Bata pa lang kami, friends na kami ni Prince. Neighbors kasi kami and our parents made sure na maging friends din kaming dalawa. Noon pa lang naging crush ko na siya, sobrang gwapo, then gentleman, yung tipong lahat ng hinahanap ko sa isang guy nasa kanya na (oh hindi ba bata pa lang lumalandi na! Lol!)
Pero nagbago na ang lahat ever since his family migrated to the US of A na. Hindi na kami nagkaroon ng communication. Nalungkot talaga ako dahil bukod as crush ko siya, siya din ang tinuturi kong best friend ko, ganun kasi talaga kami kaclose. Lahat ng bagay na nangyayari sa amin alam dapat ng bawat isa. Isa lang ang hindi ko naamin sa kanya, na noon pa lang may gusto na ako sa kanya. Sobrang nagsisisi ako kasi ngayon hindi niya na ako maalala. Kahit na schoolmates kami para lang akong stranger sa kanya. Haist. Bakit ba kasi kami nagkahiwalay eh. Naaalala ko pa nung first day niya dito.
*****Flashback*****
"Uy nakita niyo na ba yung new student?"
"Hindi pa eh, balita ko gwapo daw ahh."
"Ano daw course? Sana classmate ko siya."
Nandito na ako ngayon sa classroom namin, the professor is not yet here kaya marami pa nagdadaldalan. Ano ba naman iyan may bagong prospect na naman ang mga malalanding ito....... wahahahahahaha meanie me!! Kawawa naman kung sino man iyon pagkakaguluhan siya at dudumugin... Tsk..tsk..tsk..
"Business course din daw eh kaya madalas natin siya nakikita."
"Alam niyo kung ano pangalan?"
Ano ba naman yan! Hindi ako nakapagreview dahil sa ingay nila.
"Ella nakita mo na yung new student?" Si Ana isa sa classmates ko.
"Hindi pa eh. Bakit ba atat na atat kayong makita yung new student na yun. Buong school siya na ang pinag-uusapan ngayon. Nakakasawa ng pakinggan."
"Sungit mo talaga! Sayang beauty mo! Gwapo kaya yung new student at feel ko kaw din magdudrool over him kapag nakita mo siya!"
"Hmft.. Whatever Ana."
"Good Morning class!"
"Good morning ma'am!"
"I guess it's your lucky day girls! We have a new student, from America pa siya! Don't worry he knows how to speak in Tagalog so hindi kayo manonosebleed. Okay, I'll let him introduce himself to you. Iho you may come in na."
"Ang gwapo nga niya!"
"S*it jojowain ko yan!"
"Can he be mine na lang?!"
"Hey! Hey class settle down. Girls kalma lang okay??!!"
Ano ba naman iyan any OA talaga nila! Parang ngayon lang nakakita ng lalake. Wawang mga boys, wasak ang mga puso. Sama pa makatingin sa new student. Hahahahahaha.. Bahala kayo diyan!
BINABASA MO ANG
Help me get over you
Romancepaano ba makalimot? ganoon ba talaga kadaling kalimutan ang lahat ng napagdaan natin? ganoon ba talaga ako kadaling kalimutan? bakit ba kasi sayo pa nahulog? bakit ba ikaw pa ang minahal? Aahhhhhhhh!!! Ang hirap naman ng ganito? Makakabaliw! Nakakab...