-_9_- No Need To Answer

6 3 0
                                    


"No Need To Answer"

DAINE

Kanina pa ako hindi iniimikan ni Dash simula nung nagtanong sya kung bakit hindi ko suot yung kwintas na binigay nya sakin.

Syempre ayaw ko naman magsinungaling kaya sinabi ko ang totoo. Na tinapon ko sa basurahan pero hindi ko sinabi ang dahilan.

"Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalhating bobita eh. Syempre magagalit nga yun sayo! Binigyan ka nya ng kwintas tapos tinapon mo lang sa basurahan? Sira ka din kasi" ngalngal sakin ni Aya.

Oo kwinento ko sa kanya. Saka yung kung bakit kami magkasama kahapon sa mall.
Pero ang gaga kinilig lang sa kwento ko.

"Pero Daine? Balik natin yung usapan tungkol sa condoms. Ano nagamit nyo ba? Hindi naman kayo magkadugo kaya hindi yun makasalanan! Masarap ba?"

Binatukan ko nga sya. Gaga talaga.

"Baliw ka, syempre hindi! Pagkauwi sa bahay kinuha ko agad sa kanya. Tapos ayun, binigay ko kay manong guard! Ano ba naman kasi yang si tita at nabili ng ganun!"

Napatawa lang si Aya sa kalokohan ng mommy nya. Hindi man lang pinigilan mommy nya kahapon ah

"Syempre halata namang para sa kanila yun ng daddy ko! Ayaw pa kaya nila ako sundan kaya syempre kailangan ng ganung proteksyon! Ano gusto mo? Ipahid sa kumot?!!"

Napatakip nalang ako sa tainga ko dahil sa kadumihan ng bunganga ng babae nato. Sya naman tawa lang ng tawa sa kaberdehan nya.

"Pag hindi mo itinigil yang mga ganyan asahan mong lilipad palad ko papunta dyan sa bibig mo!"

Baliw talaga. May nalalaman pa syang ipapahid sa kumot?! Weird din talaga ng pamilya nito eh.

"Okay. Punta na tayo dun pinakang highlight ng interview ko sayo... Ang tanong. May gusto ka ba kay Dash?"

Diretsong tanong nya na nagpatuwid ng pagkakaupo ko.
Letseng babae to, san nya nakuha yang mga ganyang tanong?

"Gaga ka. Syepre wala! Kapatid ko yun diba? Saka may girlfriend nayun kaya hindi rin pwede!"

Sumilay naman ang kakaibang ngiti sa labi nya.

"Aya yang ngiti mo. Tigilan mo yan"

Pero tumawa lang sya sa banta ko.

"Ikaw ha? Oo lang o hindi ang sagot ang dami mo na agad explenasyon? Pero iba kasi nakikita ko sa mata mo eh. Saka maano naman kung mag stepbrother/sister kayo? Ang tanong, magkadugo ba kayo? Kasal lang ang magulang nyo pero hindi kayo blood related."

Inirapan ko nalang sya. Kung may isang bagay na pinakakaayawan ko kay Aya ay yung ugali nyang mapilit. Pag may speculations yan, hindi yan titigil hangga't hindi nya nakukumpirmang tama sya. Saka marami na ba yung explanations ko?

"kahit na. Kasal pa din ang mommy ko at daddy nya, ibigsabihin hindi pwedeng maging kami! Kaya yang iniisip mo, lagyan mo na nang tuldok. Wala kang aasahan"

May talent yata ako pagdating sa larangan ng kasinungalingan. Pwede nako panlaban dun.

"Ayan ka na naman sa pagiging defensive mo ah. Just because you two can't be together doesn't mean you you can't love him more than just a not related brother. Pero kung idol mo si pinocchio edi go, gawa ka ng sarili mong fansclub..."

Simaan ko naman sya ng tingin pero nakangiti lang ang baliw sakin.

"Pinagsasabi mo? Pati ba naman sagot ko na wala akong gusto sa kanya hindi mo na din maintindihan?"

Reckless Miracle [Indefinite Hiatus] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon