-_11_- Audition. Part 2 of 2

6 4 0
                                    

"Audition. Part 2 of 2"

DAINE POV

"Next!"

Napahinga ako ng malalim. Kinakabahan ako. Tatlo nalang at ako naman ang sasalang.

Ang tanging hiling ko lang ay hindi ako mapahiya sa unahan. Madalas pa naman akong kapitan ng kahihiyan kapag haharap ako sa maraming tao.

"Oh ayan na Daine oh, papalapit na masugid mong manliligaw"

Napatingin ako sa tinitingnan ni Aya.

Ang nakangiting si Chaze na naglalakad patungo dito sa gawi namin ang una kong nakita.

May sumasalang na sa unahan kaya bakit wala sya dun?

"Bakit ka umalis dun? Ikaw ang director diba?"
Bungad na tanong ko ng makarating siya sa harap ko.

Nginusuan nya lang ako saka sinamangutan.

"Pwede ba Niell? Masyado kang trying hard mag pa-cute. May pa nguso nguso kapa dyan sa harap ni Avery-Girl, akala mo kina-cute mo? Baliw, nag mumukha kalang baboy"

Sinamaan naman agad sya ng tingin ni Chaze. Ang straight forward naman kasi kung magsalita ni Aya.

Saka hindi naman kaya nag mukhang baboy si Chaze, masyado lang mapangasar si Aya sa pinsan nya.
Besides, I find it cute when he do pouting... Hanu daw?

"Alam mo, sabihin mo nalang kung ayaw mo sakin para sa kaibigan mo hindi yung sisirain mo moment namin, get mo?" taas kilay na saad ni Chaze kay Aya.

"Tss. Whatever Portalejo"

Bumaling naman ang tingin nya sakin.

"Tulad nga ng sabi mo ako ang director. Kaya may karapatan akong mag pahinga kung gusto ko. Kaya ayan, lumalapit ako sa stress reliever ko. God Daine! Makita lang kita nawawala sa bakabuleryo ko ang salitang pagod!" saad nya sakin na may kasama pang pag kindat.

Sa halip kiligin, napatawa nalang kami ni Aya.

"May nakakatawa ba?" kunot noo nyang tanong.
So hindi pala sya aware sa pronunciation nya?

"Portalejo, kung gusto mong mag pakilig kay Daine, make sure hindi mali mali ang pronunciation mo. Sa halip kasi na nag mumukha kang kakilig kilig, nag mumukha kalang katanga tanga" kumento ni Aya sabay tawa pa.

Hinampas ko naman sya sa balikat. Grabe kasi kung mag salita eh.

"Aya watch your words. Nakakasakit kana"

Sa halip na mag sorry, inirapan nya lang ako.

"Duh! As if I can watch my words. If ever I can, kanina pa akong kumakain ng pop corn. Tss"

Hindi ko na sya pinansin. Mabobobo lang utak ko sa mga sagot na lumalabas sa dila ng isang yan.

Binaling ko nalang ang tingin ko kay Chaze na nakatayo pa din. Nakasandal sya sa wall sa tabi ko na ang lawak ng ngiti sakin.

"F*ck Daine? Pinagtatanggol moko? It's a damn triumphant! Your giving me tingling sensation baby"
Masiglang saad nya na may pagkagat pa sa ibabang labi nya, pinipigilan siguro ang pag ngiti kaya ayun, napangiti na din ako. Cute kasi nya tingnan.

"T*ngn*ng OA nito"
Iiling iling na bulong ni Aya. Hindi ko nalang sya pinansin, masyado kasing madaming nasasabi eh.

"Chaze, bokabularyo yun hindi bakabuleryo"
Natatawang pagtatama ko sa sinabi nya kanina.

Reckless Miracle [Indefinite Hiatus] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon