"Mahal mo pa?" Tanong sakin ng kaibigan namin. Tumingin ako sakanya.
"Oo." Pareho silang nagulat sa sagot ko. Sino nga ba ang hindi magugulat sa isang taong walang kayo tapos malalaman mo mahal ka pa pala.
"Bakit hindi mo binalikan?" Tanong ng kaibigan namin habang nakatingin sakin si Jema.
"Bakit may babalikan pa ba ako?" Biro ko sakanila pero maling biro ata ang nasabi ko dahil sineryoso nila ang tanong ko.
"Ano jema? May baba---"
"Joke lang! Huy! Joke lang di kayo mabiro. Alam ko namang wala na kong babalikan. Joke lang kasi yun!" Sabat ko sa sasabihin ng friend namin.
"Nakakainis kayo. Sige eto na. Totoo na to. Joke lang kasi yung kanina e." Reklamo ko habang nakatingin lang sila sakin.
"Ano nga ulit yung tanong?" Bakit kasi ang seryoso ng topic namin?
"Kung mahal mo pa pala, bakit hindi mo binalikan?" Tanong niya ulit sakin.
"Oo mahal ko pa siya. Ganon naman siguro, hindi naman siguro mawawala yung pagmamahal mo sa taong minahal mo noon ng sobra. Oo, mahal ko pa siya pero hindi na tulad ng dati. Mahal ko pa siya pero mas mahal ko na yung sarili ko." Walang nagbalak magsalita pagkatigil ko.
"Mahal ko siya pero tanggap ko na, na matagal na kaming wala. Tanggap ko na, na sa iba na niya mahahanap yung happiness niya. Tanggap ko na, na wala na kong babalikan." Pagpapatuloy ko sa sinabi ko. nakangiting ako habang sinasabi yun habang nakatingin sakanila.
"Masaya ako sa totoo lang. Masaya ako na nagiging successful ka na. Masaya ako knowing na masaya ka." Ganito pala yung pakiramdam na handa ka ng harapin at kalimutan ang nakaraan. Handa ka ng palayain ang lahat.
"gusto kitang yakapin." Umiwas ako ng tingin.
"Wag na. Okay na, na ganito tayo. Yung dyan ka at dito ako. Yung malayo ka physically. Nakakatakot kasi kapag niyakap mo ko baka bumalik yung pagmamahal ko sayo na akala ko wala na. Kaya wag na." Tumahimik ang paligid. Walang gustong magsalita.
"Paano kapag mahal pa rin kita?" Umiling ako. Ayokong sumagot. Ayokong magsalita. Ayokong marinig yung mga sasabihin niya dahil handa na ko. Handa na kong bitawan ang nakaraan. Handa na kong isara ang libro naming dalawa.
"Huy Deanna, okay ka lang?" Nabalik sa kasalukuyan ang diwa ko. Maang na napatingin ako kay ponggay. Last week nangyari yung pag uusap na yun. Close kami noon ni jema, nagbiruan kami na maging kami na pure lokohan lang. Ang hindi namin inaasahan pareho na pala namin sineseryoso ang isa't isa hanggang sa pareho na kaming nasasakal kaya yung relasyon namin na nagsimula sa lokohan ay natapos sa sakitan, pareho kaming nasaktan kaya inend na namin.
Malay ko bang kasama pala namin siya dito sa resort. Siguro sila ate bea nag invite sakanya dahil naging close na rin sila nung mga panahon na kami pa ni Jema.
"Deanna!" Niyugyog na ko ni ponggay kaya nainis ako.
"Ano ba ponggay!?" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. Ang sakit na nga ng ulo ko sa hang over tapos hihiluhin pa ko. Umupo nalang siya sa tabi ko tsaka nagcellphone.
Kanina nung pumunta si ate maddie sa kwarto na pinagtulugan namin ni jema, hindi ko matandaan kung tulog lang talaga ginawa namin. Fuck this hang over! Yun nga, ng sinabi naming wala kaming maalala pareho ay nilayasan niya kami ni jema sa kwarto. Ang resulta pareho kaming clueless sa nangyari.
"Huy Deanna! Malamig na yang kape mo. Kapag may hang over ba talaga natutulala?" Nagtatakang tanong sakin ni ponggay. Ang daldal! Gusto ko ng tahimik lang, nasakit ang ulo ko lalo.
"Ano ba kasing nangyari kagabi?" Napatingin ako sa gawi nila Jema at ate jho kakapasok lang nila dito sa bahay na nirerent namin, halatang kinukulit niya si ate jho. Napatingin naman sakin si ate jho sabay ngisi. Tsk! Napatingin rin tuloy sakin si Jema. Binaling ko nalang sa dagat ang tingin ko. Mas maganda tong tignan, nakakawala ng hang over.
"Bakit ba ako kinukulit mo jema? Itanong mo kila Maddie sila ni Kim yung naghatid sainyo e." Hindi naman ako nakikinig pero kasi ang ingay nila kaya di ko maiwasang marinig. Wala talaga akong maalala na hinatid kami. Huling alala ko etong katabi ko ang kasama ko kagabi at iniiwasan naming magdikit ni jema.
"Bakit ka kasi naglasing ng sobra kagabi? porque may nalapit kay jema, tuloy tuloy inom mo." Bulong sakin ni ponggay. Kaya napakunot ang noo ko bago bumaling sakanya.
"Sino nalapit sakanya?" Nakita ko naman ang mapang asar na ngisi ni ponggay. Nilayasan ko na sana to kung hindi lang ako interesado malaman.
"Si Martin yung pinsan ni ate bea. Halos mapatay mo na nga ata sila sa tingin mo kagabi. Tapos nung nalasing ka nakipagflirt ka sa kaibigan ni ate Kim." Naiinis ako sa pambibitin nito ni ponggay may pataas taas pa ng kilay sakin habang nakangiti na paloko.
"Ano next? Ayaw ituloy tuloy e." Reklamo ko na tinawanan lang niya kaya napansin kong napunta samin ang atensyon ng mga tao dito sa bahay. Agaw atensyon talaga to si ponggay.
"Anong nakakatawa? Magshare naman oh." Parinig ni ate bea habang nasa sofa siya at nakatanaw samin dito sa upuan malapit sa bintana.
"Ate bea tara dito! Nagkwekwento ako dito kay Deanna, tawang tawa ako nung nakikipagflirt siya sa kaibigan ni ate Kim." Sabi niya habang tumatawa lalo namang napakunot ang noo ko, naguguluhan ako. Nakita kong papunta na dito samin si ate bea habang na samin pa rin ang atensyon ng lahat. Napansin kong tinuturo kami ni ate jho kay jema.
"Dun ka na, makinig ka sa kwento ni ponggay baka sakaling masagot ang mga tanong mo sakin." Tulak ni ate jho kay jema papunta samin. Bago pa man makarating dito si ate bea at pinuntahan niya muna si jema tsaka hinigit papunta samin. Patay tayo dyan! Mga hindi ba sila makaramdam na ang awkward saming dalawa. Mga walang puso!
"Game na ponggay!" Sabi ni ate bea. Bali ako, si ponggay, si jema, at si ate bea ang nasa kabilang dulo.
"Ready na ba kayong dalawa?" Baling niya samin ni Jema.