-_10_- Audition. Part 1 Of 2

8 3 0
                                    

"Audition. Part 1 of 2"


DAINE




Tila naman parang luluwa ang mata ni Aya nang matapos akong magkwento.

Parang hindi pa makapaniwala ang gaga. Maging ang sarili ko din naman, ang hirap kumbinsihin na totoo nga.

"Wala man lang nabanggit si Chaze sakin na may balak palang manligaw ang ulupong! Tapos nagalit pa si KUYA mo? Waaahh! Hindi kaya nag seselos ang KUYA MO???"

Inirapan ko nalang sya. Talagang in-emphasize pa yung salitang kuya ah.

"Sira ka talaga. Hindi naman sa ganun yun. Ibinilin lang ako sa kanya nang tatay nya kaya over protective lang yun sakin. Kung ano ano iniisip mo dyan"

Nagkibit balikat lang sya.

"Eh paano nga kung nag seselos?"

Babatukan ko sana sya pero agad syang nakaiwas kaya sinamaan ko nalang sya ng tingin.

"Magtigil ka nga dyan. Mag kapatid kami"

This time sya naman ang umirap sakin

"Magkapatid nga pero hindi naman mag kadugo. So undoubtedly, walang masama kung---"

Hindi ko na sya pinatapos kasi agad ko na syang binatukan na ikina angal naman nya.

Kung ano ano kasi sinasabi. Buti sana kung totoong nag seselos kaso hindi eh, kung baga protective lang sya at strikto sa kapatid.



"Speaking of the jealousy, here comes your BROTHER. Pero in fairness ah, bagay sa kanya ang itim na buhok"

Agad akong napalingon sa tinitingnan nya. Tama nga sya, si Dash nga. Nag lalakad papunta dito sa gawi namin sa may science garden.

Teka, dito ba talaga ang punta nya? O baka naman dadaan lang dito?

Pero nasagot yung latter part ng huminto sya sa tapat namin.

Nakapamulsa lang syang nakatayo with his usual face.

Ang sarap din talaga banatin ng mukha nito para naman ngumiti kahit papaano. Akala mo kasi laging may kaaway eh.

Si Aya naman nawala ang ngiti nang pasadahan sya ng tingin ni Dash.

Mukhang nakaramdam naman si Aya kaya agad itong tumayo.

"Ahmm. Daine? Mamayang lunch nalang ah? Hintayin din kita mamayang hapon, sasamahan kita mag audition"

Tumango nalang ako sa kanya. Mamaya na nga pala yung audition para sa play. Sana naman hindi ko mapahiya ang sarili ko mamaya.

"Ano kailangan mo?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay inirapan nya lang ako.

"Maghapon kang sasama sakin. Dumikit kalang sakin para hindi ka malapitan ng gago nayun"

Naguluhan naman akong tumingin sa kanya.

Mukhang nahalata nyang hindi ko na get kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Lunkheaded. Tsk. Ako ang kasama mo maghapon o kahit sa susunod pang araw. Kapag ako ang kasama mo, hindi ka maliligawan ng lintik na Chaze nayun. Naiintindihan mo ba ako Daine?"

Daig pa nyang tatay ko kung pangaralan ako ah.

"Bakit ba ayaw mo?! Nag seselos ka ba?"

Reckless Miracle [Indefinite Hiatus] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon