CHAPTER 7

139 10 0
                                    

Hindi niya alam ngayon kung babalik pa ba siya sa kwarto o matutulog na lang siya sa sala. Bakit ganoon kabilis ang kabog ng dibdib niya? It was just an accident and besides, he didn’t see her naked. Kaunting balat lang nito ang nahantad sa kanya. Why his body is overreacting right now?

He suddenly felt needy. Naiimagine na niya kung paano niya hahagkan si Jill. Napailing na lang siya sa mga tumatakbo sa utak niya. Pinilit niyang supilin iyon. Pupwesto na sana siya sa sofa nang makita ang Lola niyang papasok n asana sa kwarto nito. “Apo, why are you here? Akala ko tulog ka na?”

“G-Ginagamit kasi ni Jill ‘yung banyo so,” he breathe heavily. “Dito na lang ako sa baba.”

Tumango ito. “Matulog ka na. Madami pa tayong aasikasuhin bukas para sa kasal.”

“O-Opo.” Hindi na siya nakaporma nang hintayin siya nitong makaakyat. Napilitan tuloy siyang bumalik sa taas.

Sa pagkakataong iyon, mahimbing na ang tulog ni Jiana habang si Jill ay nagsusuklay at nakaupo sa gilid ng bintana. Hindi niya ito kinibo, nagpatuloy lang siya sa paghiga sa tabi ng anak. Ilang saglit lang, nahiga na din ito sa kabilang dulo ng kama. Kung wala lang siguro si Jiana duon, baka kung ano na ang nagawa niya. He faced the ceiling then tried to shut his eyes to sleep pero hindi pa rin siya makatulog. Para na siyang mababaliw. He can’t believe he’s longing for Jill’s body right now. Baka nga namimiss niya lang si Kianna.

Pero kung ang nobya niya nga ang kanyang naaalala, bakit ang mga gabing pinagsaluhan nila noon ni Jill ang nakatatak sa isipan niya.

Muli niyang nilingon ang babae, nakapikit na ito habang hawak ang kamay ng anak nila. Napabuntong-hininga na lang siya saka pinilit ang sarili na matulog.

Like what he expected, masyado ngang naging busy ang sumunod na araw. Naunang matapos ang isusuot niya sa kasal silang dalawa din ni Jill ang nagdesisyon sa venue at sa motif. And after a long day, heto na naman si Kianna at handing makipag-away sa kanya.

“Why aren’t you answering my calls? Are you messing up with me?”

“No. I am just fixing a few things here.” Hindi na niya alam kung paano pa magpapaliwanag kay Kianna. Kapag sinabi naman niya dito ang totoo ngayon, alam niyang hindi ito mapapakali at susunod ito agad duon para lang mapigilan ang mga mangyayari.

“What few thing? I thought I was the most important in your life now. How can you do this to me?”

“Don’t start with that, babe. I am tired! I’m stressed!”

“Then let me be there! I’ll help you.”

“It would be better if you don’t get yourself involved. I can handle this. I will be there within tw weeks. Just wait for me.”

Nakarinig lang siya ng buntong-hininga bago natapos ang tawag nila.



Inabutan niyang nakaupo si Jethro sa gilid ng kama habang minamasahe ang sarili nitong sentido. Nasa tabi lang nito ang cellphone nito kaya hula niya’y tuluyan nang nag-away ang mag-nobyo. Nagmamalasakit na nilapitan niya ito para masahiin, hindi naman ito tumutol nang tumabi siya dito at gamit ang dalawa niyang kamay ay maingat niyang hinaplos ang batok nito at ulo. “Stressed ka na naman. Gusto mo, gisingin ko si Jiana para makipaglaro sa’yo?”

                “Nasa’n siya?”

                “Nasa kwarto ng Lola mo.”

                “’Wag mo ng gisingin.”

                “Kumain ka pagkatapos nito. Baka nagugutom ka na.”

                “I’m good. Ikaw, bakit hindi ka pa kumain?”

                “Hindi pa ako nagugutom. Mamaya na lang.” pinigilan nito ang kamay niya saka ito humarap sa kanya. Wala itong sinasabi ngunit ang mga mata nito, nakatitig sa mukha niya na parang gusto siyang tunawin.

                “Am I still special to you?” Hindi siya agad nakasagot sa itinanong nito. “Do you still love me, Jill?”

                Gusto niyang umiyak at sabihin ditong, oo, mahal niya pa ito pero tumawa lang siya. Inakala niyang mapapawi noon ang tensyon sa pagitan nila pero nagulat siya nang kabigin nito ang batok niya para halikan siya sa labi. Isang malalim na halik na tila pupugto sa kanyang paghinga.

                Ilang ulit sumigaw ang isip niya para kumbinsihin siyang hindi iyon totoo, ngunit sa bawat pagganti niya sa halik nito, nararamdaman niyang mas lalo itong nananabik. Mas dumidiin ang halik. Hanggang sa maramdaman niyang kinakapa nito ang kanan niyang dibdib. Bahagya niya itong itinulak. Nahihiyang yumuko ito saka siya binitawan. Bumalik sa mga mata nito ang sakit na nakita niya noong gabing umalis siya. Noong gabing sinabi niya sa mukha nitong hindi na niya ito mahal. Kaya hindi na niya napigilan ang sarili na maiyak.

                His tears fell as hers ran down her cheeks. Siguro naman kahit sa tanong na iyon, karapatan nitong malaman ang totoo, kaya walang isang salita, hinaplos niya ang pisngi nito, pinunasan niya ang mga luha nito saka niya ito hinalikan ng buong puso. Kung para dito, isang gabi lang iyon na pupuno sa kakulangang nararamdaman ng puso nito, para sa kanya, isa na naman iyong gabi ng pag-asa na baka bukas pag-gising niya, ang isang araw na iyon ay simula na ng panghabam-buhay nilang dalawa. Siguro nga walang madaling sitwasyon lalo na’t sangkot ang damdamin.

                He carefully kiss her and touch those parts of her that he missed. Ni sa hinagap hindi niya naiisip na mauulit ang ganito sa kanila. Noon, napapanaginipan niya lang na ibinubulong nito ang mga salitang, mahal kita, habang inaangkin siya nito ngunit ngayon ay totoong nangyayari na iyon!

                Dinama niya lang ang bawat sandaling pinagpapala ng binata ang bawat himaymay niya. Parang isang nakaliliyong panaginip ang pagniniig nilang dalawa. Iyong tipong ayaw na niyang ihinto. Pinakawalan niya rin ngayong gabi ang damdamin niyang pinipigil para dito, lahat ng pangamba ay inisang tabi niya para iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Ilang sandali lang, nakapusisyon na si Jethro upang muling angkinin siya.

                Walang pagtutol na muli niyang ibinigay dito ang sarili. Hindi niya sigurado kung bakit nga ba siya nito hinalikan pero alam niyang hindi niya pagsisisihan ang ginagawa nila ngayon. He hugged her tight as they are about to lay down. Hinayaan niya itong humiga sa dibdib niya habang kapwa pa rin nilang hinahabol ang paghinga.

                Inalis niya gamit ang kanyang palad ang mga butil ng pawis sa noo nito. Minsan lang siyang magiging malayang halikan ito kaya kinuha na niya ang pagkakataon na mahagkan ang noo nito saka siya bumulong... “Mahal na mahal pa rin kita.”

NAPAMULAT siya kinabukasan nang marinig ang kagikhikan ng mag-ama. Mabigat ang pakiramdam niya sa araw na iyon kaya hindi niya agad nagawang lingunin ang mga ito. Ang una niyang ginawa ay ang pagkapa sa sarili para tiyaking may suot siya ngayong naroon sa kwarto nila ang bata. Base sa nakapa niya, mayroon siyang suot na malaking t-shirt. Hindi niya sigurado kung galing ba iyon sa mga gamit nilang mag-ina dahil hindi pamilyar sa kanya ang texture ng tela.

                Nabigla siya nang may tumalon sa likod niya kaya saka siya niyakap ng mahigpit mula sa likuran. Saka niya lang naunawaan ang pinag-uusapan ng mga ito. “Daddy, kiss mo ulit si Mommy. Please?”

                “Mommy, gising na. Sabi ni Jiana, i-kiss daw kita.” Nagpapaalam pang sabi ni Jethro.

                “EEEE. Wag ka na maingay. I-kiss mo na lang si Mommy! Ang kulit mo Daddy!”

                Tumawa lang ng malakas si Jethro. Ngayon niya lang yata ulit ito narinig na tumawa. Pagkatapos nitong humalakhak, ipinihit siya nito nang marahan saka siya hinalikan sa labi. “Oh, ayan na ah. Hinalikan ko na Mommy mo. Ako naman i-kiss mo. Tapos bubuhatin na natin ‘to pababa para makapag-breakfast na, okay?”

                “Okay!” masiglang sagot ni Jiana.

                “Okay! Let’s go, let’s go!” Naglulundag na lumapit ang anak nila sa ama nito saka nito hinalikan sa pisngi ang Tatay nito. Napapangiti na lang siya habang pinanunuod ang mga ito. Pagkatapos itong halikan ni Jiana, umakto ito na parang nagwa-warm up. “Ready ka na ba? Kasi kapag hindi ko kinaya ikaw na magbubuhat sa Mommy mo.”

                “Ready Daddy!”

                “Hep! Ano’ng plano niyong dalawa?” pigil niya sa masamang plano ng mga ito sa kanya.

                “Matulog ka lang d’yan. Hindi ka kasali sa laro namin.”

                Parang batang inilabas nito ang dila habang nagme-make face. “Jethro?” sawa’y niya rito.

                At hindi na nga siya nakapaghanda nang parang isang sako siya ng bigas na inilagay nito sa balikat nito. Dedma ito sa tili niya. “Oppp, ahh. Mag-diet ka na ah!”

                “Ano ba! Ibaba mo ako!”

                “Kanina ka pa ginigising e. Alam mo naman ‘tong anak mo. Makulit. Hindi tumitigil hanggang hindi gising lahat ng tao.”

                Pagkasabi noon, binitbit na siya ni Jethro pababa habang nakasunod naman si Jiana sa kanila.

                Nakikitawa naman si Francisca sa baba habang nagbabasa ito ng magazine. “Dahan-dahan, apo! Mahulog kayo d’yan.” Paalala nito.

                Kahit alam niyang medyo delikado iyon, hindi siya natakot at nagtiwala siya kay Jethro na hindi siya nito mabibitawan. Ibinaba lang siya nito nang nasa sala na sila.

                Duon niya lang nakita ang suot niya. T-shirt iyon ni Jethro at nakapanty lang siya sa loob! Nahiya tuloy siyang humarap sa Lola nito. “Tinanghali ka na, hija. Hinintay ka talaga ng anak mo. Hindi na ako makakasabay dahil may schedule ako sa ospital. Sasamahan ako ni Jeva kaya kayong tatlo na ang magpunta sa dress shop. Nautusan ko na rin ang mga tauhan kong ipadala ang mga invitation. Sa susunod na linggo na ang kasal ninyo.”

                “Thank you, Lola.” Sabi ni Jethro.

                Ngumiti lang ang matanda. “Oh, siya. Kumain na kayong tatlo nang makapagsukat ka na ng gown.”

                Nang sila-sila na lang ang naroon, lumalabas na naman ang pagkapilyo ni Jethro. Malayung-malayo sa Jethro na una niyang nakilala nang tumuntong siya sa bahay na iyon. Nginingitian na rin siya nito. Pinaliliguan na ng katulong ang anak nila nang yakapin siya ni Jethro saka binulungan. “I heard you last night.”

                Naalala niya ang sinabi niyang mahal pa rin niya ito. Iyon ba ang dahilan kung bakit ang saya-saya nito ngayon? Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi.

                “Siguro, kailangan lang talaga nating mag-usap, Jill. I just need your cooperation.”

                Napabuntung-hininga siya. “I-“ she sighed again in defeat. “Oo na, mahal pa talaga kita.”

                He started to smile again from ear to ear. “I love you.” And as if he was a teenage boy who’s madly in love, he kissed her lips again. Wala itong pakialam kahit may dumadaan na mga katulong.
              
                Then they just laughed together.

                Kinakabahan siya habang isinusukat ang wedding dress niya. Hindi lang dahil sa baka hindi iyon bumagay o baka hindi iyon magustuhan ni Jethro kundi dahil sa sasabihin ng mga tao kapag lumabas na ang balitang ikakasal silang dalawa.

                Paano kapag makarating ito sa road manager ni Jeth. Baka pabayaan na nito ang career ni Jethro. Alam niya kung gaano ka-importante sa binata ang karerang pinaghirapan nito. Ayaw niyang maging dahilan para mawala iyon dito.

                Pagkalabas niya sa couch nang suot na ang dress, hindi niya magawang ngumiti. Ngayong nag-iinvest na naman siya ng feelings, paano na lang kung biglang linawin nitong joke pa rin ang lahat? Baka mabaliw siya. Lalo na’t hindi pa rin naman nito sinasabing siya at ang anak nila na ang pinipili nito at hindi ang girlfriend nito sa Amerika. Oo nga’t sinabi nitong mahal siya nito pero hindi niya magawang panghawakan iyon. Ganoon karami ang naglalaro sa isip niya kaya parang gusto na lang niyang umiyak.

                “What do you think, Jethro?” tanong ng Fashion designer dito habang natutulog sa kanlungan nito si Jiana.

                Mataman siya nitong tinitigan. Bahagya pang naningkit ang mga mata nito para suriin siya ng maayos. “Parang may kulang.”

                Nagtaka ang glam team niya sa araw na iyon. Inisa-isa ng mga ito ang suot at dala niya. ‘Yung mismong dress, check. ‘Yung belo, check. ‘Yung gloves, check din. “Wala namang kulang, Sir.” Sagot ng isa sa mga nagsuot sa kanya ng damit.

                Maingat na inihiga ni Jethro ang anak nila sa unan para tumayo at lumapit sa kanya, binigyan naman ito ng glam team niya ng daan. Hinapit siya nito at kinintalan ng pinong halik sa labi. Awtomatiko ang ngiting sumilay sa mga labi niya nang gawin nito iyon. “There, perfect.”

                Para namang nanunuod ng sine ang apat habang nakatingin sa sila. Kilig na kilig ang mga ito sa ka-sweet-an ni Jethro.

                Nang makabalik na siya sa likod para magbihis, nagulat siya nang usisain ng isa sa mga nag-asikaso sa kanya. “Ma’am, ‘yung mapapangasawa mo eh ‘yung action star diba? May napanuod akong movie niya eh.”

                Ngumiti lang siya bilang tugon.
              
                “Oh em gii, ang swerte niyo naman Ma’am. Ang gwapu-gwapo pa ng mapapangasawa ninyo!”

                “Salamat.” Hindi niya pa rin alam hanggang ngayon kung dapat niya ngang ikatuwa ang kasal nila. Wala naman silang malinaw na usapan. ‘Yung nangyari kagabi at ang sinabi nito kanina, hindi pa rin assurance iyon na handa na si Jethro na piliin sila. 

                “Dito po tayo Ma’am sa counter. Bayad na po ito kaya pipili na lang kayo ng delivery option saka ng oras.” Mabuti na lang ang hindi na rin siya inusisa nito. Kahit paano naman, mga professional talaga ang mga organizer na napupuntahan nila.

                “Salamat ulit.”

                Pagbalik niya kay Jethro, buhat na nito ang anak nilang tulog. “Ano’ng sabi, ide-deliver na lang nila ‘yung gown mo o dadalhin na natin?”

                “Ide-deliver na lang. Uwi na tayo?”

                Umiling ito na parang bata. “Ayaw. May promise ako sa prinsesa natin na dadalhin ko siya sa amusement park.”

                “Ano? Eh tulog nga ‘yang batang ‘yan oh.”

                “Tapos na sila Lola sa ospital kaya makakasama sila sa atin.”

                “Pag-aalagain mo sila ng batang tulog?”

                “Magigising din ‘to mamaya. ‘Wag ka na ngang kontrabida d’yan. Sumama ka na lang.” walang paalam na ginagap nito ang kamay niya dahilan para maglulukso na naman ang puso niya sa tuwa. Sa tuwing magdidikit talaga ang mga balat nila, palagi na lang ganoon ang epekto sa kanya.

NAUNA pa sa amusement park sina Jeva at Francisca. Nakaupo ang mga ito sa isang cafe habang naghihintay. “Oh my gosh. Puyat ba ‘tong pamangkin ko? Bakit tulog na tulog?”

                “Hay naku, apo, maagang nagising iyang si Jiana. Ang daming kinuwento sa akin. Hindi ko naman alam na kulang pa pala ang tulog niya.” Natatawang sagot ng Lola nila.

                “Akin na nga muna si Jiana. Maglaro ka na.” sabi ni Jeva saka inabutan ng face mask si Jethro. Wala mang masyadong tao sa lugar na iyon ngunit mas maganda na din ang nag-iingat.

                “Babalikan namin siya kapag gising na. I-text mo lang ako, okay?”

                “Oo na. Gusto mo lang na mag-date kayo, ginamit mo pa ang pamangkin ko.”

                He smiled sheepishly then he grabbed her hand at naglakad silang parang totoong nagde-date. Pumila sila agad sa isang extreme ride, Space Shuttle. “Hala, ayoko dito. Sasamahan ko na lang ang anak mo.”

                “Hayaan mo na muna si Jiana. I-enjoy mo ‘to. Kasi pagbalik ko sa US, medyo matagal bago tayo ulit magkita.” Nalungkot siya sa narinig. Tama nga siya, wala namang nagbago sa plano. Aalis pa rin ito para sa nobya nitong naghihintay sa Amerika.

                Pinilit na lang niyang ngumiti. Ayaw niyang ipahalata na umasa siya sa mga gestures at sinabi nito. Baka nga kaibigan na lang talaga ang tingin nito sa kanya at ang bonding na ginagawa nila ngayon ay para lahat sa palabas. Isa pa, wala na rin namang magbabago kung lagi lang silang mag-iiwasan kaya mas mabuti ngang maging magkaibigan na lang sila.

                Sandaling nawala ng nararamdaman niyang sakit sa kanyang puso at napalitan iyon ng takot nang makaupo na silang magkatabi sa space shuttle. Noong first time niya, nangako siyang hindi na niya uulitin iyon, ngunit dahil sa pagpupumilit ni Jethro, wala na siyang nagawa. Natatawang hinawakan nito ang kamay niya. “Are you scared?”

                “Mukha bang mae-enjoy ko ‘to?”

                Natawa na naman ito. “Seriously? ‘Wag kang matakot. Kasama mo ako. Humawak ka sa akin. I won’t let you go.” Pinilit niyang huwag kiligin sa sinabi nito. Hindi niya dapat bigyang ng ibang kahulugan ang mga ginagawa at sinasabi nito sa kanya kaya nanatili siyang focus sa takot niya. Nang magsimulang umandar ang sinasakyan nila, nagsisimula na siyang magdasal ng paulit-ulit na sana makababa siyang buhay samantalang ang katabi niya, parang balewala lang na nakatiwarik sila sa ere.

                “Ahhh!” napasigaw siya sa takot nang marating nila ang hoops samantalang humihiyaw sa sobrang tuwa ang lalaking ito. Pagkatapos ng ilang minuto natapos na rin ang kalbaryo niya.

                Akala niya hihimatayin siya nang makababa sila duon mabuti na lang at nakaalalay si Jethro sa kanya. Dumaan sila sa photobooth para tingnan ang mga litrato nila at tawa ito ng tawa sa pagmumukha
niya. “Look at you. Parang gusto mo na akong sapakin kanina!” he is laughing like nuts.

                “Muntik na talaga, Jeth! Naku! Akala ko mamamatay na ako du’n!”

                “I won’t let that happen. Tara na sa next ride.” Sa pagkakataong iyon, hindi na siya nito dinala sa extreme ride. In-enjoy nila ang swan lake nang silang dalawa lang.

                “Mamaya babalik kami dito ni Jiana.” Nakangiting sabi nito.

                “Okay.”

                “Siya nga pala, I haven’t thanked you yet for raising my daughter well. Thank you.” Gusto niyang ma-touch ng todo sa sinabi nito habang nagpipidal sila ng sinasakyan nilang swan.

                “Nanay niya ako. Natural na aalagaan ko siya at palalakihin ng maayos.”

                “No. What I mean is, you did it so well alone. Dapat kasama mo ako, pero, nasaan ako nung mga panahong kailangan mo ako? Nasa Amerika. Having the best years of my life. Naiwan ka ditong mag-isa. Hindi ko alam kung paano mo napagsabay ang pag-aalaga sa kanya at ang pagtatrabaho mo. Salamat sa mga ginawa mo.”

                “May mga taong tumulong sa amin. Hindi naman kami napabayaan.”

                Tumangu-tango ito. “That’s good. Promise me, Jill. Hahayaan mong makabawi ako sa inyo.”

                “Sa pagmamahal na binibigay mo kay Jiana, bawing-bawi ka na.”

                Parang gusto niyang matunaw nang ngumiti ito. Kahit natatakpan ng face mask ang ilong at bibig nito ay ganoon pa rin ang epekto ng ngiti nito sa kanya. “Do you think we can still be a family?”

                “Bakit naman hindi?”

Just One Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon