Kumuha ulit siya ng mga ginupit na puso saka muling tumuntong sa steel ladder. Nang makabit na niya ang lahat ng heart cut-outs, binigyan niya ng isang sulyap ang mga ginawa niya saka ipinagpag ang mga kamay na nalagyan na ng mga glitters. “Maganda na ‘yan?”
Sa gulat niya nang marinig ang baritonong boses nito, kamuntik na siyang mahulog sa steel ladder. Mabuti na lang at nakapagbalanse siya ng katawan. Bumaba siya para magpakilala dito. At talagang napahinto ang mundo niya nang makita ang lalaking iyon na nakasuot ng itim na hoodie at itim na face mask. Hindi niya gaanong kita ang mukha nito dahil nakatutok sa kanya ang mga ilaw sa studio at nasa parte ito ng audience’s set.
Malakas kasi ang dating ng lalaking ito. Naisip niya tuloy na baka ito ang head ng production team. May biglang bumulong sa utak niyang magpakilala. “Ako po pala si Jill. Sa make-up po ako naka-assign.”
“Sa make-up ka naman pala naka-assign, bakit nakikialam ka d'yan?”
Napalunok siya. “Gusto ko lang naman pong tumulong at saka madali lang naman ‘yan.”
“Sinabi ko ng ayaw ko ng baduy na props. Ipinilit pa rin ‘yang concept na ‘yan. Hindi ka ba nag-iisp?” nasa himig nito ang pagkayamot na para bang kailangan na niyang tanggalin ngayon din ang mga ikinabit niya.
Medyo na-hurt siya sa sinabi nito hindi lang dahil sa sinabihan siyang parang hindi siya nag-iisip kundi dahil sa masasayang na pagod ng ibang staff para lang mabuo ang mga props na ‘yon. Alam niyang hindi deserve ng kahit na sino ang mapagsalitaan ng ganoon kaya kahit hindi niya concept ‘yon, minabuti na niyang sumagot. “Mawalang galang na po ano, unang-una po sa lahat sa make-up nga po ako. Wala akong kinalaman sa props. Tumulong lang po ako sa pagkakabit. Pangalawa. Hindi po ba kayo naaawa sa mga taong nagpuyat na ayusin ang set na ‘to? Sigurado naman pong may nag-approve ng ganitong theme bago nila ginawa. Sana po pahalagahan niyo din ang trabaho ng iba hindi iyong irereject niyo kung kailan last minute na.”
“Naiinis ka ba?” mukhang natuwa ito sa kanya sa paraang hindi niya alam. She can sense it through his voice. O mas magandang sabihing natatawa ito dahil halatang naiinis na siya.
“Medyo lang po.” She look pathetic she knew. Pagkatapos niya itong sagut-sagutin, baka maisipan nitong tanggalin siya bilang part ng crew kaya binabuti niyang sumagot sa mahinahong tono. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. “Sesante na po ako?”
Narinig niya lang ang mahina nitong tawa saka siya tinalikuran. Dumiretso ito sa backstage. Awtomatiko siyang napaupo nang maramdamang tila nawalan siya ng lakas dahil lang sa presensya ng lalaking iyon.
Pagkatapos ng ilang saglit, isa-isa na ngang nagsidatingan ang mga staff and crew. Nang makita niyang nagkakagulo na ang mga tao, nakitulong na din siya tutal naman wala pa si Jethro, ganoon naman ang mga artista, huli kung dumating. “Bianca!” napalingon siya nang may biglang tumawag sa kaibigan niya. Nakita niyang itinuro siya ni Bianca sa baklang tumawag dito. Pagkatapos mag-usap ng dalawa, saka lang siya nilapitan ni Bianca.
“Jill. Bakit andito ka pa? Kanina ka pa hinahanap sa loob.”
Nataranta siya nang marinig iyon. “And'yan na ba si Jethro?”
“Kanina pa.” Kulang na lang kumaripas siya ng takbo nang malamang naroon na ang prinsipe niya.
Nang makarating na siya sa dressing room ni Jethro, bigla na lang nagsilabasan ang ibang mga staff. Ang naiwan na lang duon ay ang lalaking nakasuot ng hoodie at face mask. Kasalukuyan itong nakaupo sa tapat ng salamin na napapalibutan ng light bulb at sa likod ng inuupuan nito nakasulat ang dalawang letra. JK. Iisa lang ang kilala niyang may ganoong screen name.
Naghyper-ventilate ang inner self niya nang ma-realize kung sino ang kausap niya kanina. Hindi siya maaaring magkamali. Eto yung inakala niyang head ng production staff na sinagot niya kanina.
“Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan? Mage-air na in 2 hours.” Naiilang na lumapit siya dito. Kahit ayaw niya, wala naman siyang magagawa dahil trabaho niyang ayusan ito. Iyon nga ang gusto niyang mangyari in the first place, diba? Bakit parang gusto na niyang umatras ngayon?
Iniharap nito sa kanya ang sarili nitong mukha habang may suot pa ring mask. Bakit ba hindi niya kasi nakilala ang lalaking iyon agad? Itinuro muna nito ng dalawang beses ang mask sa mukha nito bago niya nagets na dapat niya iyong tanggalin.
Sumunod siya para lang atakihin siya ng sobrang kilig dahil sa gwapo nitong mukha na nahantad sa paningin niya. Sunud-sunod tuloy ang paglunok niya. Para kasing nanunuyo na ang lalamunan niya sa sobrang pagka-tense. Sa totoo lang okay na nga ang hitsura nito kahit hindi na niya make-up-an kaya lang kailangan niya pa ring lagyan ng kunting shade ang mukha nito para mas lalo itong gumwapo lalo na sa harap ng camera.
“Magsisimula ka na ba o tititigan mo lang ako?”
She forced a laugh. “Pasensya na ah, ang gwapo mo kasi saka fan mo talaga ako.”
Pinigilan nitong tumawa. “Ikaw? Fan? E parang kanina gusto mo ng ihagis sa'kin ‘yung steel ladder. ‘Yun ba ‘yung fan?”
Paano ba niya sasabihin ditong fan pa rin siya at crush niya pa rin ito kahit nakakaimbiyerna ang attitude nito kanina? “Ah… Kasi…”
“What.” He is getting impatient. Napalunok na lang siya nang umarko ang isang kilay nito.
“Hindi ako magso-sorry sa sinabi ko kanina pero magso-sorry ako kasi hindi kita agad nakilala pero maniwala ka, fan mo ako. Ang totoo niyan, cra… cru….” At nautal na lang siya.
“Crush mo ko?” he said it effortlessly. Halatang bilib din ito sa sarili.
“Siyempre, gwapo ka. Natural lang na madami ang magkagusto sa'yo at isa na ako duon pero sa attitude mo, medyo nakaka-turn off.”
“Masyado kang honest, ano?”
Sinubukan niyang itikom ang bibig. Halata kasing malapit na itong mapuno sa kanya. Baka kapag napikon ito sa kanya eh bigla naman siyang sisantehin.
“Do you have time tomorrow?” nashock siya sa itinanong nito na may kalakip na ngiti.
“Uhm…”
NAPILITAN siyang bumalik sa kasalukuyan nang hilain ni Jiana ang kamay niya habang magkahawak silang mag-ina nang pumasok sa loob ng mansion. Iginiya sila ng isang katulong papasok sa isang malawak na silid.
Inabutan niyang tahimik na magkakaharap sa malaking dinning table ang tatlo. Parang nailang tuloy siyang lumapit. “Come on. Seat here.” Kung hindi pa siya tinawag ni Francisca, baka manatili lang silang nakatayong mag-ina duon. Ipinaghila sila ng katulong ng upuan sa tabi ni Jethro. Ang inosente niyang anak, nakatitig lang sa ama nito hanggang sa makaupo. Samantalang si Jethro, poker-faced. Hindi niya tuloy masabi kung ano ang nasa isip nito.
Imbes na magsalita, umupo na lang siya at inasikaso si Jiana.
Ilang minuto muna ng katahimikan ang lumampas hanggang sa magsalita si Jethro. In a very cold voice. “How can you be so sure that this child is mine?”
“I told you, Jeth. Matagal ko na siyang pinamamatyagan mula pa lang nang matagpuan ko kayo ni Jeva. And besides, she used to be your girlfriend.”
Pinaglalaruan ni Jethro ang tinidor at nang marinig nito ang …used to be your girlfriend… bigla nitong ibinagsak iyon.
“Your manners, Jeth.” Saway ni Jeva sa kapatid.
“Don’t you want to be with your daughter? Kung tutuusin, hindi ko na kailangang magpa-DNA Test para mapatunayan kung anak mo nga siya. Look at her. She looks exactly like you and your mom.” Nilingon nito si Jiana at nakita ni Jill na may katiting na pananabik sa mga mata nito. Nawala lang iyon nang mapadako ang tingin sa kanya.
Hindi niya kinaya ang eye-contact kaya nag-iwas siya ng tingin. Suminghot ito at saka sinimulan ang pagkain. Nagsimula itong kumain na parang wala itong nalaman ngayong araw. Tahimik ang lahat na nananghalian, pero parang hindi niya kayang kumain sa ganoon ka-awkward na sitwasyon. Baka hindi lang siya matunawan.
Ipaghihiwa niya sana ng karne ang anak niya nang lagyan ito sa plato ni Jethro. Ngumiti ang anak niya at nagpasalamat. “Thank you, Daddy.”
Mukhang hindi na niya kailangang ipaliwanag kay Jiana ang lahat. Madali talagang maka-pick up ang anak niya. O baka nararamdaman din nito ang lukso ng dugo kung totoo mang may ganoon.
Para siyang nabunutan ng maliit na tinik nang makitang ngumiti si Jethro sa anak niya.
Pagkatapos kumain, inilahad ni Jethro ang kamay kay Jiana. Hindi man lang nangiming sumama ang anak niya sa ama nito. Nang makababa si Jiana sa kinauupuan, binuhat ito ni Jethro. “What’s your name?” tanong nito sa bata.
“My name is Jiana. Elise. Lazaro.”
Jethro smiled heartily. “Hi Jiana. Nice to meet you.”
PINANUOD niyang mag-usap ang dalawa sa malayo. Halata sa mukha ng anak niya ang pananabik sa ama. Kung hindi niya siguro hinayaang makilala ito ni Jiana ngayon, siguradong madami siyang panghihinyangan. Masyado pang bata si Jiana at masaya siyang ganoon kadali nitong tanggapin ang lahat. Inabot na ng hapon ang dalawa sa pagkukwentuhan hanggang sa makita niyang nakatulog na si Jiana sa kanlungan ng ama nito.
Hinayaan niyang pagmasdan ni Jethro ang mukha nito. Lumapit lang siya nang buhatin na nito ang bata. “Akin na siya.” Sinubukan niyang kunin dito ang bata.
Inilayo nito si Jiana. “I will take her to her room.”
“Ako na. Duon din naman ako pupunta.”
“No, you stay here. We need to talk.”
Ngayon lang siya ulit nakaramdam ng kaba. Pakiramdam niya sasabog na ang utak at puso niya habang naghihintay dito. Hindi niya alam kung handa na nga ba siyang harapin ang lalaki pagkatapos ng apat na taon?
Bahala na. Tutal wala na rin naman siyang magagawa. Napapayag na siya ni Ben at ni Francisca. Pipilitin na niyang maging handing harapin si Jethro.
She saw him walking towards her after a couple of minutes. She then took her time to appreciate his handsome face. Lahat naman yata gwapo dito. Ang porma nito, paraan ng paglalakad, ang mukha, at ang amoy. Pakiramdam niya, nabubuhay ang bawat himaymay ng pagkababae niya.
Tutulo na sana ang laway niya nang kaladkarin siya ni Jethro papunta sa garden habang hawak ang siko niya. Pumalag lang siya nang naroon na sila sa labas. “Aray ko! Ano ba!” Kung sa loob kasi siya sumigaw, malamang na-alarma na ang Lola nito at kapatid.
“Why?”
‘Yun lang ang sinabi nito pero hindi niya kayang sagutin.
“Why do you have to do this?”
“Nagtago kami. Hindi ko alam kung paano-”
“Bakit kayo nagtago? Bakit mo ginawa ‘yon? Pinalampas ko na ‘yung pang-iiwan mo sa akin kahit alam mong kailangan kita. Pero inilayo mo sa akin ang anak ko, aba. Sobra ka naman na yata!”
Gustong madurog ng puso niya sa mga sinasabi nito. Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang iniisip nito. Na iniwan niya ito.”
“Umamin ka! Ako ba talaga ang ama o sa akin mo lang ipinaaako dahil iniwan ka na niya?” Masakit pero naiintindihan niya kung bakit nito nasabi iyon, pero awtomatiko ang naging reaksiyon niya na sampalin ito.
She wanted to say sorry, pero kailangan nitong malaman na wala itong karapatang pagdudahan ang anak niya. “Alam kong nasaktan kita at hindi ko na ulit gagawin ‘yun sa’yo. Kung anak siya ng ibang lalaki, mas gugustuhin kong mawala na ng tuluyan sa paningin ninyong lahat. Pero wala akong choice. Pinakiusapan ako ng Lola mo. Ngayon, kung pagdududahan mo ang pagkatao ng anak ko, mabuti pang umalis na lang kami.”
Then she walked out. Dumiretso siya sa kwarto nilang mag-ina. Mabuti na lang at hindi niya pa na-aayos ang mga damit nila sa aparador. Madali niyang mabibitbit iyon. Ngunit pagkalabas pa lang niya ng kwarto para sana tumawag ng taxi, naroon na sa labas ng pinto si Jethro. “Aalis ka talaga?”
“Oo.”
Pinanuod lang siya nitong pinupulot ang dalawang sapatos ni Jiana na inilabas nito kanina.
“What is happening here?” sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. “Jill?” nilampasan nito ang apo nitong nakatayo lang sa tapat ng pinto. “What do you think you’re doing?”
Hindi siya makasagot.
“Natutulog ang apo ko. Mag-usap tayong tatlo sa labas.”
Napilitan siyang bitawan ang mga bitbit at sumama sa matanda. Sumunod naman ang apo nito sa kanila. They ended up talking at the library.
“How much?” Jethro asked straight to her face. Kahit hindi na nito kumpletuhin ang sentence, alam na niya ang ibig sabihin nito.
“Hindi ko kailangan ng pera mo!” Singhal niya sa lalaking ito. “Pasensya na po. Bibisitahin na lang kayo dito ni JIana. Hindi po pwedeng magkasama kami sa iisang bubong sa ganitong sitwasyon.”
“Edi umalis ka. Iwanan mo dito ang anak ko.”
“Hindi ko gagawin ‘yon dahil kailangan ako ni Jiana!”
Parehas silang natigilan ang tumayo si Francisca para lang hampasin ang malapad nitong table. “Tumigil kayong dalawa! You are getting married. Sa away at sa gusto ninyo.”
“What? You can’t do this to me!” si Jethro agad ang unang tutol sa ideyang iyon. Mas lalong kumirot ang puso niya nang maisip nab aka mayroon na itong iba kaya ganoon na lang ang reaksyon nito.
“And you can’t do this to your daughter! Bakit mo tatanggalan ng Nanay ang bata kung pwede naman kayong magsama na dalawa? Single si Jill. Single ka. Walang masama duon.”
Mataman siyang nakaabang sa isasagot nito.
“Isa pa Jethro, don’t you think your love deserves a second chance?” Gusto niyang sumang-ayon sa Lola nito. Ngunit ayaw niyang umabuso. Alam niya ang lugar niya sa buhay ni Jethro.
“I don’t love her anymore. I am getting married, Lola.”
“What?” nabigla ang matanda sa narinig. Parang gustong madurog ng puso niya. That was a heart-breaking news. The only man she loved finally found his true love. Paano na siya? Paano na ang anak nila?
“I don’t know why you have to do this without letting me know. Kung sinabihan niyo ako agad, hindi na sana sila nagpunta dito. Edi sana, ako na lang ang kumuha sa anak ko kapag kasal na kami.”
Sinubukan niyang pigilan ang mga luha niya pero hindi niya magawa. Tumakas ang mga iyon ng mabilis. Tila nag-uunahan sa pagpatak. Pero sino ang dapat niyang sisihin? Siya. Pinili niya iyon para maabot ni Jethro ang lahat ng pangarap nito. She walked away because she thought that it was the best thing to do for him. Hindi niya inakalang ganoon iyon kasakit. Sa bibig nito mismo nanggaling ang mga salitang… I don’t love her anymore.
Kung nanatili na lang sila ni Jiana sa bundok edi sana, tahimik pa rin ang buhay nilang mag-ina. Pinunasan niya ang mga luha niya. She doesn’t want to look pathetic anymore. “Pasensya na po sa mga nangyari. Bukas naman po ang bahay ko para sa inyo, pero hinding-hindi ko ipamimigay ang anak ko. Excuse me po.”
Napahinto siya sa paglalakad palabas nang marinig ang pagdaing ng matanda. “Lola!" Pagkalingon niya, pangko na ni Jethro si Francisca. Dahil sa lubos na pag-aalala, sumakay na din siya sa kotse para samahan si Francisca sa back seat habang nagmamaneho si Jethro.
BINABASA MO ANG
Just One Day [Completed]
FanfictionWala siyang ibang hinangad kundi ang kabutihan ni Jethro. That's her number one priority. Kaya nga she did everything she could to save his failing stardom. She walked away from him and started her solo life as a mother. Akala niya tahimik na ang...