Deanna's POV
"Friendly reminder lang, kung mahal mo sumugal ka. Wag kang duwag." Epal na sabi ni Ponggay sa kabilang kama. Sa kasamaang palad siya pa naging karoommate ko.
Hindi ko siya pinansin at binalik na sa table ang frame na hawak ko at humiga sa kama ko patalikod sakanyan. Bali sa wall ako nakaharap.
"Naiinis na kasi akong lagi kang nakikitang nakatingin dyan sa picture niyo ni Jema tapos lagi ka pang malungkot. Ang lungkot tuloy ng atmosphere natin dito sa room. Natatakot ka bang sumugal ulit? Kung natatakot ka, satingin mo ba si jema hindi? Kung nasaktan ka noon, satingin mo si jema hindi? Kung nasasaktan ka hanggang ngayon, satingin mo si jema hindi?" Patuloy na satsat ni Gaston.
Kakauwi ko lang galing kay Jema. Pinagluto ko siya ng butter shrimp.
"May admirer na nagpadala ng bulaklak kay jema." Sagot ko sakanya. Sila ate jia at kyla ang nagsabi sakin pero nakita ko rin namang dala ni Jema kanina.
Binalaan pa nga ko ni kyla e.
'Kung sasaktan mo lang ulit ang bestfriend ko wag mo na siyang paasahin. Sinasabi ko sayo to kasi alam kong hanggang ngayon mahal ka pa ng bestfriend ko. Mahal niyo naman yung isa't isa pero ang duduwag niyo pareho.'
Nagulat ako ng pinuntahan nila ako sa apartment ni Jema. Wala pa nun si Jema nung dumating sila pero agad din silang umalis ng sinabi kong pauwi na rin si Jema dahil nagmessage siya sakin.
"Ano hihintayin mo nalang na maagaw siya sayo?" Sagot sakin ni Ponggay. Napapikit nalang ako. Hindi ko alam.
"Ponggay nakakatakot e." Naiiyak na sabi ko sakanya.
"Ano pa bang kinatatakot mo? Nagawa mo nga siyang ipaglaban sa family mo e. Nagawa mong mag out sa lahat. Ano pa bang kinatatakot ni Deanna Wong?" Sabi niya. Umupo ako sa kama ko at humarap ako sakanya.
"Pano kung hindi na naman magwork? Pano kung God's way of saying yun na hindi kami para sa isa't isa kaya di kami nagwork before?" Malungkot na tanong ko sakanya.
"Wong, kapag ba nadapa ka ng isang beses hindi ka na tatayo? Normal ang failure sa buhay dahil dun mas nagiging matatag tayo at malakas. Hindi dahil natalo ka ay hindi ka na lalaban ulit. Nakita kong lumalaban ulit si Jema para sainyo, pano kung ikaw lang ang hinihintay niya?" Pareho kaming natahimik ni Ponggay.
"Hindi lahat bumabalik, swerte ka. Goodnight deans!" Sabi ni Ponggay bago nahiga.
"Thanks ponggay. Goodnight." Sabi ko bago tanawin ulit sandali ang litrato bago humiga at magpadala sa antok.
Every vacant or free time ko ay minemake sure ko na makakapunta ako kay Jema. Naiinis ako sa tuwing may flowers siyang uwi pero hinahayaan ko nalang.
"Ayos na ayos ha. Pormado tayo wong ha. San punta?" Puna sakin ni Ponggay pagpasok niya ng room namin.
"Puntahan ko si Jema sa training. Nonood ako then yayain ko siyang magdinner kami sa labas. Then gusto ko ng maging official kami. Para wala ng magpadala ng flowers sakanya." Masayang pahayag ko ng plano ko kay Ponggay.
"Support kita dyan. Goodluck Boss Mapagmahal." Biro niya sakin na sabay nalang kami natawa.
"Sige na alis na ko. Bye Ponggay!" Paalam ko bago lumabas ng room.
"Uy wong! Coding ka di ba?" Sigaw ni Ponggay sa loob ng room namin.
"Magtataxi nalang ako. For sure dala naman ni Jema car niya e. Bye na!" Sabi ko bago nagtuloy tuloy sa labas.