-_14_- A Day With Chaze

6 3 0
                                    

"A Day With Chaze"

DAINE POV

"Sige na anak, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin samin ng tatay mo"

Humugot ako ng hininga, paano kung hindi sila pumayag? Napaka nega ko mag isip eh hindi ko pa naman nasasabi.

"Is it Good news or Bad news?"
Tanong naman ni Tatay.. Ka video call ko silang dalawa. Nandito lang ako sa kwarto ko at inuubos ang oras ko dito. Wala naman kasi akong gagawin o pupuntahan. Mabuti nga't may time pa sina tatay na makipag usap sakin. Mga mid 2:30 palang kasi ng madaling araw sa kanila. Samantalang dito sa Pilipinas ay mid 8:30am na.

Bumuntong hininga ulit ako.
Relax lang self, kung magalit man sila sayo lalo na si Tatay, pwedeng pwede mong pindutin yung end button, nasa Manila ka at nasa Luxembourg sila kaya makakatakas ka sa upcoming homily nila sayo.

"May nang liligaw na po sakin. Mom, Tay? Nasasa inyo na yun kung goodnews po ba or badnews"

Pakiramdam ko may kung anong nagda-drums sa dibdib ko.

Hindi ko naman kasi pwedeng balewalain yung mga effort ni Chaze. Ramdam kong seryoso sya kaya bakit ko naman ipag dadamot sa kanya yung chance na hinihingi nya? At ang unang hakbang dun ay ang magpaalam sa magulang ko tungkol sa bagay nayun.

Ilang sandali pa silang nagtitigan bago humarap sakin ng may ngiti.

"Daine anak, bakit naman magiging badnews samin ng Mommy mo ang kasiyahan mo? It's your choice anyway. We're just your parents who always here to give you support and give you advice about random things.."
Nakangiting sagot ni Tatay, hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti dahil alam kong payag sya, sila.

"Tama ang Tatay mo anak. Actually, masaya pa nga kami because finally, may nanliligaw na sayo... You're now a lady, hindi ka na bata kaya alam namin ng Tatay mo na dadating araw na'to na magpapaalam ka samin about sa bagay na yan. Pero anak, paalala lang ha? Alam mo naman siguro na hindi ka pa handa para sa next level, kaya hangga't maaari, hanggang boyfriend lang anak ah?"

"Ma, nanliligaw pa nga lang yung tao, hindi ko pa boyfriend kaya wag kayo dyan mag alala. Saka alam ko naman po yung bagay nayun"

Napatawa nalang sila saka biglang inakbayan ni Tatay si Mom.

"By the way, what the name of that guy? We want to meet him soon. Para makilatis kung pasado ba sa standards ni Dash saka samin ng Mom mo"

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Tatay...
Saka kung pasado ba sa standards ni Dash?
Paanong papasa eh ayaw nga nun na mag paligaw ako kay Chaze. Speaking of that guy, hindi pa sya umuuwi simula kagabi. Masama yata ang loob sakin dahil sa pag sampal ko sa kanya... Somehow, I felt guilt for what I did.

"I want it as a secret. Gusto kong sya ang magpakilala mismo sa sarili nya pag nagkita na kayo soon"

Napailing nalang si Tatay.

"Hindi na yun soon anak. Kasi hindi magtatagal ay uuwi na agad kami dyan"

Uuwi na agad sila? Akala ko ba magtatagal sila sa Luxembourg dahil dun sa big project ng company nila? Ang bilis naman yata, mag iisang buwan pa lang kasi since nung umalis sila..

"And it is because of a very important good news... Hindi lang ikaw anak ang may magandang balita, kami din ng Tatay mo. Gusto sana namin ng Tatay mo na sabihin nalang yun kapag nandyan na kami para surprise kaso atat na atat na kami eh. So tawagin mo si Dash, gusto ko parehas nyo na agad marinig"

Bakas ang kasiyahan sa mukha nila.. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba. Ano ba kasing goodnews yan at halatang halata na hindi na sila makapaghintay na ma voice out?

Reckless Miracle [Indefinite Hiatus] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon