EPILOGUE

207 5 0
                                    

He is patiently waiting while she took her time to walk down the aisle. Ngayon, sigurado na siyang hindi na panaginip iyon. Nagtatatalon sa tuwa si Jiana habang naglalakad din ito sa gitna ng mga upuang para sa mga bisita. Hawak nito ang isang basket na puno ng mga rosas na kulay puti at pula habang isinasaboy iyon sa sahig na mamaya’y daraanan niya.

Nasa kanan niya ang mga bisita sa pamilya ni Jethro. Naroon sina Lola Francisca at Jeva kasama ang mga kaibigan at malalayong kamag-anak ng mga Diaz.

Nasa kaliwa naman niya ang mga kaibigan niya at katrabaho. Sayang nga lang at wala sa mga tiyahin niya ang nakarating dahil nasa malalayong lugar na ang mga ito.

Masyadong pribado ang kasal nila kaya walang mga network ang nakapag-cover.

She’s wearing a simple yet elegant dress. Wala na siyang pakialam kung hindi na-appreciate ng ibang bisita ang suot niya. Ang mahalaga, siya ang pinakamagandang babae sa paningin ni Jethro. Nakikita niya rin si Kianna sa gilid na kinukuhanan din ng video ang pinaka-espesyal na araw sa buhay niya. Sa wakas, hindi na niya kailangang masaktan at magsinungaling sa tunay niyang nararamdaman. She can also see Bianca na pinipigilan ang mga luha dahil sa sobrang kaligayahan para sa kanya.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Jethro nang marating na niya ang dulo ng altar. Naglahad agad ito ng kamay para sa kanya. May maliliit na butil ng luha sa pisngi nito dahilan para lalong mapuno ang puso niya ng pagmamahal.

Magkahawak na sila ng kamay nang humarap sa Diyos at sa mga tao. “I will never let you go again. Never again.”

Tama na ang sinabi nito para masiguro niyang iyon na nga ang simula ng panghabang-buhay nila. Hindi man nila iyon nakuha agad noon, ngunit masaya siyang nangyari ang lahat ng bagay sa tamang panahon.

They sealed that moment with a very special kiss. Ang susunod na lang niya sigurong poproblemahin ay kung paano nila paplanuhin ang lima pang anak na inuungot nito.



W A K A S

💓💓💓
🐰🐰🐰

Just One Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon