17

1.8K 72 3
                                    

Jema's POV

"Huy Jemalyn!" Nawala sa kawalan ang tingin ko at nabaling sa mga kasama ko.

"Lalim nun ha?" Tukoy ni Kyla sa paghinga ko. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Tita Cess ang Mommy ni Cedrick.





"Jemalyn okay ka lang ba? Parang wala ka sa wisyo ngayon." Puna ni Cedrick sakin.





Hindi ko rin alam. Paggising ko wala na ulit sa tabi ko si Deanna. Ginising ko siya kagabi at sinabihan na sa kwarto ko na siya matulog. Paglabas ko ng comfort room pagkatapos ko mag ayos para sa pagtulog ay mahimbing ng natutulog si Deanna sa kama.





Nihindi man lamang kaming nagkumustahan, nagkwentuhan, siguro pagod din siya.





Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko namimiss ko na siya kahit araw araw naman kami nagkikita? Araw araw naman siya nauwi sakin.






Hindi ko alam pero parang may mali.






"Pagod lang ako. Btw, kumusta nga pala yung relasyon niyo ng Daddy mo?" Iba ko ng topic. Pero napansin ko ang pag usisa ng tingin sakin ni Kyla kaya binaling ko nalang kay Cedrick ang tingin ko.






"Okay naman. Sa Limang taon na pagstay ko sa side niya naging ayos naman yung relasyon ko with him and also sa family niya. May kapatid ako na halos kaedad ko lang. Si Jessica, kaname mo nga jemalyn e. Lagi ko kayong kinukwento dun. And guess what guys, volleyball player din siya. Setter ang position niya. Idol niya si Deanna Wong ----" pagkarinig ko ng pangalan niya ay nawala na naman ako sa wisyo makinig sa pinagsasasabi ni Cedrick.







Buong araw kahapon at hanggang ngayon wala pa rin ako natatanggap na text mula sakanya. Huling text ko sakanya ay yung naggoodmorning ako kahapon pero wala siyang reply sakin nun. Wala siyang pagoodmorning sakin ngayon.










"Huy jemalyn! Nakikinig ka ba? Are you with us?" Tapik sakin ni Cedrick kaya nabaling ulit ako sakanila.






"Bakit parang maiiyak yang pagmumukha mo? Okay ka lang ba talaga?" Tanong nila habang taimtim na nakatingin sakin.









Paano akong magiging okay kung eto yung nararamdaman ko ngayon? Bakit parang nalalayo na naman sakin si Deanna? Napaparanoid lang ba ako? Hindi normal tong wala siyang text sakin simula kahapon pa pero okay naman kami di ba? Umuwi pa siya kagabi sakin e.









"Sorry guys, san na nga ba ang usapan? Dun sa kaname ko na kapatid mo, kasing ganda ko rin ba yun?" Biro ko para pagaanin ang atmosphere.







"Haynako jemalyn, kanina ko pa yan sinabi. Nandun na ko sa part na nagpapatulong na baka pwedeng makahingi ng autograph at makapagpapicture kay Deanna Wong para maibigay ko kay Jessica. Pero di ko lang alam kung matutulungan mo ko. Siguro si kyla matutulungan ako pero ikaw? Hmmm" sabi ni Cedrick. Nagtaka naman ako kung bakit di ako makakatulong.







"Aber bakit naman satingin mo di kita matutulungan?" Nakataas ang kanang kilay na tanong ko sakanya.





"Di ba ex mo yun? Ex lover kayo so awkward naman sa part mo. So kay kyla nalang ako papatulong pa--"






"Anong ex pinagsasasabi mo dyan?" Putol ko sa sinasabi niya.




"Girlfriend ko yun no. Pakilala pa kita." Proud na sabi ko pa.







"Seryoso? Yung huling update ko kasi bago ako umuwi dito sa Pilipinas ay break na daw kayo." Sabi ni Cedrick.






"Nagkabalikan kami. Magdadalawang buwan na, siguro hindi pa nababalitaan ng karamihan dahil hindi kami palalabas ngayon lagi lang kami sa apartment and hindi na kami palapost ng about saming dalawa unlike noon." Paliwanag ko kay Cedrick.





Ngayon ko lang din narealize na hindi na nga kami nagdadate ni Deanna unlike noon. Hindi na rin kami nagpopost ng mga ganap namin unlike noon. O sadyang wala na talagang nangyayaring ganap kaya wala kaming post?






Nawawalan na kami ng time sa isa't isa kahit nagkakasama naman kami every night.




Si Deanna ba ang nawawalan ng time sakin? O ako ang nawawalan na ng time kay Deanna?








"Jema." Tawag sakin ni Kyla. Nagtatanong naman ang baling ko sakanya.






"Kanina ka pa tinatanong ni Cedrick pero di ka nasagot." Nabaling naman tuloy ako kay Cedrick.





"Lutang of the year ka na jemalyn." Sabi ni cedrick pagbaling ko sakanya.




"Sorry na. Ano ba yun?"




"Sabi ko kung kailan mo ko ipapakilala kay Deanna? Excited na kong makilala siya e." Parang kinikilig na ewan na sabi ni Cedrick.






"Ah yun lang pala. Mamaya. For sure nasa apartment si Deanna mamayang gabi after ng training namin." Parang nagglow naman ang mga mata ni Cedrick pagkarinig ng sinabi ko kaya natawa nalang kami ni Kyla.


No titleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon