CHAPTER 3

191 22 1
                                    

CHAPTER 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 3

Bubblegum's Point Of View

PUMUNTA kami sa likod ng bahay para dumaan. Walang mga guard ang nakabantay. Pero maraming bisita ang nasa loob ng bahay.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nang makapasok na ako,sumunod si Mint pati si Pink. Ngunit siya's sumablay. Buti na lang nakapagtago kaagad kami.

Nakita namin ang mga bisita sa loob na nakatingin dito.

Nang hindi na sila nakatingin,agad kaming umalis sa lugar na 'yon papunta sa loob. Saktong nakabukas ang pintuan sa likod,kaya nakapasok kaagad kami.

Napakaraming tao. Paano kami makakapunta kay Drona Mae?

Tsaka baka malaman nilang nag-e-espiya kami dahil sa suot namin.

"Girls hindi tayo makakapasok ng ganito ang suot natin."Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Girls,may dressing area oh.Lumingon kami kay Pink at tinignan ang tinuturo niyang dressing area.

Tama! Doon kami magbibihis.

Agad kaming pumunta sa dressing room para magbihis.

Nang makapasok kami,wala ng damit na pangbabae. Puro panglalaki ang nandito na nakahang.

"Let's do the disguisation."sabi ni Mint. Lumapit siya sa nakahang na damit panglalaki at tsaka kinuha ang amerikano na damit at ang katerno ng amerikano. Sunod na kumuha si Pink at ako ang panghuli. Pumasok kami isa-isa sa loob ng pagbibihisan para tanggalinang costumes namin. Pagkatapos naming nagbihis,kinuha namin ang costumes namin tsaka inilagay sa bag.

Kumuha rin kami ng bigote para hindi nila kami makilala. Nag-wig na rin kami ng panglalaki para sure talaga na hindi kami mapansin na babae kami.

Bandang alas-singko na ng hapon ang umpisa ng party. Marami ng bisita at mamayang alas syete namin gagawin ang balak namin.

Nang mag-aalasyete na,naghiwalay kaming tatlo. Isinuot namin ang earphones namin sa tenga para may connection kami sa isa't-isa.

Bago pa man sila makaalis ay may sinabi pa ako sa kanilang dalawa.

"Mint,saktong alas syete,kapag kasayawan ko na si Drona,patayin mo ang switch ng ilaw sa switch room."Sabi ko na tumango naman siya.

"Ikaw naman Pink,manood ka lang. Akitin mo yung guard doon."Itinuro ko ang guard na nasa pintuan.

"Wala na bang iba?"Tanong nito sa akin. Inirapan ko lang siya.


"Tsk! Oh sige na.."At tuluyan na silang umalis.

Pumunta ako sa may upuan sa harapan. Ilang minuto din ang itinagal ko doon hanggang sa nakita ko na ang baboy na target namin. Si Drona Mae. Naka-gown siya na kulang red. Nagmumukha tuloy siyang letchon.


"Okay ready girls."Sabi ko sa earphone na nakakonekta sa kanilang dalawa.

Umupo si Drona sa may upuan ng mga mayayaman. Ilang saglit pa, dumadami na ang nagsasayawan . Kaya tumayo na ako't pupunta na kay Drona.


"Girls ready pupunta na ako kay Drona."Sabi ko sa kanila. Nakita ko si Pink na nakikipag-usap sa guard sa may pintuan. Siya lang kasi ang nandito sa party na guard kaya madali naming magagawa ang misyon namin.

"Bubblegum,ang pangit naman nitong guard na ito."Rinig ko sa earphone na sabi ni Pink.

"Mint,ready ka na..."Sabi ko sa earphone.

"Siguro,"Sagot naman ni Mint.

Nang makatapat ako kay Drona,tumitig ito sa akin.

"May I dance you?"Tanong ko sa kanya. Nakatitig pa rin ito sa akin hanggang sa ngumiti ito sa akin at tumayo. Pumunta kami sa gitna ng sayawan at isinayaw siya.

Tinignan ko ang oras. Alas syete uno na pero hindi pa rin nagagawa ni Mint ang pinapagawa ko sa kanya.

Nasaan na 'yon? Bakit hindi pa niya nagagawa ang inutos ko sa kanya?

Bakit ang tagal?


"Ahhh Mr...?"tanong nito.


Tumingin namn ako sa kanya. "Mr. Poe."Sabi ko.


"Mr. Poe anong tinitignan mo?"Tanong nito sa akin. Tumingin ako sa kanya.

Nakita ko ang Emerald Jewelry na nakasuot sa kanya. Nang nakatingin siya sa akin,iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"W-wala."Sagot ko sa kanya at itinuloy ang pagsasayaw.


Mint's Point Of View

Pumunta ako sa switch room ngunit may dalawang gwardiya na nandoon. Lumapit ako sa kanila ngunit hindi nila ako pinayagang pumasok.


Hindi ako makapasok. Paano na yan?


Tinignan ko ang oras at pasado alas syete na. Baka naiinip na si Bubblegum.


Bwesit kasi tong mga gwardiyang 'to.

Ah kaya pala hindi ako papasukin dahil ganito ang suot ko. Hay naku!

"Ahm... Mga gwardiya pinapatawag kayo ni Mr. Ingco may sasabihin daw sila sa inyo."Sabi ko sa kanila. Syempre nagboses lalaki ako para hindi mahalata.

Ilang saglit pa ang nakalipas,nagtagumpay ang plano. Umalis silang dalawa at siguradong pupunta sila kay Mr. Ingco.

Agad naman akong pumunta sa switch area para patayin ang lahat ng ilaw.

*switch off*

Napatay ko na ang ilaw. Agad akng umalis sa switch room para pumunta na sa party. Madilim ang lugar pero hinayaan ko lang iyon.

"Switch off lights party."bulong ko sa sarili ko tsaka pumunta na sa party at umupo sa upuan.


Bubblegum'sPoint Of View

Ilang minuto din kaming sumasayaw ni Drona hanggang sa tuluyan ng napatay ang ilaw. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang fake Emerald na kwintas.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat ni Drona Mae tsaka dahan-dahang tinanggal ang kwintas sa kanya. Nang maalis ko na 'yon,inilagay ko ang fake emerld sa leeg niya.


Dali-dali naman siyang umalis. Ang hindi niya alam nakuha ko na ang Zillion Emerald Jewelry.

"Switch off lights party."Rinig ko pang sabi ni Mint sa earphone. Dali-dali ko namang inilagay sa bag ang Emerald Jewelry at saka umalis ng party.

Agent Girls : Finding Jewelries [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon