CHAPTER 7

62 13 0
                                    

CHAPTER 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 7

 Pink's Point Of View

"OH,nandiyan na 'yong costumer mo."Ani Mint kay Bubblegum habang mina-massage ang isang costumer niya. Napalingon naman si Bubblegum sa sinasabi ni Mint at nakita ko din naman na mayroon ngang costumer ni Bubblegum na lalaking nakatuwalya lang. Pumasok ito sa loob at pumunta sa massage room.

"Ah,miss pwede pa-massage?"Tanong ng costumer ni Mint. Tumango naman si Mint at saka pumunta sa massage room. Sumunod si Bubblegum na pumunta sa massage room dahil nandito na naman ang costumer niyang kuripot.

Sumunod ako sa kanila para tignan kung okay lang ang mga costumer. Pagkapasok ko pa lang,rinig ko ang away nilang dalawa.

"Ang sabihin mo,miss mo lang si Mardy kaya ka nagkakaganyan."Rinig kong sabi ni Bubblegum kay Mint. Pumasok ako sa pintuan para tignan silang dalawa. Nagtatalo sila ngunit mina-massage pa rin nila ang mga costumers nila.

"Hoy Bubblegum,'wag mong masali-sali sa usapan si Mardy. Baka ikaw,si Mandy. Pakipot ka pa nung nakita mo siya tsk!"Sabi ni Mint tsaka umirap kay Bubblegum. Diniin niya rin ang pagma-massage niya sa costumer niya at kita kong nahihirapan na ang costumer niya. Nakapatong si Mint kasi sa costumer nito kaya hirap siyang gumalaw mas lalo nung idiin niya ang pagma-massage nito.

Katulad nga ni Mint,nakapatong din si Bubblegum sa costumer nito habang mina-massage ito at diin na diin ang pagkakabaon ng kanyang mga kamay. Napahiyaw naman ang kanyang costumer sa ginagawa niya. Hirap siyang huminga dahil na rin sa pagkakapatong ni Bubblegum sa costume niya.

"Excuse me,sinong nagsabing pakipot ako?Baka ikaw,naalala ko lang si Mardy binuhusan mo kaagad ako ng popcorn. Pati si Pink binato mo ng remote control!"Diniin-diin ni Bubblegum ang dalawang kamay nito sa costumer niya. Napairap siya kay Mint at nag-angas ng konti.

"Bakit ako nasali sa usapan niyo?"Naki-usyuso na ako. Mukhang malalim na kasi ang pagtatalo nilang dalawa. Mukhang tungkol kila Mandy at Mardy ang pinag-aawayan nila so baka ma-offend ang mga costumers nila sa ginagawa nila. Ang ingay-ingay nila e.

"Ah,gusto mo talaga ng away!"masamang nakatingin si Mint kay Bubblegum. Hinawakan ni Mint ang dalawang kamay ng costumer niya tsaka binali 'yon.

Hala baka napilay na!

Si Bubblegum naman nakapatong pa rin sa costumer niya habang madiin na madiin ang pagkaka-massage sa kanyang costumer. Tumayo si Mint tsaka lumapit kay Bubblegum at sinabunutan ang buhok ni Bubblegum.

"Gusto mo talagang mag-away tayo ah,itong sayo!"Umalis si Bubblegum sa pagkakapatong. Tumayo siya sa kama saka sinabunutan na si Mint. Nagsabunutan na silang dalawa sa puntong 'yon..

O my god! Ano ba yan,anong gagawin ko? Nag-aaway na silang dalawa baka magkaroon ng world war 3.

" Tama na!"Napasigaw ako ngunit hindi pa rin sila tumitigil. "Pinag-aawayan niyo ang mga lalaki? How cheap!"Napairap ako sa kanilang dalawa tsaka nagcross-arms.

Agent Girls : Finding Jewelries [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon