"Million Ways"
DAINE
Tama bang isuot ko itong kwintas na binigay nya sakin? Wala naman kasi syang sinabi na sakin nalang to, basta nalang nya kasing biglang nilagay sa kamay ko.
Nakailang beses pa akong nagisip bago napagdesisyonang itago nalang muna, maharip na kasi ang umasa, malay ko bang hinabilin nya lang to sakin tapos babawiin din sa araw ng anniversary nila.
Sabi nga ni Julia Roberts, I wish I was a little girl again, because skinned knees are easier to fix than broken hearts....
I didn't used to hate Dash for not loving me back, I do hate myself for not stop loving him instead.
Lumabas na ako at sakto namang nakita kong nakatayo si Dash sa harap ng kwarto ko.
"Kailangan mo?" bungad na tanong ko.
Inayos nya muna ang uniform nya bago tumingin sakin.
"Ikaw ang may kailangan sakin, sasabay ka sakin diba?"
Napangiti nalang ako sa kanya, kahit kailan talaga hindi ko maiwasang isiping may kailangan lang si Dash kaya ito lumalapit sakin.
"So tara?"
Hindi na sya sumagot. Nauna na syang bumaba sa hagdan kasunod ako.
"Si Aya ba talaga ang kasama mo kahapon?" tanong nya nang makaupo na ako sa backseat ng kotse nya.
Bakit naman nya biglang natanong? Anong gagawin nya kapag sinabi kong si Chaze ang kasama ko kahapon?
"Oo naman. B-bakit?"
Hindi ko maiwasang mag assume. Never pa naman kasi syang naging interesado sa kung sinong mga kasama ko.
"Pinagkatiwala ka sakin ni Dad at ng Mom mo, kapag merong nangyaring masama sayo konsensya ko pa" sagot nya habang nag da-drive.
So tinutupad nya lang pala yung bilin sa kanya?
Nakakatuwa sanang isipin na sumusunod sya sa bilin nina Mom, kaso sa tono ng pagkakasabi nya parang napipilitan lang sya.
"Kung ayaw mo naman talaga dapat hindi mo nalang sila sundin. Kaya ko naman ang sarili ko" sagot ko.
Ramdam kong pinabilis nya ang takbo ng kotse.
"Yeah, nakalimutan ko nga pa lang kaya mo ang sarili mo. Nagawa mo ngang paalisin yung tatlong lalaking sumusunod sayo diba? Nagawa mong iligtas ang sarili mo nung na hold-up ka, nagawa mong umuwi mag isa nung naligaw ka sa pag co-commute at higit sa lahat kaya mong matulog mag isa habang patay ang ilaw. Kayang kaya mo nga sarili mo" sarkastiko nyang sagot.
Tiningnan ko sya nang masama kahit hindi naman nya ako nakikita.
Gusto nya bang ipamukha sakin na ang laki ng utang na loob ko sa kanya?
"Sinasabi mo ba na kung hindi dahil sayo wala ako ngayon dito? Sorry ha ang laki kasi ng utang na loob ko sayo" sarkastiko ko ding saad sa kanya
Hindi naman porket mahal ko sya ay hindi ko na sya kayang sagot-sagutin. Hindi naman ako ganun katanga..... Hindi nga ba?.
Bigla nyang inihinto ang sasakyan sa may gasoline station bago pumaling sakin.
"You're only thinking the wrong things. You're so----"
Biglang kumunot ang noo nya nang mapatingin sya sa dibdib ko.
"H-huy! Wag ka ngang tumingin!" saad ko sabay harang ng dalawang braso ko sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Reckless Miracle [Indefinite Hiatus]
Teen Fiction-In a story when miracle turns into something reckless- A miracle that put everything in mess, Reckless Miracle All Rights Reserved © Renseuyaa2019 _Reckless Miracle_ Story Written By Renseuyaa "BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER"