12

2.4K 98 4
                                    

Jema's POV

"Jema napapansin namin wala ka na naman sa focus." Sabi sakin ni coach. Nilapitan niya ko ngayong water break namin.

"Sorry coach." Lately napapansin ko din na parang hindi ako to. Ang weird pero parang ganon.

"Kung may problema ka kalimutan mo muna kapag nasa training tayo lalo na kapag sa mga games na. Hindi lang performance mo ang nasisira pati ang performance ng team." Humingi nalang ulit ako ng pasensya bago kami nagcontinue sa practice.




"Mareng Jema!" Tawag sakin ni Celine paglabas ko ng cr. Kakatapos lang ng training namin.

"Makasigaw ha. Ano ba yun?" Tanong ko pagkalapit ko sakanya malapit dito sa gate ng gym.

"May nagpadala ng flowers sayo." Sabi ni Celine pag abot sakin. Pagkuha ko naman ay tiningnan ko agad kung may card. Agad ko namang nakita.

"Yes naman! May admirer ka na! Pwede ka ng magboyfriend ulit!" Tukso ni Celine sakin.

"Anong boyfriend boyfriend yan naririnig ko?" Sulpot naman ni jia sa tabi ko.

"May nagpadala ng flowers kay Jema. Gwapo nga e. Akala ko sakin ibibigay, ipapabigay lang pala. Natotorpe daw siya e. Pulang pula pa nga." Natatawang sabi ni Celine. Napakunot naman ang noo ko. Akala ko si Deanna may bigay.

Bakit nga ba ako bibigyan ni Deanna ng flowers?

Bobo jemalyn!

Ano ba kami? Wala nga palang kami.

"Malay natin fan lang yun." Depensa ko sa manunukso ni Celine.

Binuksan ko ang card para makasigurado.

'Hi Jema. Flowers for you. Maganda yan pero wala pa ring hihigit sa ganda mo. -A'

A? Sinong A?

"Ano? Fan ba?" Tanong ni Jia habang naghihintay sila nila celine at kyla. Sumulpot nalang bigla si kyla sa tabi ko.


"Hindi ko alam. Tara na labas na tayo. May kailangan pa kong puntahan." Sabi ko bago naunang maglakad sakanila. Nagmessage kasi si Deanna na nasa apartment ko daw siya ngayon.


"Nagmamadali ha. May date ka ba? Wala na agad pag asa si Mr. admirer?" Kulit ni Celine habang naglalakad kami paparking. Nakasunod lang naman samin sila Kyla at Jia.

"Kung ano ano na naman pinagsasasabi mo. Gutom lang yan." Natatawang komento ko sakanya.


"Sabay ka ba kyla?" Baling ko kay kyla pagdating namin parking lot.

"Hindi na. Kay ate jia na ko sasabay. May pupuntahan pa rin kami e" nagpaalam na kami sa isa't isa bago ako umalis ng parking lot.

"Kailangan kitang itapon baka makita ka pa ni Deanna kapag inuwi kita." Kausap ko sa flowers na nasa passenger seat ko now. Nakared pa naman ang stoplight.

"Pero.. ano naman kung dala dala kita? Sayang ka naman. Ang mahal pa naman ng bouquet ng roses." Sabi ko bago paandarin ang kotse. Go sign na e.

"Wala namang kami e." Hays. Masasaktan kaya siya? Asa ka naman self. Bakit mahal ka pa ba jemalyn? Hays.


Pagstop ko dito sa apartment ko ay pinag iisipan ko pa rin kung dadalhin ko papasok ang flowers o itatapon ko nalang? Kawawa naman.



Pagpasok ko ng apartment ay wala akong naabutang tao sa sala. May naririnig akong ingay sa kusina kaya dun na ko dumaretso. Naabutan kong nagluluto ang nag iisang deanna wong.








Pinagmasdan ko ang likuran ni Deanna napansin kong nakaearphone siya habang nagluluto.

Umupo muna ako habang nakatingin sakanya. Narinig niya ata ang paggalaw ng upuan kaya napalingon siya sakin. Ngiti ang sinalubong niya sakin na agad namang napakunot noo ng makita ang hawak kong bouquet.

