CHAPTER 5

148 8 0
                                    

Namumutla pa rin si Jethro hanggang sa mailipat na sa private room ang Lola nito. Gusto niya itong aluin at yakapin, pero sa init ng ulo nito sa mga nangyari dahil sa pagsulpot nilang mag-ina, baka makapagsalita lang ito ulit ng hindi maganda.

Matagal na niyang hiniling na makita itong muli, kahit sa malayo. Masaya na siya noong mapanuod ang mga block buster nitong pelikula pero ngayong iisang upuan na lang ang pagitan nila, bakit parang gusto niyang umabuso ng kaunti? Naalala niya mga sinabi nito kanina kaya nakapagtimpi siyang kausapin ito.

Hindi na dinala ni Jeva ang anak niya nang sumugod ito sa ospital pagkatapos niya itong tawagan. Tulog pa naman daw si Jiana. “Umuwi ka na muna, Jill. And please, sana naman maabutan ka namin duon. Kailangan ni Lola ang anak mo. I hope you understand.”

Walang magawang tumango na lang siya at sumunod. Sa huling pagkakataon, sinulyapan niya si Jethro bago siya lumabas duon.


“YOUR Grandma is in a critical condition. As you know, she can’t survive that long, kaya nga sana, bigyan niyo siya ng peacefulness. Keep her happy all the time. She needs that.”

Pagkarinig noon, hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt. Oo nga’t iniwan nito ang Mommy niya noon para sa pangarap nito, pero hindi sila nito kinalimutan. She did all her best to look for them. And for what he knew, gusto lang nitong mabuo ang pamilya nila.

“Thanks, Lolo Ninong. Mabuti na lang at hindi pa kayo nakakabalik sa Manila.”

“I can’t leave. Lalo na’t alam kong andito ang Lola ninyo ngayon. Matigas ang ulo niya. Next time, you can always call me para ako na lang ang pupunta sa Villa ninyo. But I am happy to see you both here. Mabuti at nadala ni Jethro at ng asawa niya si Francisca kaagad. Oh siya, I have to check other patients. Just let the nurses know if you need something. If you press that red button, the front desk will immediately call me.

Tumango ang Ate niya bago nagpasalamat ulit.

Pagkalabas ni Doctor Ramos, hinila siya ni Jeva papunta sa terrace.

“Look what you’ve done. I told you to think about that marriage first. Hindi basta-basta ang kundisyon ni Lola. She needs us right now. How can you argue with her? Oo nga’t hindi na siya magtatagal, but can you please at least let her live happily?”

“Ano’ng gusto mong gawin ko? Makipag-break sa babaeng totoong nagmamahal sa akin para lang pakasalan ‘yung babaeng sumira sa buhay ko?”

“I am not asking you to broke up with Kiana. For the record, I like her for you. She’s sweet and kind. I am sure she will understand. Marry Jill then annul your vows kapag wala na si Lola. That’s the least you can do for her.”

He thinks that the idea was absurd. Pero ano bang dapat niyang gawin sa sitwasyong iyon?



Inabutan niyang kumakain ang anak niya ng dinner.  Daldal ito ng daldal habang pinapakain ng Yaya na tuwang-tuwa dito. “Salamat po sa pagbabantay kay Jiana.”

“Naku, Ma’am ayos lang. Nakakatawa nga itong anak mo. And dami ng plano. Gusto niya daw na magkaroon ng baby brother ngayong bumalik na ang Daddy niya.”

Natawa na lang din siya. Kung alam lang sana ng anak niya ang mga nangyayari, hihingiin pa kaya nito sa kanya ang kapatid na gusto nito? Pero posible pa rin namang mangyari iyon lalo na kung magkakaanak agad si Jethro sa fiancée nito.

“Mommy, asan na si Daddy?”

“May sakit kasi si Lola kaya sinamahan siya ni Daddy mo sa ospital. At dahil baby ka pa, dito ka lang. Uuwi na din si Lola at Daddy kasama si Tita, okay?”

Tumango si Jiana. Kain ka na Mommy ko. Ang daming food!”

Tumanggi siya kaya lang tumuntong sa upuan ang anak niya at sinubuan siya ng isang kutsarang kanin na may chicken nuggets. Suminghot ito saka naupo para ang sarili naman ang pakainin. Pagkatapos kumain, nagpalinis na ito ng katawan sa kanya at nagpa-bihis ng pantulog. At habang naglalaro ito, minabuti niyang i-chat si Bianca. She needs to talk to her now to keep her sanity. Chat lang ang pwede niyang gawin dahil kapag narinig na naman sila ni Jiana, makikiusyoso na naman ito at magtatanong.

Bianca: Oh, mabuti at nakakaalala ka pa. Isang buong araw kang walang paramdam! Pupuntahan ko sana ang inaanak ko kanina!
Jill: Sorry na. Ang dami kasing nangyari mula nang dumating kami dito. Hindi ko na nga alam kung paano mag-sisimula.
Bianca: Edi simulan mo sa highlight!
Jill: Gusto ni Francisca na ikasal ako sa apo niya.

Bigla niyang na-imagine ang mukha ng kaibigan nang reply-an siya nito ng…

Bianca: Oh… Em… Giii… Srsly? How will you marry him? Are you going to the US?
Jill: Hindi. Andito siya.
Bianca: Wait. What? Paano niya nagawang makapasok dito sa Pilipinas nang hindi man lang siya nararamdaman ng media?
Jill: Hindi ko din alam, pero mas mabuti na nga iyon para tahimik ang buhay niya, diba?
Bianca: Paano naman ang buhay mo? Alam na ba ni Jiana?
Jill: Naku. Akala mo matagal na niyang kilala ang Tatay niya. Hindi man lang nahirapan si Jethro na maging close sa kanya.
Bianca: Matalino talaga ang inaanak ko. Manang mana sa ninang.
Jill: …
Bianca: Happy ka?
Jill: :sad:
Bianca: Bakit naman? Diba, mahal mo pa si Jethro?
Jill: May fiancée na siya.
Bianca: Oh my… Alam ba ng girl na nag-eexists kayong mag-ina?
Jill: Hindi pa yata.
Bianca: Balak mo?
Jill: Ayoko ng sirain ang buhay ni Jethro.
Bianca: Palagi na lang siya ang iniiisip mo. Paano naman ikaw?

Ilang beses niyang in-edit ang isasagot niya. Hindi niya rin kasi sigurado kung kakayanin pa niyang mawala sa kanya si Jethro. Naroon siya ngayon sa sitwasyong, gusto na niyang kunin ang oportunidad pero ayaw niyang maging selfish lalo na’t alam niyang may mahal na itong iba.

Jill: May iba na siyang pakakasalan.

Tatlong minuto ang nakalipas bago ito sumagot.

Bianca: Asan kayo? Susunduin ko na kayo d’yan ngayon.
Jill: May sakit ‘yung Lola ni Jethro. Siya ‘yung naghanap sa amin ni Jiana. Hindi kami pwedeng umalis ngayon. Kailangan niya ang apo niya.
Bianca: My gosh. Bakit ka na naman ba nila pinagtitripan? I wish I was there to protect you.
Jill: I am fine. Ikaw. Kamusta?
Bianca: Don’t mind me. I’m always okay. Take care of yourself ha? Kapag inaway ka ni Jethro, sabihin mo agad sa akin kung nasaan kayo, susunduin ko kayo ni Jiana.
Jill: Thanks. Sige na. Tulog na yata si Jiana. Good night. Matulog ka na rin.

Pinatay na niya ang mobile data ng kanyang cellphone saka tinabihan ang anak niya. She can’t really sleep, pero dahil sa malalim na pag-iisip sa sitwasyon niya ngayon at kung paano lulusutan iyon, nakatulog na lang siya sa tabi ng anak.


UMAGA  na nang makauwi siya. Ang sabi ng doktor, pwede na nilang iuwi ang Lola nila mamayang hapon kaya pinauna na siya ni Jeva para makapagpalit na siya ng damit at para madala niya ang mag-ina niya sa ospital. Gusto kasing makasiguro ng Lola niya na hindi umalis sila Jill.

Pagkadating niya, naghaharutan ang dalawa sa kwarto. Tawa ng tawa ang anak niya sa mahinang paraan. Anak ko. Parang hindi pa rin siya sanay pero masarap sa pakiramdam na mayroon siyang anak na makikipaglaro sa kanya araw-araw, na magmamahal sa kanya kahit ano pa ang mangyari.

“Jill.”

Napatingin agad ito sa gawi niya. She’s just wearing a white tank top and jean shorts. She’s plain and simply beautiful as always. He pulled his thoughts together. Hindi naman siya nagpunta duon para purihin ang kagandahan ng dating nobya.

“B-Bakit?”

“Magbihis kayo ni Jiana. Susunduin natin si Lola.”

Tumayo agad ito at nagligpit ng higaan. “O-O sige. Saglit lang ‘to.”

Tumango lang siya saka muling isinara ang pinto.


PARANG siyang nabuhusan ng tubig nang makita si Jethro. Ang aga-aga pa lang pero umaaapaw na ang kagwapuhan nito. Partida pa ‘yan. Hindi pa ito naliligo dahil ganoon pa rin ang suot nitong damit. Paano pa kaya kapag nakapag-shower na ito? Wala na? Finish na naman siya?

“Anak. Let’s go.”

Excited na yumakap sa kanya ang anak niya at masunuring sumama sa CR sa loob ng kwarto nila para magpaligo. Bumulong pa ito sa kanya nang ilapag niya ito sa may bathtub. “Mommy, magde-date kayo ni Daddy?”

Sinaway niya ito. “Ikaw talagang bata ka. Maligo ka na nga lang. Halika ka dito.” Nang lumapit ito sa kanya, agad niya itong nilagyan ng shampoo sa buhok.

After thirty minutes, naka-handa na silang mag-ina. At si Jiana, tumatakbo pang lumapit sa ama niya. “Daddy! Karga!” Nakagayak na rin ang lalaki na mas gumwapo sa suot nitong itim na t-shirt at khaki shorts. Bagay na bagay din dito ang sunglasses na suot nito. Kung hindi lang niya pinipigilan ang sarili baka nagpakarga na din siya dito.

Nakangiting binitbit ni Jethro ang anak. Mabilis itong naglakad papunta sa kotseng nakaparada na sa tapat ng main door. Binilisan niya rin ang kanyang lakad para maabutan ang mga ito. Nasa loob na si Jiana at nasuotan na ni Jethro ng seat belt pero siya nasa labas pa rin. Ni ayaw siya nitong tingnan hanggang sa sumakay na ito sa driver’s seat. Ayaw niyang magkaroon sila ng pagkakataon na mag-away kaya naupo siya sa likuran nito sa tabi ng anak nila.

Tahimik lang si Jethro habang binabaybay nila ang daan papunta sa ospital. Iyon ang pinaka-malamig na pakikitungo nito sa kanya. Hindi naman sila ganoon dati. He used to force her seat beside him. He used to check if she’s comfortable inside his car. He used to allow her pray before they drive. Lahat ng ‘yon, wala na. Kung hindi lang malakas ang will power niya, malamang, naiyak na naman siya ngayon.

Pagkatapos higit sa tatlumpung minutong biyahe, nakarating na rin sila sa ospital. Kinuha ni Jethro si Jiana mula sa backseat at muling kinarga ang bata. “Teka, Jethro. Hayaan mo na siyang maglakad. Masasanay ‘yan e.” pigil niya bago pa man sila makapasok sa ospital.

“Bayaan mo siyang masanay, ako naman ang kakarga sa kanya.”

Paano kapag iniwan mo na kami? Gustong-gusto niyang itanong iyon ngunit pinigilan niya ang sarili.

“Isa pa, ngayon niya lang ako nakilala. Will you let us catch up?”

Ouch. Parang Wag ka ngang umepal sa buhay naming mag-ama ang ibig sabihin nito.

Hinayaan niya itong dumaan karga ang anak niya. Tuwang-tuwa naman si Jiana na kasalukuyang nakayakap sa leeg ng ama. Pinalampas na lang niya iyon. Sa bagay, ilang taon niyang sinolo si Jiana. Bakit niya ngayon ipagkakait kay Jethro ang karapatan nito?

Nakatayo na sila sa tapat ng private room ni Francisca nang huminto ito at ginagap ang kamay niya. Nagulat siya duon. Bakit naman nito hahawakan ang kamay niya? And as usual, his hands were warm and comfy. Pakiramdam niya bumabalik sila sa dati dahil lang sa simpleng paglalapat ng mga palad nila. This makes it hard for her to breathe. Mabuti na lang at kaya niyang salansanin ang sarili.

Nakangiting bumungad sa kanila si Francisca na kasalukuyang nagsusuklay na ng buhok. Kakwentuhan nito ang apong babaeng si Jeva.

“And’yan na pala sila.”

Napatayo si Francisca nang makitang magkahawak sila ng kamay pagpasok habang buhat pa rin ni Jethro sa kabilang braso si Jiana. The old woman was smiling her heart out. “You two looks good together. Kaya naman pala napakaganda ng apo ko sa tuhod.”

She can’t refrain her cheeks from blushing. Naiimagine na lang niya kung gaano siya kapula ngayon lalo na’t pinipigilan niyang ngumiti.

“I hope we can arrange our wedding ceremony within this year. Will you help us, Lola?” napalingon siya kay Jethro dahil sa sinabi nito. Anong wedding ceremony ang pinagsasabi nito?

“Oh come on. Madami akong kakilalang pwedeng tumulong. In three weeks, you two can get married.”

This crazy family leave her speechless. Paano nakakapg-usap ng ganoon ang mga ito sa harap niya na para bang isa siyang laruan na hindi pwedeng tumanggi? Ni hindi nga siya kinakausap ni Jethro tapos ngayon, magpapakasal pa sila? Gustuhin man niyang komprontahin itong ex niya, pero naalala niya ang kondisyon ang Lola nito. Ayaw niyang siya ang dahilan ng pagkamatay ni Francisca kung sakali kaya inawat niya ang sarili.

“I’ll help too.” Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Jeva pagkatapos ng lahat ng sinabi nito sa kanya noong iwan niya ang kapatid nito.

“Tingnan mo, aking Bisnieta. Ikakasal na ang Mommy at Daddy mo. Excited ka ba?” At hinaplos ni Francisca ang braso ng kanyang anak. Nakangiti lang si Jiana at dahil nasa tono ng matanda ang excitement, nahawa na rin ito kaya sunud-sunod ang tangong isinagot nito. Ibinaling naman ni Francisca ang palad sa pisngi ng gwapong apo. “Thank you for fixing your family.” Dahil sa magaling na aktor ang lalaking ito, hindi siya sigurado kung sinsero ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito.

Pagkauwi nila, hinawakan agad ni Jethro ang kamay niya saka nito hinayaang tumakbo papunta kay Francisca ang anak nila. “Lola, we just need to talk. We need privacy.” Nakakaunawang tumango ang matanda saka nilibang ang apo sa tuhod. Hawak-hawak pa rin ni Jethro ang kamay niya hanggang sa makalapit sila sa kwarto nito. Gusto niya sanang tumutol pero mahigpit ang pagkakasakop ng palad nito sa kamay niya. Nakabukas na ang pinto at imbes na gumawa ng eksena, tahimik siyang pumasok sa loob.

Inilibot niya ang tingin sa kwarto nito at nakita niya agad duon ang gamit nilang mag-ina. “Bakit andito na ‘yung mga gamit namin?”

Hindi ito sumagot. Mataman lang itong nakatitig sa kanya. Kung anuman ang iniisip nito sa mga oras na iyon habang nakatingin sa mga mata niya, wala siyang ideya.

“Tititigan mo na lang ba ako?” Tinaasan niya ito ng kilay ngunit hindi umubra iyon nang lapitan siya nito. Now he’s looking at her like she was just an insect that he can kill anytime. Napalunok siya saka umatras palayo dito. “P-Pwede ba Jethro, kung wala kang sasabihin, aalis na ako.”

Dumiretso siya sa mga gamit nila pero bago pa niya madampot ang mga iyon, nahawakan na siya nito sa magkabilang braso. Para siyang papel na ipinihit lang nito nang walang kahirap-hirap. Palibhasa'y malaki ang katawan nito.

“Hindi ka lalabas sa kwartong ‘to hangga't hindi tayo nag-uusap.”

“Then talk to me! Hindi ‘yung sinisindak mo ako sa mga titig mo! Saka ano pa bang dapat pag-usapan? Diba ayaw mo ng kasal? Pwes ayaw ko rin! Isa pa pwede naman tayong mag-usap sa labas. Bakit kailangan nandito kami sa kwarto mo?”

“Why. You will sleep here from now on. And just so you know, we will not marry each other to give any shit a second chance. We are doing this for Lola and for Jiana” Tila nang-aasar na sagot nito.

“I am not expecting you to marry me. Ni hindi mo kailangang isipin si Jiana dahil kaya kong mag-isa”

“I am not expecting you to agree.” Nasa tono nito ang sarkasmo. “Isipin mo na lang na trabaho ‘tong in-o-offer ko sa’yo. Sa harap nila, okay tayo, but if you want to be cold or rude, we can do that kapag tayo na lang ang magkaharap. Kailangan mo lang paganahin ang acting skills mo.”

Natigilan siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi siya gaanong nag-expect. Alam naman niyang hindi basta magbabago ang isip nito nang walang dahilan. “So anong gusto mong gawin ko? Lokohin ang Lola mo? Aarte na parang masaya tayo, gano’n?”

“If that’s what you need to do then go ahead. Wala na akong pakialam sa mga strategy mo Kailangang tiisin mong maging asawa ako at mapaniwala mo si Lola na nagmamahalan pa tayo.”

Just One Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon