Jema's POV
'Baby'
"Huy mareng Jema! Tulala ha." Napabaling ang tingin ko kay kyla. Libero namin. Kakatapos lang ng training namin. Nagsnack lang kami now dito sa apartment habang nagmomovie marathon.
Kakarecieve ko lang ng message ni Deanna. Kapag tinatawag niya kong 'baby' matik may kailangan yan sakin. Baka naghahanap na naman ng affection pero kapag di niya ko kailangan walang paramdam yan. Tanga ba?
"Ay! Nagtext pala si baby." Sabi niya pagsilip sa phone ko.
"Nako jema. Ayaw mo pangreplyan? Ayaw niyang pinaghihintay siya di ba?" Napabuntong hininga naman ako bago bitawan ang phone ko at pumikit. Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko. Habang si kyla ay nakaupo na nanonood.
Noong one week palang yung deal namin may situation na hindi ko agad siya nareplyan kaya nainis siya sakin. Hindi siya nagrereply sa mga message ko. Hindi siya nasagot sa mga tawag ko. Pinuntahan ko siya sa dorm nila hindi niya ko nilabas, hindi siya nagpakita.
Ngayon ay isang buwan na simula ng deal namin.
Kapag siya may kailangan andyan siya agad. Ang sweet niya. Ang bait niya. Pero kapag ako naman kailangan ko siya, wala siya. Ang dami niyang excuses sakin. Sabi niya kapag gusto ko rin ng affection sabihin ko lang sakanya, na andyan siya para sakin dahil yun ang deal namin. Pero bakit ganon? Sa limang yaya ko ata sakanya isang beses lang siya pumayag.
Nakapaunfair naman nun wong.
Punyeta naman oh! Pinaglalaruan mo lang talaga ako. Bakit ba kita hinahayaan?
"Shh. Naman kasi e. Bitawan mo na kasi yang si bata." Sabi ni kyla habang tinatap ang shoulder ko.
Shit naman kasi tong luhang to. Di na naman mapigilan.
Tanda ko pa nung umiyak ako kasi puro na naman excuses sakin si wong, yun yung last time ko siyang niyaya, e kailangan ko siya nun. Three days ago lang yun. Kailangan ko ng taong masasandalan. Kailangan ko siya dahil napagalitan ako ng coaching staff sobrang bigat sakin nun kasi puro errors ako tapos wala, wala siya. Hindi siya nagpakita.
Buti nalang dumating si Mafe nun. Kahit inaasar niya ko dahil ang panget ko daw umiyak nun okay lang at least may napaglabasan ako ng bigat na nararamdaman ko. Iniyak ko kay Mafe. Hinayaan niya ko ilabas lahat. Salamat kasi dumating yung kapatid ko nung panahong kailangan ko si wong.
Tumunog na naman ang phone ko. Pinunasan ko muna ang luha ko bago kunin ang phone ko.
'I need my baby right now. Let's cuddle.'
Pinagmasdan ko ulit ang message. Itutuloy ko pa ba?
After a minute another message coming from her again.
'I'm outside. Pakibukas ng apartment mo.'
"Kyla." Tawag pansin ko sakanya. Agad naman siyang lumingon sakin.
"Andito si Deanna. Nasa labas ng apartment." Pagpapatuloy ko. Siya naman ngayon ang napabuntong hininga bago tumayo at kunin ang mga gamit niya.
"Sorry ha." Sabi ko habang naglalakad kami papuntang pintuan.
Huminto naman siya bago pa niya buksan ng gate. Humarap muna siya sakin.