"Kanina ka pa?" Tanong niya pagtalikod niya sakin para ituloy ang pagluluto niya.

"Hindi naman. Kakarating ko lang. Ikaw? Mukhang kanina ka pa dito." Komento ko sakanya. Pinatay na niya ng stove indicated na tapos na siya sa niluluto niya.

"Tara kain na tayo." Sabi niya ng nilagay na niya sa plate ang butter shrimp na niluto niya. Siya na rin ang nagsandok ng kanin namin.

"Bakit ka nandito? Wala ka bang pasok?" Tanong ko sakanya habang kumakain kami.

"Wala yung prof namin kaya naisipan kong pumunta dito." Sabi niya. Napansin ko namang sa mga bulaklak na siya nakatingin.

"Bigay yan ng fan." Sabi ko sakanya wala pa man siyang tinatanong.


Hanggang sa matapos kami ay wala ng nagsalita.



"Ako na maghuhugas ng mga pinagkainan natin." Baling ko sakanya ng inaayos na niya ang mga ito.


"Ako na. Mag ayos ka, magdadate tayo pagkatapos ko dito." Sabi niya na ikinangiti ko. Date daw kami e.



Pumunta na ko sa room ko para mag ayos. Nagjeans at blouse lang ako. Simple lang. Agad na rin akong bumaba para tignan kung tapos na si Deanna.




"Jema ligo lang ako sandali. Amoy ulam ako e." Sabi niya pagpunta ko sakanya, napansin ko namang may dala na siyang sport bag. Nandun sigurado yung pampalit niya.


"Sige lang. Hintayin nalang kita sa sala." Nakangiting baling ko sakanya.








Lumabas si Deanna ng nakabihis na. Okay na ba siya na makita kami ulit ng ibang tao na magkasama?




Lumapit siya sakin sabay hawak sa kanang kamay ko.



"Tara na babe." Nakangiting sabi niya sakin. Kinikilig ako pero dapat demure lang. Wag masyadong umasa.



Sabay na kaming pumunta sa kotse niya habang magkaholding hands pa rin.




Pinagbuksan niya ko ng passenger bago bitawan ang kamay ko. Agad naman akong pumasok sa kotse.






Pagkapasok niya ay inistart na niya ang kotse.




"San tayo pupunta?" Pagbasag ko sa katahimikan namin. Oo gusto ko nung pakiramdam na kasama ko siya ngayon pero mas gusto ko yung nag uusap kami. Yung may interaction.






"Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Gusto ko lang magdrive habang kasama ka." Nakangiting sabi niya habang nasa kalsada pa rin ang tingin.

"Roadtrip okay lang?" Dagdag niya paglingon sakin na agad din namang binawi at tumingin sa kalsada.





"Oo naman. Ienjoy natin tong paroadtrip ni best setter." Biro ko sakanya.



"Tagal na nun ha. Di na ko best setter." Sabi niya habang nakangiti.




"Nah. Para sakin ikaw pa rin ang best setter ko." Hala kinilig si wong. Di maalis ang ngiti. Kaya natatawa akong pinagmasdan siya.




"Hala. Pano si Mafe?" Balik niya sakin pagkarecover niya.




"Hmm. Hirap naman niyan! Best setter siya para kila mama at papa." Pareho nalang kaming natawa sa sinagot ko. Love ko ang kapatid ko kaso love ko din tong kasama ko.








"I love you po." Natigilan ako sa pagtawa ng marinig ko yun sakanya. Gulat na nakatingin ako sakanya. After naming magbreak ngayon nalang ulit siya magsabi niyan. Umabot kami ng isang buwan sa ganitong set up pero ngayon lang siya nag iloveyou.





Napangiti nalang ako habang nakatanaw sakanya. Mahal na mahal ko tong batang to. Kahit malabo pa, hindi pa klaro ang lahat pero handa akong mahalin ka ng walang titulo. Handa akong iparamdam yun sayo verbal o nonverbal pa yan dahil para sakin, ikaw pa rin noon hanggang ngayon.





"I love you din po."

Kahit hindi ako sigurado kung totoo pa ba ang mga salitang binitawan mo.









- - -

No titleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon