Deanna's POV
"Deanna" napalingon ako sa tumawag sakin. Kakatapos lang ng training namin.
May training pala sila dito.
"Hi ate Jia!" Sabi ko sabay lapit sakanya para yumakap.
"May training kayo?" Sabi ko paghiwalay ko sakanya.
"Yup. Napaaga lang ako para maabutan kayo. Namiss ko kayo." Sabi niya habang tumitingin sa mga teammates ko na nag aayos ng mga gamit.
"ATE JIAAAA!" Sigaw ni Ponggay. Parang di napagod ha. Agad naman tong tumakbo at yumakap din kay ate jia at nagsunuran na rin ang iba.
Habang pinagkakaguluhan ng mga teammates ko si ate jia ay napansin kong nagpapasukan na ang mga players and coaching staff ng creamline.
Kinuha ko na ang gamit ko at sinalubong ang mga nagpapasukan. I greeted them right away and nagpaalam na din agad. Nagdahilan nalang ako na may class na ko.
Habang naglalakad sa labas ng gym ay napansin ko ang kotse na nagpapark. Bago pa man siya bumaba ay nagmadali na ko maglakad palayo.
"Deanna!" Kusang napahinto ako pagkarinig ko ng sigaw niya. Shit! Hindi ba siya nahihiya na sumigaw? Good thing dahil walang tao ngayon dito dahil mostly ay may klase na ngayong oras. 10am.
Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Malamang alam na niya na narinig ko siya dahil huminto ako. Baliwalain ko nalang kaya? Ituloy ko nalang yung lakad ko na parang walang narinig?
"Alam mo bang napupuno na ko sayo? Hanggang kailan mo ko iiwasan ha?" Sa likuran ko na nanggaling ang boses. Malapit na siya sakin di tulad kanina na sumigaw pa siya.
Simula ng bumalik kami dito sa Manila ay sinusubukan ko na talagang iwasan siya. Anong reason? Hindi ko din alam. Siguro ayoko lang. Ayoko lang mapalapit ulit sakanya. Nakakatakot dahil kahit ako hindi sigurado sa nararamdaman ko sakanya. Na kapag malapit ulit siya gusto ko siyang ikeep, alagaan, mahalin pero kapag wala siya ayoko na, gusto kong lumayo at iwasan siya.
Na kung susugal ulit ako, ayoko na sakanya.
Nabigla ako ng nasa harapan ko na siya ngayon. Seryosong nakatingin sakin.
"Ano Deanna Wong? Napipi ka na ba? Matapos ng mga nangyari satin sa vacation bigla mo kong iiwasan? Ano yun? Wala lang sayo?" Umiwas ako sa tingin niya. Humakbang ako paalis pero agad niyang nahawakan ang braso ko.
"Baliwala na ko sayo ngayon?" Sabi niya habang hawak pa rin ang braso ko.
"Bakit ka ba parang naghahabol?" Tanong ko sakanya pagtingin ko sa mga mata niya.
"Hayop! Hindi pa ba halata? Gago ka! Oo naghahabol ako sayo!" Sabi niya kasabay ng huling binitawan niyang mga salita ang pagpatak ng luha niya na agad naman niya pinunasan dahilan para makawala ako sa hawak niya.
"Wag ako. Wag ka sakin. Ayokong matali. Ayoko ng commitment." Sabi ko bago ipagpatuloy ang paglalakad ko palayo sakanya pero bago ako makalayo ng tuluyan ay narinig ko ang binitawan niyang mga salita.
"Okay lang kahit walang commitment. Kahit anong kaya mong ibigay kahit walang title."
Kahit hindi sigurado?
Susugal siya?
"Hi Deanna. Tara na." nakangiting bati sakin ni Steph. Stephanie is her real name.