay mo ah,"Hinawakan ko ang kamay ni Marlon. Itinapat ko sa labi ko tsaka niya ako hinalikan.

"Hindi ba puwedeng maging romantic naman Pink? Puwede bang lalaki 'yong hahalik sa kamay?"Naki-chismiss nanaman 'tong si Mint.

"Chismosang palaka!"Itinaas ko ang kilay ko tsaka siya inirapan.

Hihi,sana hindi siya magalit.

"Girls?Girls...."Lumingon kami sa may pintuan. Dali-daling pumasok siMomma BA dala ang ngiti sa kanyang mukha.

"Oh Momma BA?"Nakangising sabi ni Mint.

"Girls,all your mission is done. Magbabakasyon tayo!"Masayang sabi ni Momma BA with matching flip hair pa.

***

Maraming mga pagsubok ang dumating sa buhay naming tatlo. Katulad na lamang na napagbintangan kaming pumatay ng isang arabo. Hindi naman namin hawak ang buhay. Hindi namin kayang idikta kung ano ang magiging buhay namin. Dahil panginoon lamang ang kayang gumawa no'n.

Saglit akong napatingin kay Mint at Pink na masayang-masaya habang kausap sina Marlon,Mandy at Mardy. Napangisi na lamang ako sa kanilang lima.

We can call this blessing of our lives. Finally,nagshine na rin ang mga buhay namin. Hindi na kami mga dukha. Hindi na rin kami nakakulong sa kulungan.

Hindi naman namin ini-expect na magiging gano'n ang buhay namin. Basta ang alam namin,naging maayos na ang aming buhay at magiging maayos pa 'yon bukas o sa susunod pang mga araw.

"Agent girls,nagawa niyo ang misyon.Pero dahil sa misyon,napahamak kayo.Well,it's not bad! Congratulations agents!"Bati sa'min ni Momma BA. Nakatingin kaming lahat sa kanya. Nakaupo kami sa catage ng beach resort. Napag-isipan kasi ni Momma BA na magbakasyon kami.

Umupo siya sa tabi ko tsaka kumuha ng pakwan na nasa lamesa ng catage.

"Girls,naibalik na natin lahat ng jewelries sa Museum!"Pumalakpak si Momma BA habang ngumunguya ng kinakain niyang pakwan. Nakangisi ito sa'min at sinuklian naman namin ng ngiti.

"Hay,tapos na ang misyon! Bagong buhay,bagong pag-asa,"Ani Mint tsaka nag-inat ng katawan.

Bagong buhay,bagong pag-asa sa'min ang bagay na 'to. Marami mang nangyari sa buhay namin,pinagpapasalamat na lang namin sa panginoon,dahil do'n mas naging matatag kami.

Nakabikini si Momma BA,Mint,Pink pati ako habang sina Marlon,Mandy at Mardy ay nakabrief lamang. Ang ha-hunk nila. Ang lalaki ng mga pototoy nila. Joke! Hahaha...

Agad kaming tumakbo papunta sa motorboat.

"Oh,I forgot girls,"Sabi ni Momma BA. Umupo siya sa may buhangin.

"Ano po yun Momma BA?"Tanong ko. Nagtaka naman ako dahil tapos na ang aming misyon. Alangang fake yung diamond,hayst!

"Girls,get ready kasi napag-isipan ng ating pangulo na hanapin ang treasure map at hanapin kung saan nakatago ang Round Crystal Crust."

Napangiti naman kaming lahat. Sumakay kami sa motorboat. Pinaandar 'yon ni Mandy tsaka pumunta sa malalim na bahagi ng dagat.

Wala nang mas sasaya pa sa buhay ng isang agent. Ang maging isang agent ay isang magandang oportunidad sa buhay naming tatlo nina Pink at Mint.

Well,we have a special task.We need to find the treasure map to find where the Round Crystal Crust located.

At paghahandahan namin ang bagay na 'yon...

Ngayon, maglalakbay na naman kami papunta sa pangarap namin.



Wakas

Agent Girls : Finding Jewelries [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon