Naging maingay at magulo ang lunch namin with creamline.
Halos tapos na lahat kumain at ngayon ay nagkwekwentuhan nalang ang lahat.
"Sakin ka na sabay mamaya?" Sabi ng katabi ko habang nakaharap sakin.
"Jema, si Cedrick tumatawag daw sayo." Rinig kong bulong ni kyla sa katabi ko. Kaya nawala ang atensyon niya sakin at tiningnan ang phone niya.
Tumingin siya sakin na kinaiwas ko ng tingin bago ko maramdaman na umalis siya sa upuan at lumabas para sagutin ang tawag.
Pagbalik niya ay kinausap niya agad si kyla.
"Biglaan daw yung flight niya ngayong araw. Mayang 4pm daw. Kaya yun, gusto tayong makasama bago siya umalis." Sabi ni jema kay kyla.
Hindi ko na inabalang makinig sa usapan nila kaya bumaling nalang ako sa nasa kaliwa ko.
"Ponggay, bakit ang panget mo?" Agad naman ako nakaramdam ng batok galing kay ponggay.
"Inaano ba kita ha? Ano gusto mo pa?" Hindi ko napigilan matawa dahil sa inis na mukha ni ponggay.
"Panget mo kasi e." Inis ko pa sakanya, akmang babatukan niya ulit ako kaya ginawa ko ng shield ang mga kamay ko.
"Malabo talaga yang mata mo. Sa ganda kong ito? Mygooood Wong!" Pareho nalang kami natawa sa kalokohan namin.
"San banda yung ganda? Hindi ko mahanap" sabi ko habang sinisilip ang bawat angle ng face niya, todo pose naman si ponggay.
"Ginayuma mo siguro si Kobe no?" Sabi ko pagkatapos kong silip silipin ang face niya.
"Nah. Wongski, sadyang maganda lang talaga ako. No need na ng gayuma." Proud na pagkakasabi ni Ponggay.
"Tama na pantasya! Tara na sa service bus natin." Sabi ko ng mapansin kong umaalis na ang mga rookies namin.
Akmang tatayo na ko ng hinawakan ni Jema ang braso ko.
"Sa service nalang namin ako sasabay." Nakangiting salubong ko sakanya bago hawakan ang kamay niya para bitawan ako. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay umalis na ko at tumuloy na sa service bus namin.
"Napakabad mo Deanna" bulong sakin ni Ponggay ng maabutan ko siya sa paglalakad.
"May lakad siya Ponggay. Ayokong makaistorbo pa." Sabi ko bago siya unahan sa pagsakay sa bus.
Jema's POV
Lumipas ang mga araw. Nakaalis na ng bansa si Cedrick. Isang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon magulo pa rin kami ni Deanna.
May times na pakiramdam ko importante ako, special ako. Tuwing dadalaw siya sa training namin ng creamline, o di kaya tuwing pupunta siya sa apartment ko.
Pero madalas pakiramdam ko wala akong partner. Isa o dalawang beses nalang kami magkita sa isang linggo. Madalas pa, lagi niya hawak ang phone niya.
Ramdam ko, ramdam kong meron ng iba.
Pumupunta ako lagi sa ateneo after ng training ko, madalas gabi na natatapos training namin. Sa tuwing andun ako, si ponggay yung lagi kong nakakausap about sa nangyayari kay Deanna.
Napakatanga ba? Ako yung girlfriend pero hindi niya ko magawang iupdate sa mga ganap niya sa pang-araw-araw.
Masakit.
Pero bakit nga ba hindi ko pa bitawan? Baka kasi, baka maayos namin ulit.
At ngayon, andito na naman ako sa labas ng dorm nila.
"Jema" tulad ng inaasahan ko, siya ulit ang makakausap ko.
"Ponggay, pasok ka" sabi ko habang nasa loob ako ng kotse. Agad naman pumasok si Ponggay sa passenger side.
"Nasa room na ba siya?" Tanong ko kay Ponggay.
"Ano kasi Jema. Ano ka--" Hindi ko na naintindihan ang sumunod pang sinabi ni Ponggay dahil nakatingin nalang ako sa harapan ko. Malayo pero kitang kita ko at kilala ko kung sino yun.
"Magkasama na naman pala ulit sila." Ako mismo, napapagod na ko sa sarili ko. Nakakasawang masaktan ng paulit ulit sa parehong dahilan.
"Jema" Napalingon ako kay Ponggay, at kita ko at ramdam ko na naaawa siya sa sitwasyon ko ngayon. Umiwas ako ng tingin sakanya at binalik ang tingin sa taong akala ko mahal pa rin ako.
"Gago" salitang nabitiwan ko kasabay ng pag-uunahan ng mga luha ko sa nakikita ko ngayon.
Yung halik, yung yakap bago sila maghiwalay ng babaeng kasama niya ay patunay na hindi na ako.
"Jema, satingin ko, kailangan mo na talagang bumitaw." Mga salitang binitawan ni ponggay.
"Siguro, siguro ponggay, baka wala na naman talaga, baka pilit nalang ang lahat. Ponggay, siguro napilitan nalang siya sakin, naawa, pansamantalang saya pero pangmatagalan yung sakit. Akala ko kasi, akala ko akin pa rin siya." Hinayaan ko ng patuloy na pumatak ang mga luha ko habang nakatanaw kung saan nakatayo silang dalawa kanina.
"Ponggay, baka nag assume lang ako na merong kami. Ako nalang siguro talaga yung gustong magkaroon ng kami. Siya, si Deanna, yung deanna na minahal ko noon, siguro matagal na talagang wala."