-_17_- Fall For You

8 3 0
                                    

"Fall For You"

DAINE POV


"Sebastian?"

"What is all this?"

"err....... It's just my....... Collection"

"Oh, I see Hmmmm, your collection... If your father knew about this"

"You're not gonna tell him... Are you?"

"oh please.. Sebastian.. He would never understand"

"Ariel, down here is your home! The human world? It's a mess! Life under the sea is much better than anything they got up there!"

Wag kayong ano dyan...

Hindi yan ang drama namin.. Nanonood lang ako ng My Little Mermaid, pampatay ng oras...

Pag kauwi namin kanina, ayun hindi na ako nakatulog dahil sa nangyare so nag decide nalang ako na manood ng kung ano ano..

Tagumay ang ginawa ko kanina, yun ay kung ang pag babasehan ay ang pag kuha ng mga gamit ko.. Pero yung part na walang makapansin sakin? The hell! Yun na nga ang dahilan kung bakit hindi ako bisitahin ng antok ngayong madaling araw! Great diba?

Gusto nyo bang malaman kung anong nangyare? Well I guess meron na din naman kayong hinala kung sino ang nakapansin sakin.

Yung akala kong pipigilan nya ako at mag pupumilit sya na kausapin ko sya?
Ang layo sa inaasahan ko ang nangyare...

*Flashback*

Halos maka limang sign of the cross nako, naka ilang tawag nadin ako sa kung sino mang mga santong nasapaligid ko na sana walang magising dahil sa nabasag kong vase...

Balak ko na sanang mag back out sa gagawin ko nang maalala kong sound proof nga pala lahat ng rooms dito sa mansion. Saka isa pa, si Dash lang naman ang mag isang tao dito sa taas na natutulog. Yung maids quarter kasi nakabukod sa mansion....

Nakahinga naman ako ng maluwag, kahit papaano swerte parin pala talaga ako ngayon diba?

So ayun, let's continue the kapa-kapa scene. Nag patuloy na ulit ako sa pangangapa sa dilim, syempre sinamahan ko din ng dasal na sana walang white lady na sumulpot sa dadaanan ko. Mahirap na, baka matibo pa sya ganda ko.....

Hayaan nyo na akong maging assuming ha? Baka kasi ito na ang last chance ko para mangarap..

So ayun, I reach the fifth door, pang limang kwarto na'to. Pinihit ko yung door knob pero naka lock pala.. So ayun napag alaman kong guest room nga pala ito at sa sunod pang room ang kwarto ni kurimaw.. Adik ko diba? Adik sa pag mamahal sa hinayupak nayun..

So ito na nga po mga kapwa ko umaasa, nakapa ko na po ang pang limang pinto.. Nasa tapat na nga po ako ng kwarto ni Dash.

For nth times, nag sign of the cross ulit ako saka humugot ng malalim na hininga at sinamahan ko pa ng taimtim na panalangin na sana po ay hindi nakalock ang kwarto ng gago

From >____< to ^_____^

Ganyan po ang naging reaksyon ko mga kapwa ko umaasa. Imagine nyo nalang na pang Ms. Universe ang mukha nayan okay?

So ayun na nga po, good news dahil hindi po naka lock ang kwarto nya... Pero yung good news po napalitan ng bad news dahil halos patay din ang ilaw sa loob ng kwarto nya

From >_____< to ^______^ to =____=

Ayos diba? Paano ko nyan mahahanap ang susi na nasa loob ng kwarto nya? Ang angas diba? Alangan naman kasing buksan ko ang ilaw edi nagising naman ang natutulog na si Dashiell diba? Kahit papaano naman may isip din ako noh!

Reckless Miracle [Indefinite Hiatus] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon