CHAPTER 1

289 22 3
                                    

CHAPTER 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 1

Bubblegum's Point Of View


"TATAKAS tayo mamayang gabi."Rinig kong sabi ng tomboy na si Jona este Jonas sa tatlong kasama nito. Napangisi siya sa mga ito,ilang saglit pa ay umapit ito sa akin. "Gusto mo bang sumama mamaya?"Tanong nito sa akin.


Bakit naman ako sasama sa inyo? Gusto ko sanang sumama kaso baka madagdagan nanaman ang kaso ko. Ang kaso ko kahit wala naman talaga.


Naaawa tuloy ako sa mga ka-vibes kong si Mint at si Pink. Nakipagsiksikan sa mga babaeng malalaki ang mga muscles. Nakakainis ang babaeng nambintang sa amin.


"Ayoko nga. Ayokong madagdagan ang kaso ko noh."sabi ko sa kanya. Napairap lang siya sa akin tsaka lumayo ng konti sa akin.
Agad namang tumayo mula sa pagkakahiga sa mga matatabang babae si Pink tsaka pumunta sa harapan ng kulungan at nagsisisigaw.

"Woa,mamang pulis,tulong. Ayoko rito sa mabaho at cheap na kulungan na 'to. Please ilayo niyo ko sa mga germs!"sigaw nito ngunit hindi pinansin ng mga pulis. "Ano ba yan! Hoy Bubblegum,ano nang update?"


"Bat mo ko tinatanong? Pareho tayong nasa kulungan."napangisi siya sa akin at nagpeace sign.


Medyo gumagabi na at ngayon pinapasama nila akong tumaka?! Anong mapapala nila sa pagtakas? Papatayin ka ng konsensiya mo. Hay naku! Kaya 'wag ako Jonas.


Bandang alas-syete na ng gabi. Natulog na ang lahat. Nakatulog na rin ang dalawa na nasa tabi ko. Si Mint,mahimbing ang tulog habang si Pink,ang himbing-himbing ng tulog at naghihilik.


Bwesit talaga tong babaeng 'to. Hindi ako makatulog.


Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may narinig akong kaluskus mula sa CR. Hinayaan ko na lamang 'yon ngunit hindi pa rin tumitigil sa pagkaluskus.


Ano kaya 'yon?


Agad akong pumunta sa CR para tignan kung anong mayroon. Nang makapasok ako sa loob,nakita ko si Jonas na kasama ang dalawang babae habang nililigari ang bakal ng CR sa may taas sa may pagpapasukan ng hangin.


Nagtago ako sa pintuan. Abala silang nililigari ang bakal.Patuloy pa rin sila hanggang sa naputol nila ang bahagi niyon.


Pero teka? Saan nila nakuha ang lagari?


Ilang minuto pa ang nakalipas,natapos na nila 'yon. Naunang lumusot si Jonas bago ang dalawang kasama nito. Lumingon pa si Jonas sa kinaroroonan ko bago sila umalis. Buti na lang hindi niya ako nakita. Agad akong pumunta sa pwesto ko at itinuloy ang naudlot kong pagtulog.

Kinabukasan...


Nakita ko sina Jonas at ang dalawa niyang kasama na tumakas kagabi.


Ngunit paanong? Aha! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Nahuli sila.
Panay pasa at bandage ang nasa mukha nila. Hay naku!
Napatingin sila sa akin ng masama. Hinayaan ko na lamang iyon at iniiwas ang tingin ko sa kanila.

Agent Girls : Finding Jewelries [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon