Matagal-tagal na din since huli akong nakapunta sa bahay nila Prince. Wala paring nagbago bukod na lang sa mga pictures na nakadisplay sa sala nila. Before kasi puno ng mga pictures naming dalawa yung receiving area nila. Mula sa new born baby pictures hanngang sa last picture namin ni Prince bago sila nagpunta sa US.
"Tara Princess, pasok na tayo?"
Bakit parang kinakabahan ako? Nag-smile nalang ako at sumunod na sa kanya. Kinausap niya muna si Manang Lotty at saka tumungo na sa kusina.
"Princess! Kamusta ka na? Ang laki mo na at ang ganda-ganda mo. Buti pala at bumalik na ang alaala ni señorito. Hindi ko alam na naalala ka na pala ulit niya!"
"Huh?! Ano pong naalala na ulit? Bakit po, nawala po ba memorya ni Prince? Ano po ba nangyari sa kanya?"
He lost his memory? Kaya ba he doesn't remember me kahit na nalaman na niya pangalan ko?
"Huh?! Hindi mo pa ba alam? Hala! Pasensya na iha, sana huwag mo na lang paalam na may nasabi ako sayo? Mapapagalitan ako nila sir, sorry huh? Pasensya na talaga!"
"Uy manang! Ano po yung sinasabi niyo? Paki paliwanag naman po oh? Manang!" Wala na, :( bigla na siya umalis. Ano ba yung sinasabi niya. Prince, ano ba nangyari sayo?
After 30 mins. timawag na ako ni Prince para kumain. Masarap ang luto niya! Ang dami ko nga nakain eh. Maya-maya lang ay dumating na ang parents ni Prince. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sila babatiin, kung tulad lang ng dati ay walang problema, very close ako sa kanila lalo na kay tita Cassy, parang second mom ko na siya. Pero ngayon na may nalaman ako, hindi ko na alam! Pwede ko bang banggitin na kilala ko na sila noon pa lang? Alam ba ni Prince ang condition niya, feeling ko, hindi eh, kasi kung alam niya yun siguro aalamin niya ang nakaraan niya, pipilitin niyang maalala yun!
"Good evening po Mrs. Sandoval." Yan na lang nasabi ko.
"Angela Gonzales???" Mukhang gulat na gulat si tita Cassy. Wala paring pinagbago si tita, ang ganda ganda pa rin niya! Mukhang artista!
"Hey Ivan. Oh ano nangyari sa mom mo at parang nakakita ng mul..... Angela??? Is that you???"Si Tito Danny din parang hindi man lang tumanda! Grabe talaga lahi nila!
"Mom? Dad? What's happening here? Do you know her?" Oh no! Hindi na talaga alam! Paano na toh?
"Of course we know her! She's the daughter of our business partners di ba?" Palusot ni tita Cassy
"You know what, let's eat na lang! Gutom na kami ng mommy mo eh. Manang padagdag na lang po ng dalawa pang plates dito. Salamat! So Angela, it's nice to finally meet you? How's your parents?"
"They're good naman po Tito."
Wala na masyado nagsalita after that maybe because it feels awkward for all of us. After dinner sinabi ni Tito Danny na siya na lang maghahatid sa akin. At first ayaw pa pumayag ni Prince pero kalaunan ay napapayag na rin ito nila tito.
"Bye Princess! Thanks for the day! I really enjoyed your company. Next time ulit? Sa EK naman para mas marami rides??"
"Yah, thanks din for kanina! Sa uulitin ulit! I also enjoyed kanina! Thank you!" ^_^
Bigla niya ako niyakap.
"Princess, di mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Maraming salamat huh! Sure ka ba na okay ka lang with dad taking you home?" Niyakap ko na lang din siya. We stayed like that for a while. Ang sarap talaga sa feeling!
"Ano ka ba! I'm fine with it. Mukhang di naman nangangain si Tito. Hehehe."
"Okay. You take care huh? Text kita mamaya, okay lang?"
BINABASA MO ANG
Help me get over you
Storie d'amorepaano ba makalimot? ganoon ba talaga kadaling kalimutan ang lahat ng napagdaan natin? ganoon ba talaga ako kadaling kalimutan? bakit ba kasi sayo pa nahulog? bakit ba ikaw pa ang minahal? Aahhhhhhhh!!! Ang hirap naman ng ganito? Makakabaliw! Nakakab...