CHAPTER 10

52 12 0
                                    


CHAPTER 10


 Mandy's Point Of View


"MOMMA BA? Mukhang hindi nagtagumpay ang plano. Kinuha ko kay Pink ang diamond at ngayon kumpleto na pero sila naman ay nadukot ng kung sino."Sumbong ko kay Momma BA. Nakapamewang naman siya. Lumingon siya sa'kin na hindi maipinta ang mukha niya.

"What!? Nadukot sina Bubblegum,Mint at Pink?"Tanong nito sa'kin.

"Opo,Momma BA.Tutulungan po ba natin sila?Hindi ko kakayanin kapag may nangyari kay Bubblegum."mangiyak-ngiyak kong sabi.

Pinag-planuhan namin ni Momma BA na agawin ang diamond kung si Pink ang makakakuha. Alam niyo namang inosente 'yon at alam ko namang she's luka-luka kaya ni-plano namin ang bagay na 'yon ngunit ang kalabasan no'n ay ang pagtangay sa mga buhay nila.

"Natandaan mo ba ang plate number ng sinasakyan nila?"Tanong ni Momma BA sa akin. Tumango naman ako sa kanila. Ang alam ko is A3354 ang nasa plate number ng sinasakyan nila.

"Okay ganito,mauna na kayo ni Marlon,tawagin mo na rin si Mardy. Mauna na kayo roon at tatawag muna ako sa mga pulis."Sabi ni Momma BA na agad naman akong tumango.

Bubblegum's Point Of View

"Jonas? Jonas ikaw ba 'yan?"Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.

Paano sila nakalabas ng kulungan? Anong ginawa nila at nakalaya sila?

"Buti naman at kilala mo pa 'ko,Bubblegum."Sabi noto habang hawak-hawak ang maskara. Saglit lang ay itinapon naman niya 'yon. Ilang munuto ang itinagal bago kami ulit nagkasagutan.

"Paano...Paano ka nakalabas ng kulungan?"Tanong ko. Nagtataka pa rin ako. Ang alam ko,madadagdagan ang days o 'di kaya'y months at puwede ring years ng pagkakakulong nila dahil na din sa pagtakas nila no'n.

"Kami. Gusto mo kung paano kami nakatakas?"Tanong nito sa akin.

Jonas' Point Of View

Linggo,araw kung saan walang dalaw ang mga nakakulong. Napag-isipan ni PO1 Mr. Dela Cruz na ilabas muna kami ng kulungan dahil lilinisin lahat ng sa lahat ng sulok ng kulungan. Pinaupo niya kami sa mainit at malinis na lugar dito sa may kulungan. May kanya-kanyang mga buhay kaming lahat. Hanggang sa naisipan namin ng mga kasama ko na tumakas kami. Nagkasundo kaming gumawa ng gulo para ma-distract ang mga pulis tsaka na namin ginawa ang plano.

Tumingin ako sa leader ng isang grupo. Handa na siya at alam kong may hawak-hawak siyang patalim pang saksak sa mga pulis. Agad namang nagsi-awayan ang mga bilanggo. Nagkagulo ang lahat hanggang sa ang mga iba ay napatay. Kami naman ay nakatakas. Tumakas kami gamit ang lubid na inilagay ng isang grupo sa isang kailalim-laliman ng gabi.

Humiwalay sa akin si Dreida habang si Menerva ay sumama sa'kin.

Napag-isipan naming hanapin kayo. And yet,nakita kayo ng aming mga tauhan na hinahabol ang nakakotse,so do'n na sila sumugod para dukutin sila.

"Teka lang... Naguguluhan ako. Paanong naging mapera ka?"Tanong nito sa akin.

Masyadong matanong.

Nang kasalukuyan kaming hinahanap kayo,nagdesisyon muna kaming mang-holdap sa bangko para magkaroon naman kami ng pera at makapag panibagong buhay.

"And now,you will taste my darkest reve..."Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko.

*bang*

*bang*

*bang*

"Ano 'yon?"Taka kong tanong sa mga kasama ko.

"Boss sinusugod tayo ng mga pulis."Sagot naman ng kasama kong lalaki habang hawak-hawak ang kuwarenta-y-singkong baril.

"Bwesit!"

"Tara na! Umalis na tayo rito!"Sigaw ko habang nakikipagbarilan ang mga kasama ko. Ang iba ay sumama sa akin habang ang iba naman ay patuloy pa rin sa pagbaril.

Dumaan kami sa likod ng bodega ng mga kotse para hindi nila kami maabutan. Rinig ko pa ang mga bala ng mga baril na tumtunog tuwing pumuputok at tumatama sa bakal. Ang sakit sa tenga.Sa di kalayuan,nakita ko ang ibang mga pulis na papalapit sa amin.

"Bwesit!"Napaatras ako dahil na rin sa mga pulis na nakapaligid na sa'min.

Kinuha ko ang baril ng kasama ko. Ikinasa ko iyon tsaka ako bumaril sa mga pulis para mabulabog sila ngunit wala akong natamaan.

"Ah,gusto niyo ng laro?"Bulong ko sa sarili. Ikinasa ko ulit ang baril ko tsaka nagpaputok ulit sa kanila. "Sige,pagbibigyan ko kayo."

Panay putok ng baril ang naririnig ko. Parang hindi nauubos ang mga bala ng mga pulis. At dumadami sila. Delikado na ang lagay ko rito. Kailangan ko ng umalis!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa masukal na kagubatan ngunit hindi na ako nakaapak doon dahil nabaril na ako sa puso.

Napahawak ako sa puso na pinagbarilan sa akin. Agad akong natumba at nawalan malay.

Patay...

Bubblegum's Point Of View

Panay pa rin ang pagputok ng baril sa paligid namin. Nakita ko si Mandy na papalapit sa'kin. Tinawag ko siya at dali-dali naman siyang pumunta sa kinaroroonan namin at tinanggal kami sa pagkakatali.

"Don't worry. Nadoon na kay Momma BA na ang diamond stone."Sabi niya.

"Pero paano?"Tanong ni Pink.

"Mamaya ko na ipapaliwanag."Sagot naman niya. Ilang saglit pa,dumating sina Marlon at Mardy dala ang mga baril.

Agad naman kaming tumakbo sa labas para habulin si Jonas.

Tumigil ang mga pagputok ng mga baril. Natapos na ang madugong labanan. Mukhang natalo na si Jonas.

Nakita ko siyang pasan-pasan ng mga pulis habang ang dugo nito ay patuloy pa ring dumadaloy sa pinagbaunan ng bala sa dibdib niya.

Wala na siya.

Patay na siya.

Ngunit ang mga kasama niya? Nasaan? Si Menerva at Dreida? Nasaan?

Baka maghiganti sila sa'min.

"Ma'am tumawag ang kasabwat nitong Jonas. Sumuko na daw silang dalawa."Sabi ng pulis sa amin. Hawak pa rin niya ang baril at alerto siya na baka ay mayroon pang kalaban.

Naglakad na siya papunta sa sasakayn ng mga pulis habang kami ay nandoon pa rin kasa-kasama sina Marlon,Mandy at Mardy.

"Paanong na kay Momma BA na yung diamond?"Tanong ko kay Mandy. Napakamot naman siya ng ulo.

"Uy,Marlon salamat ah."Rinig ko namang sabi ni Pink.

"Oh,ano? Lalaban ka?"Tanong naman ni Mint kay Mardy.

"Hoy,Bubblegum...."Tinawag niya ako.

"Ano,away na naman ba? Mag-aaway na naman ba tayo dahil do'n sa dyamanteng 'yon?"Tanong ko.

Nakakapangbwesit na kasi eh.

"Hindi. Sorry sa lahat ng inasta ko."Sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Yumakap sa'kin si Mandy ngunit siniko ko siya.

Wina-warningan ko lang. 'Di ko naman alam na yayakapin niya ako eh.Si Marlon at Pink naman ay naglalampungan. Hay naku!Mga inosenteng 'to.Habang sina Mardy at Mint ay panay pa rin ang away.

"Girls ayos lang kayo?"Nakita ko si Momma BA na papatakbo sa amin. Tumango naman kaagad kami at naglakad papunta sa sasakyan ng mga pulis.

Agent Girls : Finding Jewelries [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon