Daine POV
"Ma'am Daine, pinapatawag na po kayo sa baba ng mommy nyo"
"Pakisabi na lang na susunod nako"
Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin..
I'm wearing a dark blue fitted backless dress na below the knee plus thin make up at curled hair.Bakit naman ang aga yata akong tawagin sa baba? eh ang alam ko meron pang 1 hour and 30 minutes bago magsimula ang party ni mommy.
Nag text muna ako kay Aya at Michael na kita na lang kami mamaya...
Kaunti lang naman ang friends ko, dalawa lang sila kaya sila lang ang in-invite ko bukod kay Chaze.
Nag lalakad nako sa hallway sa labas ng kwarto ko ng biglang may humawak sa braso ko na sya namang halos ikatalon ko sa gulat.
"What the-------"
Pag lingon ko sa humila sakin eh halos natameme ako... Simple lang naman ang suot nya pero bakit ang lakas ng dating? I hate him for being effortless with strong presence.
"D-Dash?"
Pangalan na lang nya ang tanging nasambit ko dahil parang nawalan ako ng kaluluwa sa sobrang lapit nya sakin tapos idagdag mo pa yung manly scent nya, sinong hindi panlalambutan ng tuhod kung ganito yung kaharap mo???
He's wearing a Dark blue long sleeve and white V-neck underneath..... T-teka, nag usap ba kami ng kulay na susuotin?
"I like you wearing the same color with me but as your only guy, I wouldn't allowed you to exposed your back.. Ayaw kong makapatay kapag may ibang tumitingin sa likod mo"
Bumalik ako sa katinuan ko ng bigla nya akong hilahin papasok sa loob ng kwarto ko.....
"T-teka lang Dash! A-anong gagawin natin dito?! Hinahanap na ako sa baba!!"
Sigaw ko sa kanya kaso pinag taasan nya lang ako ng kilay"So? Hindi kita papayagang umalis sa kwartong ito hangga't hindi mo inaayos yang suot mo.. Just to remind you, every part of you belongs to my name, I'm taking the liberty of you woman"
Saka nya lang ako binitawan nung nasa harap na kami ng walk in closet ko
Napa face palm na lang ako sa sinabi nya..
Jusko, hindi ko talaga kayang tagalan ang mga salitain ng isang ito."For pete's sake Dash! Kalhati lang ng likod ko ang kita! Walang mambabastos sakin!"
Pero parang wala lang syang nakinig dahil dirediretso lang sya sa pag lalakad papunta sa pinto
"So? kahit kalhati lang yan, still kita pa rin.. I hate it when random guys starring at you like a stupid fuc---- damn-up!"
Kung sa ibang sitwasyon matatawa na lang ako dahil hindi ayaw nya pa rin sambitin ang salitang 'f*ck' kaso hindi eh... Naiinis na naman ako sa kanya ngayon..
"Palabasin mo na ako Dash"
Sinubukan ko talagang palamigin ang boses ko pero katulad lang ng kanina. Wala pa rin talab.. Kainis!Presko lang syang sumandal sa likod ng pinto na para namang mabubukasan ko.. Naka cross arms pa ang loko na parang walang kinulong dito sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Reckless Miracle [Indefinite Hiatus]
Teen Fiction-In a story when miracle turns into something reckless- A miracle that put everything in mess, Reckless Miracle All Rights Reserved © Renseuyaa2019 _Reckless Miracle_ Story Written By Renseuyaa "BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER"