A/N: Alam ko na naguluhan kayo sa ending, nakakabigla, sorry about dun pero yun talaga ang ending. Para mabigyan ng justice ang kwento ay gumawa ako ng special chapter para malinaw na.
- - -
Deanna's POV
"Deanna tama na yan, may morning training pa tayo bukas. Patayin mo na yung ilaw." Kulit sakin ni Ponggay, mga limang beses na ata yan paulit ulit sakin.
"Deanna ano ba! Sabihin mo sa kachat o katext mo bukas nalang kayo mag-usap o di kaya labas ka muna ng room. 11:30pm na oh!" Tuloy tuloy na reklamo niya. Kaya tumayo nalang ako at lumabas ng room namin, sa sala nalang muna ako.
Pagdating ko sa sala ay naabutan kong bukas ang ilaw sa kusina kaya dumaretso ako dun para tignan kung may tao pa.
"Oh Deanna. Iinom ka rin ng tubig?" Tanong sakin ni ate Maddie.
"Opo." Dahilan ko sabay kuha ng maiinom.
"Matulog ka na ha, bawal magpuyat. Ikaw na magpatay ng ilaw ha. Goodnight!" Paalam ni ate Maddie.
'Nawala na si Wong, tulog na ata siya.' basa ko sa bagong message ni Rica.
'Lah. Uminom lang ako ng tubig, namiss mo ko agad?' reply ko kay Rica.
'Lah ka din. Antok lang yan, itulog mo na yan Wong. May morning training pa ata kayo, Goodnight Wong!' Napangiti nalang ako, ayaw pang aminin na namiss niya ko agad e.
'Goodnight Rica!' Reply ko bago bumalik sa room namin ni Ponggay.
After ng morning training namin ay nagkanya kanya na kami. Kakain muna ko, nagutom ako sa training namin. Papunta na ko ng dorm ng may humarang sakin.
"Busy ba si Wong?" Tanong niya sakin habang nakangiti.
"Gutom si Wong." Sakay ko sa trip niya. Agad naman niya ko hinila sa parking lot.
"Sakay na wong! Kakain tayo kila Tita Rona! May karenderia siya, masasarap pagkain dun, ipapatry ko sayo!" Usapang pagkain and with Rica kaya go naman agad ako.
Hindi naman malayo yung tinutukoy ni Rica. Agad kaming nakarating.
"Oh Rica, wala ka bang klase at nandito ka?" Welcome sakanya ng nag aasikaso sa ulam. Kasalukuyan kasi naglalagay ng ulam sa platito ang babae.
"Tita, vacant ko po. Mayang 1pm pa class ko. May kasama nga pala ako, si Deanna po. Deanna, tita Rona ko." Pagpapakilala niya samin. Agad naman akong bumati sa tita niya.
"Tara dun, upo na tayo. Tita, yung fav ko ha. Saming dalawa ni Wong. Thanks" Sabi niya bago ako hilahin sa table namin.
"Kanina mo pa ko hinihila, kidnapping na to ha." Biro ko sakanya ng makaupo na kami.
"Lah. Deanna kusang loob ka na sumakay sa kotse ko no. Wag ka ngang assuming dyan." At dun na nagtuloy tuloy ang kwentuhan namin habang kumakain.
Hindi lang isa, dalawa, kundi maraming beses na sabay na kami kumakain. Lagi niya kong inaasikaso, nagbibigay ng oras sakin, lagi siyang andito sa tabi ko at hindi ko na nafeel na mag isa ako.
Si Rica yung taong unexpected na makikilala ko, nagkakilala lang kami noong nakitable siya sakin sa library then inusisa na niya ang book na binabasa ko. Naging magaan agad ang loob ko sakanya.