15

2.7K 111 11
                                    

Deanna's POV

Nagmadali akong bumalik sa gym dahil mag isa nalang si jema dun.

Bago pa man ako pumasok ay natanaw ko agad siya dito sa gate. Kasalukuyang nakaupo siya sa bench habang nakayuko.

Pagod na nga siguro talaga siya.


Habang palapit ako ay naririnig ko na nagsasalita siya habang umiiyak na nakayuko.






"Bakit kasi ikaw pa rin hanggang ngayon? Lord, kung wala na talagang chance please, please tulungan niyo kong ilet go na siya." Mga salitang binitawan niya na tumagos sakin.

"Lord, ayoko na po." Eto yung panahon na gusto kong baguhin, sana pala di nalang ako bumalik o di kaya sana pala hinintay ko nalang siya sa kotse niya para hindi ko narinig yung binitawan niyang mga salita.






"Sobrang sakit na ba?" Tanong ko sakanya pagluhod ko sa harapan niya para magkapantay kami. Umangat naman agad sakin ang mga tingin niya.

Umiiyak na naman siya.

Ako na naman ang dahilan?




Eto yung ayaw kong mangyari, yung ako na naman ang maging dahilan ng pag-iyak niya.






"Jema, bi..bitawan mo na kaya ako. Para di ka na masaktan lalo." Sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay nakita ko na naman ang paglandas ng mga luha niya.



"Deanna, hindi mo ko naiintindihan." Sabi niya habang umiiyak. Jema, ang alam ko lang, nasasaktan na naman kita.





"Oo ang sakit na sakit na, pakiramdam ko kayang kaya mo kong mawala. Pakiramdam ko wala ka naman talagang paki sakin, na ayos lang kahit mapunta na ko sa iba at yun ang pinakamasakit, na hindi mo ko ipaglalaban. Na susukuan mo nalang ako ng ganong kabilis. Sobrang sakit nun sakin Deanna. Kasi ako Deanna, hinding hindi kita susukuan kahit sobrang sakit na. Gustong gusto ka ng pakawalan neto oh!" Sabi niya habang nakaturo sa isip niya.

"Pero eto ayaw pa rin!" Dagdag niya sabay turo sa puso niya.



"Ikaw at ikaw pa rin! Deanna! Bakit ba ayaw mo pang magkabalikan tayo? Ano pa bang kulang? Sabihin mo para punuan ko! Ano pa bang mali? Sabihin mo para maitama ko! Bakit? Bakit hindi pa rin bumabalik yung Deannang mahal ako?"








Sabi ko na, hindi ko kayang makitang umiiyak ulit siya. Sobra din akong nasasaktan.



Kinulong ko siya sa mga yakap ko habang patuloy siyang umiiyak.




"Miss na miss ko na si deanna ko. Pakibalik na siya please." Patuloy na bulong niya habang nakasubsob sa balikat ko ang mukha niya at yakap din ako ng mahigpit. Yung tipong natatakot siyang kumawala ako.






"Tahan na. Nandito na ko. Shhh. Mahal na mahal kita Jema. Tahan na po." Sabi ko habang sumasabay na sa pagpatak ng mga luha niya ang mga luha ko.







"Wag kang mapapagod sakin ha? Pasensya na ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sumugal ulit. Natakot ako Jema. Sobrang natatakot ako na iwan mo ulit ako kapag di na tayo ulit nagkakaintindihan, kapag nasakal ka ulit sa trato ko before. Ngayon pinapangako ko sayo na magiging understanding ako. Uunawain ko na busy ka, na pagod ka, na hindi sa lahat ng oras sakin ang atensyon mo. Uunawain ko na may mga priority ka rin sa buhay at hindi dapat kita kinukulong sa mundo ko." Naramdaman ko ang pagiging stable ng paghinga ni Jema. At ang pagluwag ng yakap niya.






"Thank you. Tayo na ulit? Akin ka na ulit?" Tanong niya pagkahiwalay niya sa yakap ko.





"Opo. Sakin ka na rin ulit. Wala na dapat magpadala sayo ng flowers maliban nalang sa fans mo. Wala ng admirer na yan. Wala ng Rayveen. Wala ng ibang poporma sayo. Wala na." Hindi naman lumabas yung pagiging possessive ko di ba? O pagiging territorial ko? Nireremind ko lang naman siya na akin na siya. Yun lang.




"Okay po. Uwi na tayo?" Nakangiting tanong niya. Kinuha ko na ang gamit na at hinawakan ang kanang kamay niya. Sabay kaming naglakad palabas patungo sa kotse niya.





Hawak ko na ang taong hindi sumuko sakin. Kahit ilang beses ko na pinakita na hindi ako deserving sakanya.


Hawak ko na ang taong hindi bumitaw sakin. Kahit pinaghiwalay na kami ng tadhana. Lumaban siya, at ngayon sasamahan ko na ulit siyang lumaban.




Hawak ko na ulit siya.





- - -

A/N: The end na ba to?

Sorry sa lahat ng naghintay. Sobrang naging busy lang si author. And now na tapos na ang dalawang thesis ko, sulat sulat na ulit ako dito. 😊

No titleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon