"Strawberry Flavor"
DAINE"Teka nga, saan ba tayo pupunta?" kunot noo kong tanong sa driver ko.... Alam nyo na kung sinong tinutukoy ko, yung pulang ulo dyan.
Akala ko kasi diretso bahay ang uwi namin after school, pero mukhang may pupuntahan pa yata ang isang ito.
"Tell me, anong itsura ko sa pulang buhok ko?"
Tanong nya pa na nakatingin sakin sa rear mirror.Bakit naman nya bigla natanong? Hindi ba nya alam na ang hawt hawt nya sa pulang buhok nya? Hindi sya nag mumukhang feeling kpop sa buhok nya tulad ng iba. Mukha talaga syang kpop.
"sobrang tagal nang kulay pula ang buhok mo tapos nagtatanong ka pa? Kailan ka ba nag pa-pula ng buhok? Kahapon lang ba? May malaking salamin sa kwarto mo diba?" sarkastiko kong sagot.
Ayaw ko lang kasi sabihin na nate-tempt ako dahil sa buhok nya. Mahirap na baka lumaki ulo nito. Yung ulo mismo ha, hindi yung second head.
"Sasagot ka o sasagot ka?"
Saad nya na ang sama ng tingin sakin sa rear mirror."Bakit mo ba tinatanong?" inis na sagot ko
"Eh bakit kasi hindi mo nalang sagutin?!" sigaw naman nya.
Tingnan mo itong isang ito, ang taray talaga kahit kailan.
Lagi nalang pagalit magsalita.
Hindi ba nya ako kayang kausapin ng sweet at malambing katulad nang ginagawa nya sa girlfriend nya? Lagi nalang kasing bulkang puputok eh."Fine! I'm just stuck in dilemma!"
Kunot noo ko naman syang tiningnan kahit alam kong hindi sya nakatingin sakin. Nang da-drive nga kasi. Alam nyo naman yan, takot lang yan na masira ang future naming dalawa! Hayaan nyo na akong magmakapal! Minsan lang naman. Minsang nga lang ba?
"Ano namang kaartehan yan?" tanong ko.
Hinampas nya ng malakas yung manibela dahil sa sinabi ko. Pikon agad si taray. Kaya minsan ang sarap nito asarin eh, ang babaw ng inis sa katawan.
"damn you! Sabihin mo nalang kung anong itsura ko sa pulang buhok ko!"
Huminga ako ng malalim, hindi matatapos ang bangayan nato hanggat hindi nangyayare ang gusto nyang marinig.
"Okay! You look fine with your red hair! Period!"
Sagot ko na pasigaw.He just 'tsk' hindi yata kuntento sa sagot ko.
"God Daine! Try to be more detailed! Elaborate your answer!"
Napakamkot nalang ako sa ulo ko. Ano sya teacher tas ako estudyante na kailangan mag report sa kanya? May time talaga na nagiging maarte at makulit ang behavior ng isang ito.
"Bakit nga ba kasi!" aniya ko.
"F*ck!!" sigaw nya sabay kamot sa pula nyang buhok.
Oh ayan nag mura na nga sya. Susubukan ko maging honest, baka mamaya sipain ako nito palabas... I mean, baka halikan ako nito palabas ng kotse nya...
Neknek mo Daine, wag ka na umasa. Naka reserved na labi nyan!"Okay. You look good... I mean, you're so unique with your own hair color"
Tama naman eh, kakaiba sya sa paningin ko hindi dahil sa nararamdaman ko sa kanya, sya pa lang kasi ang nakikita kong may pulang buhok. Exotic na sya kungbaga, exotic na sya kaya mahirap na makahanap ng tulad nyang maysapak at maarte.
"Sa ganyang buhok na kita nakilala, nasanay nako sa kakaibang kulay ng buhok mo. Kaya sa tingin ko pag nagpalit kapa ng kulay ng buhok, para sakin hindi na ikaw si Monteharra na kapatid ko. Gwapo ka at kakaiba sa pulang buhok mo"
Saad ko ng hindi nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reckless Miracle [Indefinite Hiatus]
Novela Juvenil-In a story when miracle turns into something reckless- A miracle that put everything in mess, Reckless Miracle All Rights Reserved © Renseuyaa2019 _Reckless Miracle_ Story Written By Renseuyaa "BOOK COVER IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER"