Miss Lonely No More

22 3 3
                                    

Wala pa si Prince hanggang ngayon, pumunta kasi ang buong family nila sa province, may sakit daw kasi lola niya. One week na since last kami nagkita and I really miss him na. Ang boring ng buhay kapag wala siya. Wala din si bakla! Wala ako kasama sa pagkain o sa paggala man lang.

Bakit kasi wala ako masyadong friends. Marami naman ako kakilala dito sa school pero hindi naman ako ganun ka-close sa kanila, kasi marami sa mga nakikipag-close sakin gusto lang kumopya sakin. Hindi naman sa nagyayabang pero I'm stating the truth, dahil ako nga top student sa batch namin, marami ang gustong gamitin lang ako. I've proven that so many times na. Paano ba naman, pag-uusapan na lang ako sa girl's wash room pa! Hindi man lang nila naisip na baka nandun din ako at maririnig ko sila! Ang sakit kaya! Kaya lagi ako umiiyak. Nakakasawa na ding masaktan. Ilang beses ko na din narinig na gusto lang nila mapalapit sakin kasi matalino ako pero sa totoo lang naiinis sila sakin kasi ang yabang ko daw. Feelingera daw ako, na kung makaasta ako eh parang alam ko na ang lahat. Nasasaktan ako tuwing naririnig ko yun, sino ba ang hindi?! Kaya Simula noon, hindi na lang ako nakikipagkaibigan. Natatakot kasi ako na baka ang mapagkatiwalaan ko ay peke pala.

Sa totoo lang gusto ko kaibiganin ang mga classmates ko. I don't want to be lonely during classes, ako lang kasi ang walang kausap pero nadala na siguro ako sa mga narinig ko, natrauma ganun. Si bakla lang talaga ang naging ka-close ko after kay Prince. He's my protector, lagi niya ako ipinagtatanggol sa mga bullies sa school. Siya lang ang palagi kong kasama kaya sobra ang kalungkutan ko nung umalis siya. Back to zero na naman ako! No friends! No social life! No fun days!

"Ella? Okay ka lang ba?"

Nagulat ako ng biglang may tumapik sa balikat ko. Si Ana pala.

"Huh? Oo naman. Bakit mo natanong kung okay lang ako?"

"Eh umiiyak ka kasi??"

Huh?! Ako umiiyak?? Nilagay ko kamay ko sa mga pisngi ko at hindi nga siya nagkamali, may luha nga pisngi ko. Buti na lang at nasa library ako, wala masyadong tao. Nakakahiya.

"Ahh, ehh, wala, wala, ayos lang ako.. Hehehe"

"Mind if I seat here with you?"

"O..okay"

"Yung totoo, why are you crying? Missing your prince?"

"Nah.. Not that, maybe, I don't know actually!"

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako sa pag sa pagsasalita.

"It's just that I feel so lonely. Johnson is gone, Prince is not here also. They're my only friends dito sa school and none of them is right here. I feel really lonely."

"Eh ang dami-dami ng students dito sa school natin ah, why don't you find new friends?"

"It's not that easy, I have some trust issues. It's hard for me to trust people that easily. Actually, I don't know why I'm telling you all of these."

"Bakit? Ano ba nangyari sayo? If you don't mind me asking of course."

Sasabihin ko ba? Ana is a transferee lang. Last semester lang siya nag-start na mag-aral dito. From what I know, she's from Bicol Province pa, nakatanggap ng full scholarship dito kaya nag-transfer siya. Matalino din si Ana, kung tutuusin parang rivals kami pagdating sa academic pero para sa akin ayos lang naman kahit sino ang maging top, as long as deserving talaga yung tao. Maganda din si Ana. Matangkad, mas matangkad sa akin ng konti, matangos ilong, may pagka singkit ang mga mata, lalo na kapag nag smile na siya! I actually like her personality. Paano ko nasabi? Ever since nag transfer siya dito naging block mate  ko na siya, and because i love observing people, yun ang nakita ko sa kanya. She's not judgmental, prangka, kung ayaw ka niya hindi niya ipipilit ang sarili niya. Napaka honest din and kahit sabihin niya na hindi siya sweet, actually I find her sweet. She cares for her friends and she's always there for them. Should I risk getting hurt by trusting her?

Help me get over youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon