16

2.4K 87 8
                                    

Jema's POV

Naging maayos ang pagsasama namin ni Wong. Halos dito na ulit siya tumira sa apartment ko.

Patuloy niyang tinutupad ang pangako niya sakin na uunawain niya ko lalo na kung pagod ako. Madalas niya rin akong ipagluto kahit alam kong pagod din siya. Lagi niya kong inuuna.




"Papahinga ka na?" Tanong niya sakin habang nakaupo siya sa kama ko at nakasandal sa pader, kakatapos ko lang maglinis ng katawan. Gabi na kasi kaming natapos sa training kaya sobra akong pagod ngayon.





"Opo. Inaantok na ko dahil sa pagod." Sabi ko habang naghihikab.

"Nagluto ako e. Kain ka muna bago matulog." Sabi niya pagbaba niya ng phone niya sa kama at nilapitan ako.


"Pwedeng bukas nalang? Inaantok na talaga ako baby." Sabi ko sabay yakap sakanya. Hindi rin kasi ako nakakaramdam ng gutom more on talaga pagod.



"Ah sige. Tabi ko nalang muna sa ref. Basta bukas ha. Magbrebreakfast ka lalo na't di ka kakain ngayon." Nagnod nalang ako sa pagsang ayon. Wala na talaga akong powers makipagchikahan.


Pagkalabas niya ng kwarto ko para ayusin ang pagkain at itabi sa ref ay dumaretso na kong higa.


Nahagip ng mga mata ko ang phone niya kaya kinuha ko para sana itabi sa table pero di sinasadyang naplay ko ang pinapanood niya.




"Lesbian 3rd anniversary surprise" pagkakabasa ko sa title na pinapanood niya.



"Baby, akala ko tutulog ka na?" Sabi ni Deanna pagpasok niya sa room ko. Tumabi naman siya sakin sa kama at nakatingin sa hawak ko.

"Patulog na nga sana ako. Itatabi ko sana to sa table kaso nadali ng kamay ko yung screen kaya nagplay bigla." Tukoy ko sa pinapanood niya.






"Ah sige. Akin na yan. Una ka ng matulog tapusin ko lang tong pinapanood ko." Sabi niya sabay kuha sakin ng phone niya.



"Hindi mo ko sasabayan?" Tanong ko sakanya. 9pm na dapat matulog na rin siya lalo na't may morning training sila.



"Tapusin ko lang to baby. Inaabangan ko lagi mga vlog neto e." Tukoy niya sa pinapanood niya.


"Sino ba yan? Parang nag eenjoy ka dyan?" Out of curiosity na tanong ko.

Pinause niya muna ang pinapanood niya bago ibaling sakin ang atensyon niya.


"Sila ang RoTin. Couple sila. Part sila ng LGBTQ+ Community. Si Roanne and Tina. Una ko silang napanood sa recreate video nila. Then tinary kong isearch sila nalaman kong may youtube channel pala sila kaya nagsubscribe na ko sakanila. Sobrang nagogoodvibes ako everytime na napapanood ko mga uploaded vlogs nila. Aside sayo, sila rin yung nakakapagpangiti sakin." Paliwanag niya sakin. Nakita ko naman na masaya siya. Atleast kapag busy ako alam kong eto lang yung pinagkakaabalahan niya.





"Wala naman siguro ako dapat pagselosan di ba?" Biro ko sakanya.


"Love ko sila kasi napapasaya nila ako pero mas love kita. Kaya I assure you wala ka dapat pagselosan." Sabi niya sabay kiss sakin.





"Matulog ka na after niyang vlog na yan ha." Sabi ko sabay yakap sa bewang niya.



"Opo. Goodnight po." Narinig kong sabi niya bago ako tangayin ng antok.





Nagising ako na wala na si Deanna sa tabi ko. Ganon naman ang nakasanayan namin sa loob ng isang buwan na pagsasama namin, na every may morning training sila ay 5am palang umaalis na siya.



No titleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon