13

1.9K 94 6
                                    

Lumipas ang mga araw na patuloy na may nagpapadala ng mga bulaklak sakin every training. Madalas na ring tumatambay sa apartment ko si Deanna kaya lagi niya kong nakikitang may uwing mga bulaklak.




Wala naman siyang tinatanong about dun. Sana lang ngayong araw ay wag muna magpadala kung sino man yang A na yan dahil kasalukuyang nanonood ng training namin si Deanna.

Nagstart kami magtraining ng 3pm, mga 4pm dumating dito si Deanna. Mamayang 5pm ang end ng training namin, ilang sandali nalang.









"Hi Deans, kamusta?" Rinig kong bati ni ate Ly kay Deanna. Kakatapos lang ng training namin.


"Okay lang te ly. Pagod?" Nakangiting sagot ni Deanna sa ate niya.





"Lagi naman. Sanay na. Laging patayan ang training." Rinig kong sagot ni ate Ly. Magkakasama na sila nila Jia na nagkwekwentuhan habang ako nakatanaw sakanila. Nandito pa rin ako sa court habang nasa bench sila.







"May naghihintay sayo sa labas. Yung admirer mo ata yun." Bulong sakin ni kyla kaya nawala ang atensyon ko kila wong, nabaling kay kyla na nasa tabi ko.




"Anong gagawin ko? Nandito si Deanna." Pupuntahan ko ba yung guy? Pano kapag nakita yun ni Deanna? Sabi ko sa fan lang galing yung mga flowers e.






"Puntahan mo na kung ayaw mong makita yun ni Deanna. Habang kinakausap pa siya nila ate Ly." Sabi ni Kyla. Nag aalangan man ay naglakad na ko palabas ng gym, sandali lang to kakausapin ko lang kung sino man tong admirer na to.




May naabutan akong lalaking may hawak ng bouquet of roses. Ngumiti siya ng makita niya ko.

"Hmm Hi! For you." Sabi niya habang inaabot sakin ang mga bulaklak.


"Ay sorry. Papakilala muna pala ako. Hi Jema. I'm Alvin Rayveen Sebastian but you can call me rayveen. And this flower is for you. Sorry if ngayon lang ako nagkalakas ng loob para humarap sayo." Sabi niya sabay abot ulit ng bulaklak na hawak niya.






"Hmm. Thanks Rayveen." Sabi ko pagkuha ko ng bulaklak. Nakakabastos naman siguro kung tatarayan ko siya o irereject ko yung mga bulaklak na inaabot niya.




"Hi Deans!" Bigla akong kinabahan ng marinig ko kung sino ang binati ni Rayveen. Nasa likuran ko ang tingin niya habang nakangiti.





"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Deanna pagsulpot sa tabi ko. Magkakilala sila?








"Nagpapakilala lang kay idol Jema." Sabi niya na parang nahihiyang tumingin sakin.



"Tsaka ano. Jema baka pwedeng ano. Baka pwedeng yayain kitang magdinner ngayon?" Kitang kita ko ang pamumula niya. Siguro sa hiya. Pero hindi dun yung buong atensyon ko dahil nandito sa katabi ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako sa iniisip at nararamdam ni Deanna ngayon.







Naabutan na kami ng mga teammates ko na lumalabas na ngayon. Mga ayos na rin sila. Ako nalang ang di pa nakakapagquick shower at nakakaayos ng gamit.




"Ay may pabulaklak ulit para kay Mare." Sabi ni Celine.

"Araw araw na yan ha." Dagdag ni bravo.



"Ikaw padala bulaklak?" Tanong naman ni Sato habang nakaturo kay Rayveen. Nahihiyang umoo naman si Rayveen.







"Ate Ji! San ka punta?" Tanong ni Deanna kay jia paglabas ni jia sa gym.





"Ay! May paflowers ulit." Comment ni Jia sa hawak ko.


"Uuwi na ko Deans. Bakit?" Baling naman ni Jia kay Deanna.





"Sabay na ko te." Nakangiting sagot ni Wong. Gusto kong magsalita at pigilan siya kaso. Hindi ko alam.





"Baliw kang bata ka. Nagcommute ka lang papunta dito?" Sagot ni Jia kay Deanna. Agad naman lumapit si Deanna kay jia at umakbay.




"Coding kasi ako ate. Akin na yang dala mo. Tara na!" Natatawang sabi ni Deanna sabay kuha ng dala ni Jia na sport bag tsaka sila naglakad paalis. Shit!







"Hmm Jema?" Napabaling ulit ako kay Rayveen at sa bulaklak na hawak ko.







"Sorry, pagod ako gusto ko ng umuwi e. Tsaka kung okay lang sana wag ka ng magpadala ng bulaklak. Magiging flower shop na apartment ko e." Sabi ko sakanya. Nakita ko namang parang nasaktan siya sa sinabi ko.





"Hmm ano nalang. Pwedeng hatid nalang kita? Pagod ka na, kaya I insist ako na maghahatid sayo." Nakangiting sabi niya pagkarecover niya sa sinabi ko.





"Wag na, kaya ko pa naman. Tsaka may kotse akong dala. Sige kunin ko pa gamit ko sa loob e." Pagpapaalam ko sakanya.

"Salamat ulit." Tukoy ko sa bulaklak na bigay niya bago ako pumasok ulit ng gym para ayusin ang mga gamit ko. Sa apartment nalang ako magshoshower.












Umupo muna ako dito sa bench pag ayos ko ng mga gamit ko. Gusto kong umiyak, bakit kasi ang sakit? Shit naman wong!




Tama bang iwan ako agad?



Balak mo bang ipamigay ako?




Ano? Okay lang sayo na may ibang nagkakagusto sakin?


Kasi kung sayo may ibang nagkakagusto hindi ko kaya! Kasi gusto ko, ako lang! Gusto ko, akin ka lang!








"Gago ka! Ang sakit sakit!" Bulong ko. Di ko na napigilan umiyak. Mag isa lang naman ako so okay lang ilabas ko to.




"Bakit kasi ikaw pa rin hanggang ngayon? Lord, kung wala na talagang chance please, please tulungan niyo kong ilet go na siya."










- - -
A/N: share ko lang, nagsusulat ako ng story tuwing nasasaktan ako o boring ako. Pero more on tuwing nakakaramdam ako ng pain. ✌

No titleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon